Legarda welcomes PISA 2025 gains, calls for sustained momentum in education reforms
September 10, 2026Senator Loren Legarda welcomed the Philippines’ improved performance in the 2025 Programme for International Student Assessment (PISA), saying the results provide measurable evidence that efforts to address the country’s learning crisis are beginning to make headway, while stressing that much more remains to be done.
The Philippines posted its highest PISA scores since joining the assessment in 2018, recording 373 in Science, 371 in Mathematics, and 367 in Reading. Compared with 2022, the country improved by 17 points in Science, 16 points in Mathematics, and 20 points in Reading. The Philippines also registered the largest improvement in Reading among countries and economies with comparable 2022 and 2025 data, while its gains in Mathematics were among the largest recorded.
“Nasa tamang direksyon tayo. Ang hamon ngayon ay panatilihin at palawakin ang mga pagbabagong ito. Ipinapakita ng resulta na kaya nating iangat ang kalidad ng edukasyon kung tuloy-tuloy ang mga reporma at nakatuon tayo sa tunay na pagkatuto ng bawat bata,” Legarda said.
Legarda commended the Department of Education (DepEd) for the gains, as well as the teachers, school leaders, learners, parents, and other education stakeholders such as the Second Congressional Commission on Education (EDCOM II), whose collective efforts contributed to the improvement.
“Binabati ko ang DepEd, ang ating mga guro at school leaders, at higit sa lahat, ang ating mga mag-aaral. Ang pag-angat ng ating PISA scores ay mahalagang indikasyon na may mga hakbang na nagbubunga ng resulta. Kailangan natin matukoy kung alin ang epektibo at tiyaking mas maraming paaralan at mag-aaral ang makinabang dito,” she said.
While welcoming the results, Legarda emphasized that the improvement should serve as an impetus to accelerate, rather than slow down, education reforms. Philippine scores remain below OECD averages, while a majority of Filipino learners have yet to reach minimum proficiency in Reading, Mathematics, and Science.
Malaking bagay ang pag-unlad na ito, pero hindi ito sapat. Marami pa ring batang Pilipino ang nahihirapang bumasa nang may pag-unawa at makamit ang kinakailangang kasanayan sa Mathematics at Science. Ang hamon ngayon ay gawing tuloy-tuloy ang pag-angat at dalhin ang progreso sa bawat paaralan at silid-aralan,” Legarda said.
The senator, who previously served as Co-Chairperson of EDCOM II and now serves as one of its Commissioners, said the PISA results reinforce the Commission’s findings on the need to address learning gaps at their roots, particularly by strengthening foundational literacy and numeracy and pursuing sustained, evidence-based reforms to address the country’s learning crisis.
“Hindi natin maaaring hintaying 15 taong gulang na ang isang bata bago tugunan ang mga kakulangan sa kanyang pagkatuto. Sa mga unang taon pa lamang, kailangan nang matiyak na marunong siyang bumasa nang may pag-unawa at may matibay na pundasyon sa numeracy,” she said.
Legarda stressed that sustaining the country’s gains requires continued investments in foundational learning, early childhood care and development, teacher quality and support, nutrition and health, adequate learning resources, and targeted interventions for struggling learners.
These priorities are also at the core of Senate Bill No. 1853, or the proposed K to 3 Foundational Learning and Nurturing Care Act, which she authored to strengthen early literacy, numeracy, and other foundational skills while ensuring that children receive the nutrition, health, and nurturing care necessary for learning and development.
Legarda said the gains reflected in PISA 2025 should guide the country in strengthening interventions that are working, addressing persistent gaps, and ensuring continuity in the implementation of the National Education and Workforce Development Plan 2026–2035 developed through EDCOM II.
For Legarda, the improved PISA performance is a significant measure of progress, but the more important challenge is whether these national gains translate into sustained improvements in what Filipino children actually learn, particularly those who continue to fall behind.
“May momentum na tayo. Huwag natin itong sayangin. Ang susunod na hamon ay tiyaking hindi lamang sa susunod na PISA makikita ang pag-angat, kundi sa kakayahan ng bawat batang Pilipino na bumasa, umunawa, at magamit ang kanilang natutunan sa pang-araw-araw na buhay,” Legarda concluded. (30)
————————————————————————-
Legarda kinilala ang pag-angat ng Pilipinas sa PISA 2025, nanawagang panatilihin ang momentum ng mga reporma sa edukasyon
Kinilala ni Senador Loren Legarda ang pag-angat ng Pilipinas sa 2025 Programme for International Student Assessment (PISA), na aniya’y malinaw na indikasyong nagsisimula nang magbunga ang mga hakbang upang tugunan ang krisis sa pagkatuto sa bansa, bagama’t marami pang kailangang gawin.
Naitala ng Pilipinas ang pinakamataas nitong PISA scores mula nang lumahok sa assessment noong 2018, na may 373 sa Science, 371 sa Mathematics, at 367 sa Reading. Kumpara noong 2022, tumaas ng 17 puntos ang marka ng bansa sa Science, 16 puntos sa Mathematics, at 20 puntos sa Reading. Pilipinas din ang nagtala ng pinakamalaking pag-angat sa Reading sa mga bansa at ekonomiyang may maihahambing na datos mula 2022 at 2025, habang kabilang din sa pinakamalaki ang naging pagtaas nito sa Mathematics.
“Nasa tamang direksyon tayo. Ang hamon ngayon ay panatilihin at palawakin ang mga pagbabagong ito. Ipinapakita ng resulta na kaya nating iangat ang kalidad ng edukasyon kung tuloy-tuloy ang mga reporma at nakatuon tayo sa tunay na pagkatuto ng bawat bata,” pahayag ni Legarda.
Pinuri rin ni Legarda ang Department of Education (DepEd), mga guro, school leaders, mag-aaral, magulang, at iba pang katuwang sa sektor ng edukasyon, kabilang ang Second Congressional Commission on Education (EDCOM II), na sama-samang nag-ambag sa pag-unlad na makikita sa mga resulta.
“Binabati ko ang DepEd, ang ating mga guro at school leaders, at higit sa lahat, ang ating mga mag-aaral. Ang pag-angat ng ating PISA scores ay mahalagang indikasyon na may mga hakbang na nagbubunga ng resulta. Kailangan natin matukoy kung alin ang epektibo at tiyaking mas maraming paaralan at mag-aaral ang makinabang dito,” ani Legarda.
Gayunman, iginiit ni Legarda na ang pag-angat sa PISA ay dapat maging dahilan upang lalo pang pabilisin ang mga reporma sa edukasyon. Nananatiling mas mababa sa OECD averages ang scores ng Pilipinas, habang karamihan sa mga mag-aaral na Pilipino ay hindi pa naaabot ang minimum proficiency sa Reading, Mathematics, at Science.
“Malaking bagay ang pag-unlad na ito, pero hindi ito sapat. Marami pa ring batang Pilipino ang nahihirapang bumasa nang may pag-unawa at makamit ang kinakailangang kasanayan sa Mathematics at Science. Ang hamon ngayon ay gawing tuloy-tuloy ang pag-angat at dalhin ang progreso sa bawat paaralan at silid-aralan,” diin niya.
Si Legarda, na dating nagsilbing Co-Chairperson ng EDCOM II at ngayo’y isa sa mga Commissioner nito, ay nagpunto na pinagtitibay ng PISA results ang mga natuklasan ng Komisyon na kailangang tugunan ang learning gaps habang maaga, partikular sa pamamagitan ng pagpapalakas ng foundational literacy at numeracy at pagpapatuloy ng mga repormang nakabatay sa ebidensya.
“Hindi natin maaaring hintaying 15 taong gulang na ang isang bata bago tugunan ang mga kakulangan sa kanyang pagkatuto. Sa mga unang taon pa lamang, kailangan nang matiyak na marunong siyang bumasa nang may pag-unawa at may matibay na pundasyon sa numeracy,” ani Legarda.
Binigyang-diin ng senadora na upang mapanatili ang pag-angat ng bansa, kailangang tuloy-tuloy ang pamumuhunan sa foundational learning, early childhood care and development, kalidad at suporta para sa mga guro, nutrisyon at kalusugan, sapat na learning resources, at mga programang nakatuon sa mga batang nahihirapan sa pag-aaral.
Nakasentro rin sa mga prayoridad na ito ang Senate Bill No. 1853 o ang panukalang K to 3 Foundational Learning and Nurturing Care Act, na kanyang inakda upang palakasin ang early literacy, numeracy, at iba pang batayang kasanayan ng mga bata, kasabay ng pagtiyak na natutugunan ang kanilang pangangailangan sa nutrisyon, kalusugan, at wastong pagkalinga na mahalaga sa kanilang pagkatuto at pag-unlad.
Ayon kay Legarda, dapat magsilbing gabay ang pag-angat sa PISA 2025 upang higit pang palakasin ang mga programang napatunayang epektibo, tugunan ang mga kakulangang nananatili, at tiyakin ang tuloy-tuloy na pagpapatupad ng National Education and Workforce Development Plan 2026–2035 na binuo sa pamamagitan ng EDCOM II.
Para kay Legarda, mahalagang sukatan ng progreso ang mas mataas na PISA scores, ngunit ang mas mahalagang hamon ay kung mararamdaman din ang pag-unlad na ito sa aktuwal na natututuhan ng mga batang Pilipino, lalo na ng mga mag-aaral na patuloy na naiiwan.
“May momentum na tayo. Huwag natin itong sayangin. Ang susunod na hamon ay tiyaking hindi lamang sa susunod na PISA makikita ang pag-angat, kundi sa kakayahan ng bawat batang Pilipino na bumasa, umunawa, at magamit ang kanilang natutunan sa pang-araw-araw na buhay,” pagtatapos ni Legarda. (30)
