Legarda welcomes release of free higher education funds, vows continued push for education funding

August 26, 2026

Senator Loren Legarda welcomed the Department of Budget and Management’s (DBM) release of ₱9.75 billion to address accumulated Free Higher Education (FHE) funding deficiencies in state universities and colleges (SUCs), stressing that sustained and timely funding is essential to fulfilling the promise of the Universal Access to Quality Tertiary Education Act (UAQTEA).

“Ikinagagalak natin ang paglabas ng pondong matagal nang hinihintay ng ating mga state universities and colleges. Malaking tulong ito upang matiyak na tuloy-tuloy nilang maibibigay ang libreng edukasyon sa ating mga estudyante. Patuloy nating isusulong ang sapat at napapanahong pondo para sa edukasyon,” Legarda said.

Legarda has long championed accessible tertiary education. As then chairperson of the Senate Committee on Finance, she supported the realignment of ₱8 billion to CHED under the 2017 General Appropriations Act, helping demonstrate that free tuition in state universities and colleges was possible even before the enactment of the UAQTEA. The funding enabled around 800,000 students in the 112 state universities and colleges (SUCs) at the time to pursue their degrees without paying tuition and miscellaneous fees.

In 2025, several years into the implementation of the law, Legarda convened a consultative meeting with presidents of SUCs to discuss the implementation and funding of Free Higher Education. During the meeting, SUCs raised concerns over persistent funding deficiencies, noting that allocations were often based on historical enrollment figures rather than updated or projected student numbers. In some instances, computations were based on enrollment figures that were already two to three years old, leaving actual funding requirements unmet.

Through subsequent coordination among the concerned agencies, funding was identified to cover FHE deficiencies for Academic Years 2022–2023, 2023–2024, and 2024–2025. When Legarda later received reports that the identified funds had yet to be released, she wrote to the Department of Budget and Management (DBM) to inquire about the status of the funds.

“Ang libreng edukasyon ay hindi lamang pangako sa batas. Kailangan nating tiyakin na ang pondong inilaan para rito ay nakakarating sa ating mga state universities and colleges upang patuloy nilang maibigay sa mga estudyante ang edukasyong ipinangako sa kanila ng UAQTEA,” Legarda said.

DBM has since released ₱9.75 billion to the Commission on Higher Education (CHED) to cover validated FHE funding deficiencies of 108 SUCs for Academic Years 2022–2023, 2023–2024, and 2024–2025.

Legarda welcomed the development, noting that the release provides much-needed support to SUCs that have continued providing free higher education despite the accumulated funding deficiencies.

“Malugod nating tinatanggap ang paglabas ng pondong ito. Hindi dapat pasanin ng ating mga pamantasan ang kakulangan sa pondong kinakailangan upang maipatupad nang maayos ang libreng higher education. Ang pondong inilaan para sa ating mga estudyante ay dapat makarating sa kanila nang buo at nasa oras,” she said.

The Senator stressed, however, that addressing accumulated deficiencies must be accompanied by a more responsive and sustainable funding system for the UAQTEA. She reiterated the need for future allocations to more accurately reflect actual and projected enrollment to prevent recurrence of funding shortfalls in SUCs.

Legarda said she will continue to push for adequate and timely funding for free higher education and the broader needs of the education sector.

“Hindi nagtatapos sa paglabas ng pondong ito ang ating trabaho. Patuloy nating ipaglalaban ang sapat at napapanahong pondo para sa edukasyon—mula basic hanggang higher education—upang mabigyan ang bawat Pilipinong mag-aaral ng tunay na pagkakataong matuto at makapagtapos,” Legarda concluded. (30)

—————————————————————————-

Legarda malugod na tinatanggap ang paglabas ng pondo para sa libreng edukasyon, nangangakong Ipagpapatuloy ang pagtulak sa sapat na pondo para sa edukasyon

Malugod na tinanggap ni Senadora Loren Legarda ang paglabas ng ₱9.75 bilyon ng Department of Budget and Management (DBM) upang tugunan ang naipong kakulangan sa pondo para sa Free Higher Education (FHE) sa mga state universities and colleges (SUCs). Binigyang-diin niya na ang tuloy-tuloy at napapanahong pondo ay mahalaga upang matupad ang pangako ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act (UAQTEA).

“Ikinagagalak natin ang paglabas ng pondong matagal nang hinihintay ng ating mga state universities and colleges. Malaking tulong ito upang matiyak na tuloy-tuloy nilang maibibigay ang libreng edukasyon sa ating mga estudyante. Patuloy nating isusulong ang sapat at napapanahong pondo para sa edukasyon,” ani Legarda.

Matagal nang isinusulong ni Legarda ang accessible na tertiary education. Bilang dating Chairperson ng Senate Committee on Finance, sinuportahan niya ang realignment ng ₱8 bilyon sa CHED sa ilalim ng 2017 General Appropriations Act, na nagpatunay na posible ang libreng tuition sa SUCs kahit bago pa maisabatas ang UAQTEA. Ang pondong ito ay nakatulong sa humigit-kumulang 800,000 estudyante sa 112 SUCs upang makapag-aral nang walang bayad sa tuition at miscellaneous fees.

Noong 2025, ilang taon matapos ang pagpapatupad ng batas, pinangunahan ni Legarda ang isang consultative meeting kasama ang mga pangulo ng SUCs upang talakayin ang implementasyon at pondo ng FHE. Ibinahagi ng SUCs ang kanilang pangamba sa patuloy na kakulangan ng pondo, dahil madalas nakabatay ang alokasyon sa lumang enrollment figures imbes na sa updated o projected student numbers. Sa ilang pagkakataon, dalawang hanggang tatlong taon nang luma ang datos na ginagamit, kaya’t hindi natutugunan ang aktwal na pangangailangan.

Sa pamamagitan ng koordinasyon ng mga ahensya, natukoy ang pondong sasapat para sa FHE deficiencies ng Academic Years 2022–2023, 2023–2024, at 2024–2025. Nang mabatid ni Legarda na hindi pa nailalabas ang pondong ito, agad siyang sumulat sa DBM upang alamin ang status.

“Ang libreng edukasyon ay hindi lamang pangako sa batas. Kailangan nating tiyakin na ang pondong inilaan para rito ay nakakarating sa ating mga state universities and colleges upang patuloy nilang maibigay sa mga estudyante ang edukasyong ipinangako sa kanila ng UAQTEA,” ani Legarda.

Kamakailan, inilabas ng DBM ang ₱9.75 bilyon sa CHED upang tugunan ang validated FHE funding deficiencies ng 108 SUCs para sa Academic Years 2022–2023, 2023–2024, at 2024–2025.

Malugod na tinanggap ni Legarda ang development na ito, at binigyang-diin na malaking suporta ang hatid nito sa mga SUCs na patuloy na nagbibigay ng libreng higher education sa kabila ng naipong kakulangan sa pondo.

“Malugod nating tinatanggap ang paglabas ng pondong ito. Hindi dapat pasanin ng ating mga pamantasan ang kakulangan sa pondong kinakailangan upang maipatupad nang maayos ang libreng higher education. Ang pondong inilaan para sa ating mga estudyante ay dapat makarating sa kanila nang buo at nasa oras,” ani Legarda.

Binigyang-diin ng Senadora na ang pagtugon sa naipong deficiencies ay dapat sabayan ng mas responsive at sustainable na sistema ng pondo para sa UAQTEA. Kailangan aniya na ang mga susunod na alokasyon ay mas tumugma sa aktwal at projected enrollment upang maiwasan ang muling pagkakaroon ng kakulangan.

Idinagdag ni Legarda na ipagpapatuloy niya ang pagtulak para sa sapat at napapanahong pondo hindi lamang para sa libreng higher education kundi para sa mas malawak na pangangailangan ng sektor ng edukasyon.

“Hindi nagtatapos sa paglabas ng pondong ito ang ating trabaho. Patuloy nating ipaglalaban ang sapat at napapanahong pondo para sa edukasyon—mula basic hanggang higher education—upang mabigyan ang bawat Pilipinong mag-aaral ng tunay na pagkakataong matuto at makapagtapos,” pagtatapos ni Legarda. (30)