Legarda calls for collective cooperation amidst Parañaque garbage crisis
August 14, 2026Following the official declaration of a garbage crisis in Parañaque City triggered by the alarming accumulation of over 500 tons of garbage at the Redemptorist Water Channel in Baclaran, Senator Loren Legarda urgently calls on all sectors—government, private entities, and the public—to collectively work hand-in-hand to resolve the country’s mounting waste emergency.
The recent deluge of trash, swept in from Manila Bay during the enhanced Habagat, has clogged crucial waterways, exacerbating flooding in Metro Manila and posing severe risks to public health and the environment. Local and national officials formally acknowledged the severity of the situation as hundreds of tons of plastics, styrofoam, and debris overwhelmed the coastal areas and waterways.
“Ang dagat ng basura sa Parañaque ay resulta ng ating pagsasawalang bahala sa maayos at tamang pagtatapon ng basura, at hindi ito katanggap-tanggap,” said Legarda.
“Ang ‘garbage crisis’ na ito ay may kaakibat na banta sa ating kalusugan at buhay dahil sa paglala ng baha at pagkalat ng mga sakit tulad ng leptospirosis. Kaya nananawagan ako na tayo’y gumising na. Wakasan na ang mga open dumpsite na nagpapanggap na landfills, tigilan na ang single-use plastics, at huwag reaksyunaryong tugon lamang ang ipatupad. Kailangan ang kooperasyon ng lahat ng sektor upang matugunan ang krisis na ito bago mahuli ang lahat,” she added.
Legarda, a steadfast champion of environmental legislation, emphasized that the ongoing garbage crisis is rooted in the weak implementation of Republic Act No. 9003, or the Ecological Solid Waste Management Act of 2000, which she principally authored. The law mandates proper handling, segregation, treatment, and disposal of solid waste, primarily at the barangay and household levels.
“The implementation of RA 9003 is per barangay, per household. We must hold our local government units accountable, but at the same time empower them by ensuring they have functional Materials Recovery Facilities (MRFs),” she stated.
The Senator also stressed that while cleanup operations by the Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), the Department of Public Works and Highways (DPWH), and local personnel are necessary immediate responses, they are not long-term solutions. Systemic problems need systemic solutions.
To address the sheer volume of waste at its source and complement RA 9003, Legarda is pushing for the immediate passage of several forward-looking and climate-adaptive measures she has filed. These include the Philippine Circular Economy Promotion Act (SB 306), which aims to phase out single-use plastics and mandate extended producer responsibility, and the Zero Food Waste Act (SB 509), designed to divert massive volumes of organic waste from landfills. Furthermore, she is advocating for the ‘PlasTax’ Act (SB 811) to impose an excise tax on single-use plastics, and the Low Carbon Economy Act (SB 166), which seeks to establish a cap-and-trade system and reduce greenhouse gas emissions, such as methane, from landfills.
Beyond infrastructure and policy, Legarda framed the current crisis as a profound moral imperative. She warned that the habit of dismissing minor instances of improper waste disposal, under the dangerous assumption that small actions do not matter, collectively breeds a culture that fails to grasp the true meaning of responsible waste management.
“Akala siguro natin, maliit lang naman, konti lang naman, kaya okay lang itapon kung saan. Ngunit kung ganito tayo mag-isip, ibig sabihin hindi natin naiintindihan ang puso ng tamang pagtatapon ng basura,” Legarda expressed.
“Higit sa tungkulin bilang isang mamamayan, ang tamang pagtatapon ng basura at pangangalaga sa ating kapaligiran ay pagpapakita ng mataas na respeto sa ating kapwa, kapaligiran, at kalikasan. We cannot continue to just scoop garbage out of our rivers only for them to be choked again the next time it rains. Zero waste is a moral and national imperative; it is a lifelong commitment. Let us make our environmental laws work so we can live sustainably alongside nature,” she stressed. (30)
—————————————————————————
Legarda nanawagan ng sama-samang kooperasyon sa gitna ng krisis sa basura sa Parañaque
Kasunod ng opisyal na deklarasyon ng isang krisis sa basura sa Lungsod ng Parañaque, na dulot ng nakababahalang pag-iipon ng mahigit 500 tonelada ng basura sa Redemptorist Water Channel sa Baclaran, agarang nananawagan si Senador Loren Legarda sa lahat ng sektor—pamahalaan, pribadong sektor, at publiko—na magtulungan upang matugunan ang lumalalang emergency sa basura sa bansa.
Ang kamakailang pagdagsa ng basura, na inanod mula sa Manila Bay dahil sa pinalakas na Habagat, ay bumara sa mahahalagang daluyan ng tubig, nagpalala ng pagbaha sa Metro Manila, at nagdulot ng matinding panganib sa kalusugan ng publiko at sa kapaligiran. Pormal na kinilala ng mga lokal at pambansang opisyal ang tindi ng sitwasyon matapos matabunan ng daan-daang tonelada ng plastik, styrofoam, at iba pang mga basura ang mga baybaying lugar at daluyan ng tubig.
“Ang dagat ng basura sa Parañaque ay resulta ng ating pagsasawalang-bahala sa maayos at tamang pagtatapon ng basura, at hindi ito katanggap-tanggap,” ani Legarda.
“Ang ‘garbage crisis’ na ito ay may kaakibat na banta sa ating kalusugan at buhay dahil sa paglala ng baha at pagkalat ng mga sakit tulad ng leptospirosis. Kaya nananawagan ako na tayo’y gumising na. Wakasan na ang mga open dumpsite na nagpapanggap na landfills, tigilan na ang single-use plastics, at huwag reaksyunaryong tugon lamang ang ipatupad. Kailangan ang kooperasyon ng lahat ng sektor upang matugunan ang krisis na ito bago mahuli ang lahat,” dagdag niya.
Bilang tagapagtaguyod ng mga batas para sa pangangalaga ng kalikasan, binigyang-diin ni Legarda na ang patuloy na krisis sa basura ay nag-uugat sa mahinang pagpapatupad ng Republic Act No. 9003, o ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000, na pangunahing isinulong at iniakda niya. Inaatasan ng batas ang wastong pangangasiwa, paghihiwalay, pagproseso, at pagtatapon ng solid waste, partikular sa antas ng barangay at kabahayan.
“Ang pagpapatupad ng RA 9003 ay bawat barangay, bawat tahanan. Dapat nating panagutin ang ating mga lokal na pamahalaan, ngunit kasabay nito ay bigyan din sila ng kakayahan sa pamamagitan ng pagtiyak na mayroon silang gumaganang Materials Recovery Facilities (MRFs),” pahayag niya.
Binigyang-diin din ng senador na bagama’t kinakailangan ang mga agarang operasyon sa paglilinis ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Department of Public Works and Highways (DPWH), at mga lokal na kawani, hindi sapat ang mga ito bilang pangmatagalang solusyon. Ang mga sistemikong problema ay nangangailangan ng mga sistemikong solusyon.
Upang matugunan ang maraming basura mula mismo sa pinagmumulan nito at mapalakas ang pagpapatupad ng RA 9003, isinusulong ni Legarda ang agarang pagpasa ng ilang makabago at climate-adaptive na panukalang batas na kanyang inihain. Kabilang dito ang Philippine Circular Economy Promotion Act (SB 306), na naglalayong unti-unting alisin ang single-use plastics at gawing mandatory ang extended producer responsibility; at ang Zero Food Waste Act (SB 509), na naglalayong ilihis ang napakalaking dami ng organic waste mula sa mga landfill. Isinusulong din niya ang “PlasTax” Act (SB 811), na magpapataw ng excise tax sa single-use plastics, at ang Low Carbon Economy Act (SB 166), na naglalayong magtatag ng cap-and-trade system at bawasan ang greenhouse gas emissions, kabilang ang methane, mula sa mga landfill.
Bukod sa imprastraktura at mga polisiya, inilarawan ni Legarda ang kasalukuyang krisis bilang isang mahalagang usaping moral. Nagbabala siya na ang nakagawiang pagbabalewala sa maliliit na insidente ng maling pagtatapon ng basura, sa paniniwalang walang epekto ang maliliit na kilos, ay sama-samang lumilikha ng kulturang hindi nauunawaan ang tunay na kahulugan ng responsableng pamamahala ng basura.
“Akala siguro natin, maliit lang naman, konti lang naman, kaya okay lang itapon kung saan. Ngunit kung ganito tayo mag-isip, ibig sabihin hindi natin naiintindihan ang puso ng tamang pagtatapon ng basura,” pahayag ni Legarda.
“Higit sa tungkulin bilang isang mamamayan, ang tamang pagtatapon ng basura at pangangalaga sa ating kapaligiran ay pagpapakita ng mataas na respeto sa ating kapwa, kapaligiran, at kalikasan. Hindi tayo maaaring patuloy na sumalok lamang ng basura mula sa ating mga ilog para lamang muli itong mabarahan sa susunod na pag-ulan. Ang zero waste ay isang moral at pambansang tungkulin; ito ay isang panghabambuhay na pananagutan. Gawin nating epektibo ang ating mga batas pangkapaligiran upang mamuhay tayo nang napapanatili at kasabay ng kalikasan,” pagtatapos ni Legarda. (30)
