After nearly two decades, Legarda’s push for BHW’s rights and benefits hurdles Senate on third reading
August 3, 2026The Senate approved on third and final reading Senate Bill No. 1905, or the Magna Carta of Barangay Health Workers. Once enacted into law, the measure would provide the country’s barangay health workers with standardized benefits, protection, and greater recognition for their service.
Senator Loren Legarda, author and co-sponsor of the measure, has filed and supported legislation advancing the welfare of barangay health workers since the 14th Congress. Earlier versions of the proposal repeatedly stalled despite the indispensable role of BHWs in delivering basic healthcare to communities, particularly in remote and underserved areas.
“Pagdating sa kalusugan ng komunidad, ang mga barangay health worker ang unang nilalapitan kapag may batang kailangang bakunahan, buntis na kailangang magabayan, matandang kailangang magamot, o pamilyang kailangang alalayan sa panahon ng karamdaman. Ngunit sa kabila ng bigat ng kanilang tungkulin, nananatiling kulang ang kanilang tinatanggap na honorarium, benepisyo, at proteksiyon,” Legarda said.
“Halos dalawampung taon nating ipinaglaban na hindi sila tratuhing mga boluntaryong kawani na maaaring tawagin anumang oras ngunit kakalimutan na lamang pagkatapos. Sa ilalim ng panukalang ito, malinaw na kinikilala ang kanilang serbisyo, ang kanilang mga karapatan, at ang pananagutan ng pamahalaan na pangalagaan din ang mga taong nangangalaga sa kalusugan ng ating mga komunidad,” she added.
Legarda also acknowledged Senator JV Ejercito’s principal authorship of the bill and thanked its sponsor, Senator Risa Hontiveros, together with her colleagues in the Senate, for their support of the measure.
Under the Magna Carta for BHWs, registered and certified volunteer BHWs will receive a monthly honorarium of not less than P3,000, to be reviewed and adjusted every three years; a transportation allowance or reimbursement of actual transport expenses; a hazard allowance for those whose duties expose them to foreseeable but unavoidable risks to their health, life, or person, including assignment to communities in or recovering from armed conflict; a cash gift every December equivalent to at least the minimum BHW Volunteer Benefit; and a one-time loyalty incentive of not less than P10,000 after fifteen years of continuous and satisfactory service. Cities and municipalities may also provide a subsistence allowance, subject to the availability of funds, to volunteer BHWs serving in unserved or underserved barangays where they are not residents.
“Hindi makatarungan na ang mismong naglilingkod sa kalusugan ng barangay ang napipilitang gumastos mula sa sarili nilang bulsa upang magampanan ang tungkuling mahalaga sa buong komunidad,” Legarda stressed.
“Ang minimum na honorarium, transportasyon at subsistence allowance, hazard allowance, cash gift, at insurance coverage na nakapaloob sa panukala ay ang ating agarang tugon sa matagal nang hinaing ng ating mga BHW. Batid natin na hindi pa nito ganap na matumbasan ang halaga ng kanilang serbisyo, ngunit mahalagang hakbang ito tungo sa mas makatarungan at mas marangal na kalagayan para sa kanila,” she added.
The measure likewise provides BHWs with GSIS insurance coverage, free legal services from the Public Attorney’s Office, scholarship or financial assistance for one child of a BHW, and sub-professional civil service eligibility after five years of continuous and satisfactory service, with their years of service credited toward retirement benefits if they are later appointed as regular government employees. The Department of Budget and Management will also establish position classifications and salary grades for BHWs in the government plantilla, while a BHW Deployment Subsidy will assist third, fourth, and fifth class municipalities in funding the honoraria of their health workers.
The bill also institutionalizes a continuing education and training program under the DOH and TESDA, establishes a National BHW Information System, and declares April 7 of every year as Barangay Health Workers Day.
“Sa bawat BHW na sinusuong ang matinding init at ulan, nag-abono ng pamasahe, sumagot sa tawag kahit dis-oras ng gabi, at humarap sa panganib lalo na noong pandemya upang mapangalagaan ang kapwa, ang panukalang ito ay pagkilala sa inyong serbisyo at sakripisyo para sa bayan,” Legarda concluded.
The four-term Senator called on the House of Representatives to promptly approve its counterpart bill and urged both chambers of Congress to work together to expedite the measure’s final passage and enactment into law. (30)
—————————————————————————
Matapos ang halos dalawang dekada, tuloy ang laban ni Legarda para sa karapatan at benepisyo ng barangay health workers, pasado na sa Senado sa ikatlong pagbasa
Ipinasa ng Senado sa ikatlo at pinal na pagbasa ang Senate Bill No. 1905 o Magna Carta of Barangay Health Workers. Kapag naisabatas, magbibigay ito ng standardized benefits, proteksiyon, at mas mataas na pagkilala sa serbisyo ng mga barangay health worker (BHW).
Matagal nang isinusulong ni Senador Loren Legarda ang kapakanan ng BHW mula pa noong ika-14 na Kongreso. Ilang beses nang naantala ang mga naunang bersyon ng panukala sa kabila ng mahalagang papel ng BHW sa pagbibigay ng pangunahing serbisyong pangkalusugan lalo na sa malalayong komunidad.
“Pagdating sa kalusugan ng komunidad, ang mga barangay health worker ang unang nilalapitan kapag may batang kailangang bakunahan, buntis na kailangang magabayan, matandang kailangang magamot, o pamilyang kailangang alalayan sa panahon ng karamdaman. Ngunit sa kabila ng bigat ng kanilang tungkulin, nananatiling kulang ang kanilang tinatanggap na honorarium, benepisyo, at proteksiyon,” ani Legarda.
“Halos dalawampung taon nating ipinaglaban na hindi sila tratuhing mga boluntaryong kawani na maaaring tawagin anumang oras ngunit kakalimutan na lamang pagkatapos. Sa ilalim ng panukalang ito, malinaw na kinikilala ang kanilang serbisyo, ang kanilang mga karapatan, at ang pananagutan ng pamahalaan na pangalagaan din ang mga taong nangangalaga sa kalusugan ng ating mga komunidad,” dagdag pa niya.
Pinapurihan din ni Legarda si Senador JV Ejercito bilang pangunahing may-akda ng panukala at nagpasalamat kay Senador Risa Hontiveros, sponsor ng panukala, at sa iba pang kasamahan sa Senado sa kanilang suporta.
Sa ilalim ng Magna Carta, makatatanggap ang mga rehistrado at sertipikadong volunteer BHW ng honorarium na hindi bababa sa P3,000 kada buwan, rerepasuhin kada tatlong taon; transport allowance o reimbursement; hazard allowance para sa mga nakatalaga sa mapanganib na lugar; cash gift tuwing Disyembre; at loyalty incentive na hindi bababa sa P10,000 matapos ang 15 taon ng tuluy-tuloy na serbisyo. Maaari ring magbigay ng subsistence allowance ang mga lungsod at bayan para sa mga BHW sa underserved barangays.
“Hindi makatarungan na ang mismong naglilingkod sa kalusugan ng barangay ang napipilitang gumastos mula sa sarili nilang bulsa upang magampanan ang tungkuling mahalaga sa buong komunidad,” diin ni Legarda.
“Ang minimum na honorarium, transportasyon at subsistence allowance, hazard allowance, cash gift, at insurance coverage na nakapaloob sa panukala ay ang ating agarang tugon sa matagal nang hinaing ng ating mga BHW. Batid natin na hindi pa nito ganap na matumbasan ang halaga ng kanilang serbisyo, ngunit mahalagang hakbang ito tungo sa mas makatarungan at mas marangal na kalagayan para sa kanila,” dagdag pa niya.
Kasama rin sa panukala ang GSIS insurance coverage, libreng legal services mula sa PAO, scholarship o financial assistance para sa isang anak ng BHW, at sub-professional civil service eligibility matapos ang limang taon ng tuluy-tuloy na serbisyo. Ang DBM ay magtatakda ng position classifications at salary grades para sa mga BHW sa plantilla, habang ang BHW Deployment Subsidy ay tutulong sa third hanggang fifth class municipalities sa pagbabayad ng honoraria.
Itinatag din ng panukala ang patuloy na education at training program sa ilalim ng DOH at TESDA, National BHW Information System, at Barangay Health Workers Day tuwing Abril 7.
“Sa bawat BHW na sinusuong ang matinding init at ulan, nag-abono ng pamasahe, sumagot sa tawag kahit dis-oras ng gabi, at humarap sa panganib lalo na noong pandemya upang mapangalagaan ang kapwa, ang panukalang ito ay pagkilala sa inyong serbisyo at sakripisyo para sa bayan,” pagtatapos ni Legarda.
Nanawagan ang apat na terminong Senadora sa Kamara na agad ipasa ang katapat na panukala at hinikayat ang parehong kapulungan ng Kongreso na magtulungan upang mapabilis ang tuluyang pagsasabatas ng Magna Carta ng Barangay Health Workers. (30)
