Legarda: Protecting Filipino families and livelihoods must be the core of disaster resilience

July 29, 2026

As the nation observes the National Disaster Resilience Month, Senator Loren Legarda urged Filipinos to see disaster resilience as a fight to protect families at home, farmers in the fields, and fisherfolk at sea—those who carry the weight of floods, typhoons, and climate impacts.

With the theme “Naghahanda at Kumikilos Tungo sa Panatag na Bagong Pilipinas,” Legarda stressed that resilience must be reflected in daily life and put policy into action.

A longstanding champion of climate and disaster resilience, Legarda principally authored and sponsored landmark laws that laid the foundation for the climate and disaster governance framework. Among these are the Republic Act (RA) No. 9729 or the Climate Change Act of 2009, which created the Climate Change Commission, RA No. 10174 or the People’s Survival Fund Act, which provides long-term financing for community adaptation programs; and RA No. 10121 or the Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010, which institutionalized a comprehensive DRRM framework.

“Ang paghahanda ang susi ng kaligtasan, at nagiging epektibo ito kapag sama-sama tayong kumikilos. Hindi ito dapat manatili sa plano lang, kundi ginagawa ng bawat pamilya at barangay. Kailangang siguraduhin na bago pa man dumating ang panganib, handa at protektado na ang lahat,” Legarda said. “Preparedness must be part of our daily culture. It is what keeps lives safe, livelihoods steady, and our environment cared for. If from the very beginning our systems and stewardship of nature were in order, families would not be left to suffer again and again.”

Legarda noted that the Philippines ranked first in the 2025 World Risk Index as the most disaster-prone country, reflecting its high exposure to weather-related extremes such as floods and typhoons. This ranking underscores the country’s deep vulnerability, reflected in successive natural hazards that displaced thousands of families and left widespread damage to homes and farms.

Legarda said these realities highlight the urgency of strengthening resilience measures that directly protect families and livelihoods. In particular, she emphasized that the People’s Survival Fund was designed to provide direct financing for local government units and communities to implement adaptation projects such as early warning systems, climate-resilient agriculture, and coastal resource management programs.

She likewise underscored the importance of investing in nature-based solutions that provide lasting protection for communities while strengthening ecosystems. Mangroves along the coast can block storm surges and save fishing villages. Reforested hillsides can stop landslides from burying homes and crops. Wetlands can hold back floodwaters before they reach barangays. Coral reefs can keep fisheries alive, putting food on the table. Even simple green spaces in towns, trees, rain gardens, and permeable pavements, can cool streets and absorb rain during heavy downpours.

“Matagal na nating ipinapaalala ang kahalagahan ng paghahanda, at paulit-ulit na nating nararamdaman ang bigat ng mga sakuna. Ano pa ba ang hihintayin natin? Ang tunay na depensa ay ang kalikasan na ating inaalagaan, at ang lakas ng komunidad na kumikilos nang sama-sama,” she concluded. (30)

—————————————————————————-

Legarda: Proteksyon at kabuhayan ng pamilyang Pilipino, dapat maging sentro ng disaster resilience

Kasabay ng pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month, hinikayat ni Senadora Loren Legarda ang mga Pilipino na ituring ang disaster resilience bilang laban para sa kaligtasan ng pamilya sa tahanan, ng mga magsasaka sa bukid, at ng mga mangingisda sa dagat—sila ang pinakamadalas na naaapektuhan ng baha, bagyo, at iba pang epekto ng climate change.

Sa temang “Naghahanda at Kumikilos Tungo sa Panatag na Bagong Pilipinas,” binigyang-diin ni Legarda na ang tunay na resilience ay dapat makita sa pang-araw-araw na buhay at maisakatuparan sa mga patakaran.

Bilang matagal nang tagapagtaguyod ng climate at disaster resilience, si Legarda ang pangunahing may-akda at sponsor ng mga batas na naglatag ng pundasyon ng climate at disaster governance framework. Kabilang dito ang Republic Act No. 9729 o Climate Change Act of 2009 na lumikha sa Climate Change Commission, RA No. 10174 o People’s Survival Fund Act na nagbibigay ng pangmatagalang pondo para sa community adaptation programs, at RA No. 10121 o Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010 na nag-institusyonalisa ng komprehensibong DRRM framework.

“Ang paghahanda ang susi ng kaligtasan, at nagiging epektibo ito kapag sama-sama tayong kumikilos. Hindi ito dapat manatili sa plano lang kundi ginagawa ng bawat pamilya at barangay. Kailangang siguraduhin na bago pa man dumating ang panganib, handa at protektado na ang lahat,” ani Legarda. “Ang preparedness ay dapat maging bahagi ng ating kultura araw-araw. Ito ang nagliligtas ng buhay, nagpapatatag ng kabuhayan, at nag-aalaga sa kalikasan. Kung mula pa sa simula ay maayos ang ating sistema at pangangalaga sa kalikasan, hindi paulit-ulit na magdurusa ang mga pamilya.”

Ipinunto ni Legarda na ang Pilipinas ang nanguna sa 2025 World Risk Index bilang pinaka-disaster-prone na bansa bunga ng mataas na exposure sa matitinding kalamidad gaya ng baha at bagyo. Pinapatunayan nito ang malalim na kahinaan ng bansa na nakikita sa sunud-sunod na sakunang nagpalikas ng libo-libong pamilya at sumira ng kabahayan at sakahan.

Ayon kay Legarda, ipinapakita ng mga pangyayaring ito ang kagyat na pangangailangan na palakasin ang mga hakbang sa resilience na direktang nagpoprotekta sa pamilya at kabuhayan. Binanggit niya na ang People’s Survival Fund ay nakalaan upang direktang pondohan ang mga proyekto ng lokal na pamahalaan at komunidad gaya ng early warning systems, climate-resilient agriculture, at coastal resource management programs.

Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng nature-based solutions na nagbibigay ng pangmatagalang proteksyon sa mga komunidad habang pinatitibay ang mga ekosistema. Ang mga bakawan sa baybayin ay nakakapigil ng storm surge at nakapagliligtas ng mga pamayanang mangingisda. Ang mga reforested hillsides ay nakakapigil ng landslide na maaaring magbaon ng kabahayan at pananim. Ang mga latian ay nakakapigil ng pagbaha bago pa man umabot sa mga barangay. Ang mga coral reef ay nagpapanatili ng buhay sa pangisdaan, na nagbibigay ng pagkain sa hapag. Maging ang simpleng berdeng espasyo sa mga bayan—mga puno, rain gardens, at permeable pavements—ay nakakapagpalamig ng kalsada at nakaka-absorb ng tubig-ulan sa malalakas na pagbuhos.

“Matagal na nating ipinapaalala ang kahalagahan ng paghahanda, at paulit-ulit na nating nararamdaman ang bigat ng mga sakuna. Ano pa ba ang hihintayin natin? Ang tunay na depensa ay ang kalikasan na ating inaalagaan, at ang lakas ng komunidad na kumikilos nang sama-sama,” pagtatapos ni Legarda. (30)