Legarda: Learning Begins with Nutrition, Calls for Stronger Action as Child Stunting Rises
July 22, 2026The country’s learning crisis begins long before a child enters the classroom. The latest data show that stunting among children under five rose from 23.6% to 25.3%, or about one in every four Filipino children, marking the first increase in the country’s stunting rate in a decade. Senator Loren Legarda warned that no education reform can fully succeed while Filipino children continue to suffer from chronic malnutrition during their earliest years.
The latest findings from the Department of Science and Technology’s Food and Nutrition Research Institute (DOST-FNRI), highlighted by the Second Congressional Commission on Education (EDCOM II), show that nearly one in every four Filipino children under five is stunted, a 1.7-percentage-point jump from 2023 that reverses a downward trend that had held since 2015. Stunting, caused by chronic undernutrition, has lasting effects on a child’s physical growth, brain development, learning capacity, and future productivity.
Data also reveal how uneven the crisis is across the country. Stunting rates are higher in rural areas at 27.8 % compared to 23.2 % in urban areas, with the heaviest burden falling on the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao at 36 %, the Zamboanga Peninsula at 34.6 %, the Negros Island Region at 30.9 %, and MIMAROPA at 30.3 %. Legarda noted that these numbers point to families in the most underserved and remote parts of the country carrying the heaviest weight of the crisis, and that any response has to reach them first.
The senator also pointed out that the damage does not end at age five. DOST-FNRI also found that stunting persists in 18.9 % of school-age children between 5 and 10 years old, and in 21.4 % of adolescents aged 10 to 19, meaning many children carry the effects of early malnutrition through their entire basic education.
“Kapag pinag-uusapan natin ang krisis sa edukasyon, madalas silid-aralan, guro, at mga aklat ang agad nating naiisip. Ngunit ang unang hadlang sa pagkatuto ay maaaring nagsimula bago pa man makapasok sa paaralan ang isang bata. Kung ang isang bata ay lumaking kulang sa nutrisyon, hindi lamang paglaki ang naaapektuhan. Pati kakayahang matuto, makaintindi, mangarap, at makaahon sa buhay ay nalalagay sa alanganin,” Legarda said.
The four-term Senator emphasized that the country’s efforts to address learning poverty must begin with ensuring that children receive adequate nutrition from the earliest stages of life.
“The first 1,000 days of a child’s life, from pregnancy until the age of two, lay the foundation for lifelong learning and development. Kapag hindi natin nabigyan ng sapat na halaga ang panahong ito, mas mahirap nang habulin ang mga pagkakataong nawala. Ang laban sa stunting ay laban para sa kinabukasan ng bawat batang Pilipino,” Legarda stressed.
Legarda has long championed policies that recognize the inseparable link between nutrition, health, and education. As author and co-sponsor of Republic Act No. 11148, or the Kalusugan at Nutrisyon ng Mag-Nanay Act, she pushed for the institutionalization of a comprehensive national strategy that provides health and nutrition interventions during the first 1,000 days of a child’s life, widely recognized as the most critical period for physical and cognitive development.
Building on this reform, Legarda is the principal author of Senate Bill No. 792, or the proposed Breast Milk Banking Act, to establish a National Breast Milk Banking Strategy, expand regional human milk banks and satellite facilities nationwide, and ensure the safe collection, screening, processing, storage, and distribution of donated breast milk. The measure aims to make safe donor breast milk accessible to infants who cannot receive an adequate supply from their own mothers, with priority determined according to medical and nutritional need. She has also filed Senate Bill No. 1853 or the proposed K to 3 Foundational Learning and Nurturing Care Act, which seeks to strengthen literacy, numeracy, socio-emotional learning, and values formation from Kindergarten to Grade 3 while ensuring that health, nutrition, and responsive caregiving remain integral to every child’s learning journey.
Recognizing that stunting is also driven by unstable access to affordable, nutritious food, Legarda principally authored Senate Bill No. 2051, or the proposed Local Harvest Support Act, which can support school-based feeding and nutrition programs, including DepEd’s School-Based Feeding Program and hospital dietary services, to source food from farmers and fisherfolk within or near their communities. The measure also establishes a National Rescue-Buy Program to stabilize farmgate prices during market disruptions, ensuring that families, particularly in rural and underserved areas where stunting rates are highest, have consistent access to fresh, affordable produce.
“Sa maraming kanayunan, ang mga magulang ng mga batang ito ay sila ring mga magsasaka at mangingisda. Kapag sa kanila bumibili ang mga paaralan, napapakain natin nang mas maayos ang mga bata at nadaragdagan din ang kita ng kanilang mga pamilya para makapaglaan ng masustansyang pagkain sa tahanan. Ito ang buong siklo na nais nating tugunan,” Legarda said.
Throughout her years in the Senate, Legarda has consistently advocated for greater investments in maternal and child health, school-based nutrition programs, food security, and quality education, recognizing that these are interconnected pillars of human development.
Legarda said that investing in nutrition is essential to building a healthier, more educated, and more productive nation, as chronic malnutrition continues to hamper learning outcomes, economic opportunities, and efforts to reduce poverty.
“Walang magulang ang gustong makitang nagugutom o napag-iiwanan ang kanilang anak. Araw-araw, milyon-milyong pamilyang Pilipino ang nagsisikap maitaguyod ang kanilang mga anak at maihain ang masustansyang pagkain sa kanilang hapag. Hindi natin sila dapat pabayaan na akuin ang laban na ito nang mag-isa. Ang pamumuhunan sa nutrisyon ng kabataan ay pamumuhunan sa lakas, talino, at kakayahan ng bawat pamilyang Pilipino,” Legarda said.
Legarda called for stronger coordination among national government agencies, local government units, schools, communities, and the private sector to fully implement nutrition and early childhood development programs, strengthen maternal healthcare, improve access to nutritious food, and ensure that every Filipino family benefits from the protections envisioned under the First 1,000 Days Law.
“Ang gutom at kakulangan sa tamang nutrisyon ay hindi dapat maging unang balakid na haharapin ng isang batang Pilipino. Hindi dapat gutom ang magdidikta ng kanyang kinabukasan,” Legarda concluded. (30)
—————————————————————————
Legarda: Nagsisimula ang pagkatuto sa nutrisyon; nanawagan ng mas matibay na aksyon sa pagtaas ng child stunting
Ang krisis sa edukasyon ng bansa ay nagsisimula bago pa man makapasok ang isang bata sa silid-aralan. Batay sa pinakahuling datos na nagpapakita ng pagtaas ng child stunting sa 25.3%, binigyang-diin ni Senadora Loren Legarda na walang reporma sa edukasyon ang ganap na magtatagumpay kung patuloy na magdurusa ang mga batang Pilipino sa malnutrisyon sa kanilang murang edad.
Ayon sa Department of Science and Technology – Food and Nutrition Research Institute (DOST-FNRI), na ipinunto ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM II), halos isa sa apat na batang Pilipino na wala pang limang taong gulang ay stunted, tumaas ng 1.7 porsyento mula 2023 at bumaligtad sa pagbaba ng trend mula pa noong 2015. Ang stunting, na dulot ng matagal na kakulangan sa nutrisyon, ay may pangmatagalang epekto sa paglaki ng katawan, pag-unlad ng utak, kakayahang matuto, at produktibidad sa hinaharap.
Mas mataas ang antas ng stunting sa kanayunan (27.8%) kumpara sa kalunsuran (23.2%), at pinakamabigat ang pasanin sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (36%), Zamboanga Peninsula (34.6%), Negros Island Region (30.9%), at MIMAROPA (30.3%). Binanggit ni Legarda na ang mga pamilyang nasa pinakamalayong lugar ang pinakatinatamaan kaya’t dapat silang unahin sa pagtugon.
Hindi natatapos ang pinsala sa edad na lima. Natuklasan ng DOST-FNRI na nananatili ang stunting sa 18.9% ng mga batang edad 5–10, at sa 21.4% ng mga kabataang edad 10–19, na nangangahulugang dala ng maraming bata ang epekto ng malnutrisyon sa buong panahon ng kanilang pag-aaral.
“Kapag pinag-uusapan natin ang krisis sa edukasyon, madalas silid-aralan, guro, at mga aklat ang agad nating naiisip. Ngunit ang unang hadlang sa pagkatuto ay maaaring nagsimula bago pa man makapasok sa paaralan ang isang bata. Kung ang isang bata ay lumaking kulang sa nutrisyon, hindi lamang paglaki ang naaapektuhan. Pati kakayahang matuto, makaintindi, mangarap, at makaahon sa buhay ay nalalagay sa alanganin,” ani Legarda.
Binigyang-diin ng apat na terminong Senadora na ang laban sa learning poverty ay dapat magsimula sa pagbibigay ng sapat na nutrisyon mula sa pinakaunang yugto ng buhay.
“Ang unang 1,000 araw ng buhay ng isang bata, mula pagbubuntis hanggang sa edad na dalawa, ang naglalatag ng pundasyon para sa panghabambuhay na pagkatuto at pag-unlad. Kapag hindi natin nabigyan ng sapat na halaga ang panahong ito, mas mahirap nang habulin ang mga pagkakataong nawala. Ang laban sa stunting ay laban para sa kinabukasan ng bawat batang Pilipino,” diin ni Legarda.
Bilang may-akda at co-sponsor ng Republic Act No. 11148 o Kalusugan at Nutrisyon ng Mag-Nanay Act, itinulak ni Legarda ang pagpapatibay ng pambansang estratehiya para sa kalusugan at nutrisyon sa unang 1,000 araw ng buhay ng bata. Kaugnay nito, inihain din niya ang Senate Bill No. 1853 o K to 3 Foundational Learning and Nurturing Care Act, na layong palakasin ang literacy, numeracy, socio-emotional learning, at values formation mula Kindergarten hanggang Grade 3, habang sinisiguro na ang kalusugan, nutrisyon, at maayos na pag-aaruga ay bahagi ng paglalakbay sa pagkatuto ng bawat bata.
Sa kanyang mga taon sa Senado, patuloy na itinaguyod ni Legarda ang mas malaking pamumuhunan sa maternal at child health, school-based nutrition programs, food security, at dekalidad na edukasyon bilang magkakaugnay na haligi ng human development.
“Walang magulang ang gustong makitang nagugutom o napag-iiwanan ang kanilang anak. Araw-araw, milyon-milyong pamilyang Pilipino ang nagsisikap maitaguyod ang kanilang mga anak at maihain ang masustansyang pagkain sa kanilang hapag. Hindi natin sila dapat pabayaan na akuin ang laban na ito nang mag-isa. Ang pamumuhunan sa nutrisyon ng kabataan ay pamumuhunan sa lakas, talino, at kakayahan ng bawat pamilyang Pilipino,” ani Legarda.
Nanawagan si Legarda ng mas matibay na koordinasyon sa pagitan ng pambansang pamahalaan, lokal na pamahalaan, paaralan, komunidad, at pribadong sektor upang ganap na maipatupad ang mga programa sa nutrisyon at early childhood development, mapalakas ang maternal healthcare, mapabuti ang access sa masustansyang pagkain, at matiyak na bawat pamilyang Pilipino ay makinabang sa proteksyong nakasaad sa First 1,000 Days Law.
“Ang gutom at kakulangan sa tamang nutrisyon ay hindi dapat maging unang balakid na haharapin ng isang batang Pilipino. Hindi dapat gutom ang magdidikta ng kanyang kinabukasan,” pagtatapos ni Legarda. (30)
