“Today’s Tragedies are the Ghost of Payatas” — Legarda on Waste Management as a Lifelong and Intergenerational Commitment

July 20, 2026

A ten-story mountain of garbage came crashing down on workers and rescuers in Cebu. In Rizal, 420,000 cubic meters of trash gave way, burying equipment and people whole. For Senator Loren Legarda, the disasters exposed a fundamental failure to enforce the Ecological Solid Waste Management Act, as facilities that no longer comply with sanitary landfill standards are, by law and in practice, dump sites whose continued operation endangers lives.

“That’s the point. It’s not a landfill. It’s a dump site. It’s an open dump,” Legarda said after the joint hearing of the Senate Committees on Environment, Natural Resources and Climate Change, and Public Works on Monday, July 20, 2026, where her P.S. Resolution Nos. 303 and 338, seeking an investigation into the landfill collapses in Cebu and Rizal, were among the measures taken up.

“If it’s not an environmentally engineered sanitary landfill, call it what it is, a dump site. That’s a violation of the law,” she added.

The hearing validated the concerns raised by Legarda in her resolutions after uncovering serious lapses in the operation and oversight of the landfill sites, including workers’ quarters and a Materials Recovery Facility (MRF) built directly below an unstable waste slope, workers’ safety complaints left unaddressed, the absence of daily soil cover, an inoperative multipartite monitoring team, inadequate onsite inspections, and toxic leachate contaminating creeks and rivers that drain into Laguna de Bay.

“You wouldn’t build homes on the banks of a river or an estero because you know the danger. The same principle applies here. Walang komunidad ang dapat ilagay sa panganib sa tabi ng isang dump site. Ang kaligtasan ng tao ay hindi maaaring isakripisyo dahil sa kapabayaan o mahinang pagpapatupad ng batas,” she said.

For Legarda, this is not a new fight. During her first term, as a young 38-year-old senator, she authored the measure that would later be enacted as Republic Act No. 9003, or the Ecological Solid Waste Management Act, in January 2001. She repeatedly warned that poor waste management and the continued operation of open dumps endangered both people and the environment. At a time when many regarded garbage as an unlikely subject for legislation, Legarda persisted, arguing that stronger safeguards were needed to prevent disasters before they happened. The Payatas dumpsite tragedy in 2000, which claimed hundreds of lives, underscored the urgency of the reforms she had long been advocating.

“That’s exactly why we did it, to stop tragedies like this from happening, because it happens. Whenever you see these dump sites, remember Smokey Mountain. Remember the Payatas tragedy that happened in 2000,” Legarda said.

“Nakakalungkot isipin na makalipas ang mahigit dalawang dekada, tila kumakatok muli sa ating mga pinto ang trahedya ng Payatas. Today’s tragedies are the Ghost of Payatas,” Legarda stressed.

She pointed to where the law keeps breaking down. “The implementation of RA 9003 is per barangay, per household. That’s where we in the Senate should also be looking,” she said, citing a Commission on Audit finding that only 39 percent of barangays nationwide have functional Materials Recovery Facilities.

“Dahil sa kabiguan na ganap na maipatupad ang RA 9003, muli tayong humaharap sa mga trahedya tulad ng pagguho ng mga bundok ng basura. Ako ay nakikiisa, kung kailangang amyendahan ang RA 9003 upang malutas ang mga problema sa implementasyon nito,” Legarda stated. “Our measures must be resolutely forward-looking and decisively climate-adaptive.”

She underscored that establishing an effective waste management system requires immediate support from policy implementers and the passage of new, complementary laws to address the sheer volume of waste at its source.

With that, Legarda has also filed several related measures: the Philippine Circular Economy Promotion Act (S.B. 306) to phase out single-use plastics and mandate extended producer responsibility; the Zero Food Waste Act (S.B. 509) to divert massive volumes of organic waste from landfills; the ‘PlasTax’ Act (S.B. 811) to impose an excise tax on single-use plastics; and the Low Carbon Economy Act (S.B. 166) to establish a cap-and-trade system and reduce greenhouse gas emissions like methane from landfills in order to complement RA 9003 and address the waste crisis at its roots.

“Pananagutan natin sa mga Pilipino na tiyaking ang Payatas, Binaliw, at Rizal ay mananatiling aral ng ating nakaraan, at hindi na muling magiging trahedyang magbabaon ng buhay, kabuhayan, at kinabukasan ng ating mga pamayanan,” Legarda concluded. (30)

————————————————————————

“Ang mga Trahedya Ngayon ay Bangungot ng Payatas” — Legarda sa Waste Management bilang Panghabambuhay at Intergenerational na Paninindigan

Isang bundok ng basura na may taas na sampung palapag ang gumuho sa mga manggagawa at rescuer sa Cebu. Sa Rizal, 420,000 cubic meters ng basura ang bumigay, nilibing ang mga kagamitan at tao. Para kay Senadora Loren Legarda, ang mga trahedyang ito ay nagpapakita ng matinding pagkukulang sa pagpapatupad ng Ecological Solid Waste Management Act, dahil ang mga pasilidad na hindi na sumusunod sa pamantayan ng sanitary landfill ay, ayon sa batas at sa praktika, mga dumpsite na patuloy na naglalagay sa panganib ng buhay.

“’Yan ang punto. Hindi ito landfill. Ito ay dump site. Ito ay open dump,” pahayag ni Legarda matapos ang pinagsamang pagdinig ng Senate Committees on Environment, Natural Resources and Climate Change, at Public Works noong Lunes, Hulyo 20, 2026, kung saan natalakay ang kanyang P.S. Resolution Nos. 303 at 338 na humihiling ng imbestigasyon sa mga pagguho ng landfill sa Cebu at Rizal.

“Kung hindi ito environmentally engineered sanitary landfill, tawagin ito kung ano talaga, isang dump site. Paglabag iyan sa batas,” pahayag pa niya.

Pinagtibay ng pagdinig ang mga pangamba ni Legarda sa kanyang mga resolusyon matapos mabunyag ang seryosong pagkukulang sa operasyon at pangangasiwa ng mga landfill sites, kabilang ang mga barung-barong ng mga manggagawa at isang Materials Recovery Facility (MRF) na itinayo sa ilalim mismo ng marupok na bunton ng basura, mga reklamo sa kaligtasan ng mga manggagawa na hindi tinugunan, kawalan ng daily soil cover, hindi gumaganang multipartite monitoring team, kulang na inspeksyon sa lugar, at nakalalasong leachate na dumadaloy sa mga sapa at ilog patungong Laguna de Bay.

“Hindi ka magtatayo ng bahay sa gilid ng ilog o estero dahil alam mong delikado. Ganito rin ang prinsipyo dito. Walang komunidad ang dapat ilagay sa panganib sa tabi ng isang dump site. Ang kaligtasan ng tao ay hindi maaaring isakripisyo dahil sa kapabayaan o mahinang pagpapatupad ng batas,” pahayag ni Legarda.

Para kay Legarda, hindi na bago ang laban na ito. Sa kanyang unang termino bilang batang senadora na 38 taong gulang, siya ang nag-akda ng panukalang naging Republic Act No. 9003, o Ecological Solid Waste Management Act, noong Enero 2001. Paulit-ulit niyang binalaan na ang mahinang waste management at patuloy na operasyon ng open dumps ay naglalagay sa panganib sa tao at kalikasan. Ang trahedya sa Payatas dumpsite noong 2000, na kumitil ng daan-daang buhay, ang nagpatibay sa pangangailangan ng repormang matagal na niyang isinusulong.

“’Yan mismo ang dahilan kung bakit natin ginawa, para mapigilan ang mga trahedyang tulad nito, dahil nangyayari talaga. Kapag nakita ninyo ang mga dumpsite, alalahanin ang Smokey Mountain. Alalahanin ang trahedya sa Payatas noong 2000,” pahayag ni Legarda.

“Nakakalungkot isipin na makalipas ang mahigit dalawang dekada, tila kumakatok muli sa ating mga pinto ang trahedya ng Payatas. Ang Binaliw ngayon ay Bangungot ng Payatas,” diin ni Legarda.

Tinukoy niya kung saan patuloy na bumabagsak ang pagpapatupad ng batas. “Ang implementasyon ng RA 9003 ay per barangay, per household. Diyan din dapat tumingin ang Senado,” pahayag ni Legarda, binanggit ang ulat ng Commission on Audit na nagsasabing 39 porsyento lamang ng mga barangay sa buong bansa ang may functional Materials Recovery Facilities.

“Dahil sa kabiguan na ganap na maipatupad ang RA 9003, muli tayong humaharap sa mga trahedya tulad ng pagguho ng mga bundok ng basura. Ako ay nakikiisa, kung kailangang amyendahan ang RA 9003 upang malutas ang mga problema sa implementasyon nito,” pahayag ni Legarda. “Our measures must be resolutely forward-looking and decisively climate-adaptive.”

Binigyang-diin niya na ang pagtatatag ng epektibong waste management system ay nangangailangan ng agarang suporta mula sa mga nagpapatupad ng polisiya at pagpasa ng mga bagong batas na magdadagdag ng proteksyon sa pinagmumulan ng basura.

Kaugnay nito, naghain din si Legarda ng ilang panukala: ang Philippine Circular Economy Promotion Act (S.B. 306) para ipagbawal ang single-use plastics at ipatupad ang extended producer responsibility; ang Zero Food Waste Act (S.B. 509) para ilihis ang napakalaking volume ng organic waste mula sa landfill; ang ‘PlasTax’ Act (S.B. 811) para magpataw ng excise tax sa single-use plastics; at ang Low Carbon Economy Act (S.B. 166) para magtatag ng cap-and-trade system at bawasan ang greenhouse gas emissions gaya ng methane mula sa landfill upang maging katuwang ng RA 9003 sa pagharap sa waste crisis sa ugat nito.

“Pananagutan natin sa mga Pilipino na tiyaking ang Payatas, Binaliw, at Rizal ay mananatiling aral ng ating nakaraan, at hindi na muling magiging trahedyang magbabaon ng buhay, kabuhayan, at kinabukasan ng ating mga pamayanan,” pagtatapos ni Legarda.