From marginalization to opportunity: Legarda bats for 4K Act to empower indigenous communities
July 17, 2026Senator Loren Legarda is pushing for the institutionalization of the Department of Agriculture’s Kabuhayan at Kaunlaran ng Kababayang Katutubo (4K) Program, a nationwide initiative designed to break the cycle of poverty and exclusion among Indigenous Cultural Communities and Indigenous Peoples (ICCs/IPs) by creating and strengthening farm-to-market linkages. She emphasized that the measure seeks to transform decades of neglect into empowerment by delivering livelihood, dignity, and justice to families living in their ancestral lands.
Legarda filed Senate Bill No. 2258 to establish the 4K program, which adopts a market-driven approach. Unlike traditional initiatives that focus primarily on production, the program begins by identifying market demand and directly links Indigenous Peoples (IP) communities and their agricultural products—including coffee, rice, ube, bananas, corn, and bamboo— with institutional buyers from the private sector, the government, and the civic sector.
The 4K program provides production and post-harvest machinery, access to credit facilities, crop insurance, and capacity-building interventions such as community organizing, skills training, and enterprise development. It also promotes indigenous farming practices—including intercropping, seed saving, and natural pest management— as part of the country’s broader food security strategy.
“The 4K Act is a commitment to restore dignity and opportunity to our indigenous peoples. For generations, they have carried the weight of poverty and exclusion despite being the stewards of our land and culture, possessing rich local knowledge in farming. This measure ensures that they gain the tools to prosper in their ancestral domains, strengthen their communities, and pass on their heritage with pride. It is about justice, livelihood, and the rightful place of our indigenous peoples in the nation’s growth story,” Legarda said.
The measure outlines four major components: social protection for vulnerable families; production and livelihood support through farm inputs and machinery; enterprise and marketing assistance to strengthen community enterprises; and gender, culture, and diversity programs to ensure inclusivity.
This bill does not merely establish the program but ensures its long-term effectiveness. Among its key innovations is the creation of the 4K Advisory Council, to be co-chaired by the Secretary of Agriculture and the Chairperson of the National Commission on Indigenous Peoples (NCIP). The Council shall include the heads or designated representatives of relevant government agencies responsible for program implementation, technical support, production, extension services, fisheries, mechanization, enterprise and organizational development, labor, and social protection.
Legarda emphasized that the program moves away from fragmented interventions toward a convergence approach that respects culture and strengthens indigenous knowledge systems. The bill also mandates national and regional program management offices, a results-based monitoring system, and context-appropriate procurement procedures to ensure transparency, accountability, and efficient implementation.
“Indigenous peoples must be recognized as vital partners in building a sustainable future. Their knowledge systems, resilience, and stewardship of the environment strengthen our food security and enrich our cultural identity. By institutionalizing the 4K Program, we affirm their role in shaping inclusive growth, acknowledge their contributions to national development, and ensure that progress is measured by the dignity and empowerment of our most marginalized communities,” Legarda said.
Legarda concluded that the proposed 4K Act reflects the same vision she has championed for nearly three decades of public service—advancing culture, protecting heritage, and upholding the rights of indigenous peoples. She said the measure is a long-term investment in communities that have long been overlooked, an investment that secures their future, strengthens food security, and builds a more inclusive and resilient nation. (30)
—————————————————————————
Legarda isinusulong ang 4K Act upang palakasin ang mga katutubong pamayanan
Isinusulong ni Senadora Loren Legarda ang pagsasabatas ng Kabuhayan at Kaunlaran ng Kababayang Katutubo (4K) Program ng Department of Agriculture (DA), isang pambansang inisyatiba na naglalayong wakasan ang siklo ng kahirapan at pagkakabukod ng mga Indigenous Cultural Communities at Indigenous Peoples (ICCs/IPs) sa pamamagitan ng paglikha at pagpapalakas ng ugnayan sa pagitan ng mga magsasaka at mga pamilihan. Binigyang-diin niya na layunin ng panukala na gawing pagkakataon para sa pag-unlad ang matagal nang kapabayaan sa mga katutubong pamayanan sa pamamagitan ng pagbibigay ng kabuhayan, dignidad, at katarungan sa mga pamilyang naninirahan sa kanilang mga lupang ninuno.
Inihain ni Legarda ang Senate Bill No. 2258 upang maitatag ang 4K Program, na gumagamit ng market-driven o nakabatay sa pangangailangan ng merkado na pamamaraan. Hindi tulad ng mga tradisyunal na programa na pangunahing nakatuon sa produksyon, inuuna ng 4K Program ang pagtukoy sa pangangailangan ng merkado at direktang inuugnay ang mga pamayanang katutubo at ang kanilang mga produktong pang-agrikultura—kabilang ang kape, palay, ube, saging, mais, at kawayan—sa mga institusyonal na mamimili mula sa pribadong sektor, pamahalaan, at sektor sibiko.
Nagbibigay ang 4K Program ng mga makinarya para sa produksyon at post-harvest, access sa mga pasilidad para sa pautang, crop insurance, at mga programang nagpapalakas ng kakayahan tulad ng community organizing, pagsasanay sa kasanayan, at pagpapaunlad ng mga negosyo. Isinusulong din nito ang mga katutubong pamamaraan ng pagsasaka—kabilang ang intercropping, seed saving, at natural pest management—bilang bahagi ng mas malawak na estratehiya ng bansa para sa seguridad sa pagkain.
“Ang 4K Act ay isang pangako na maibalik ang dignidad at mabuksan ang mga oportunidad para sa ating mga katutubo. Sa loob ng maraming henerasyon, sila ang nagdala ng bigat ng kahirapan at pagkakabukod sa kabila ng kanilang pagiging tagapangalaga ng ating lupa, kultura, at mayamang kaalaman sa pagsasaka. Tinitiyak ng panukalang ito na magkakaroon sila ng mga kinakailangang kasangkapan upang umunlad sa kanilang mga lupang ninuno, mapatatag ang kanilang mga komunidad, at maipagpatuloy ang kanilang pamana nang may pagmamalaki. Ito ay tungkol sa katarungan, kabuhayan, at ang nararapat na lugar ng ating mga katutubo sa kuwento ng pag-unlad ng bansa,” ani Legarda.
Nakasaad sa panukala ang apat na pangunahing bahagi ng programa: social protection para sa mga mahihinang pamilya; suporta sa produksyon at kabuhayan sa pamamagitan ng farm inputs at makinarya; tulong sa pagpapaunlad ng negosyo at marketing upang mapalakas ang mga negosyo ng komunidad; at mga programang nakatuon sa kasarian, kultura, at pagkakaiba-iba upang matiyak ang pagiging inklusibo.
Hindi lamang itinatatag ng panukalang batas ang programa kundi tinitiyak din ang pangmatagalang bisa nito. Isa sa mga pangunahing inobasyon nito ang paglikha ng 4K Advisory Council, na pamumunuan ng Kalihim ng Department of Agriculture at ng Tagapangulo ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP). Kabilang sa konseho ang mga pinuno o itinalagang kinatawan ng mga kaugnay na ahensya ng pamahalaan na may pananagutan sa pagpapatupad ng programa, teknikal na suporta, produksyon, extension services, pangisdaan, mekanisasyon, pagpapaunlad ng negosyo at mga organisasyon, paggawa, at social protection.
Binigyang-diin ni Legarda na inilalayo ng programa ang pamahalaan sa magkakahiwalay na interventions at itinataguyod ang isang convergence approach na nagbibigay-galang sa kultura at nagpapalakas sa mga katutubong sistema ng kaalaman. Inaatasan din ng panukala ang paglikha ng mga pambansa at panrehiyong tanggapan sa pamamahala ng programa, isang results-based monitoring system, at mga angkop na pamamaraan sa procurement upang matiyak ang transparency, pananagutan, at mahusay na pagpapatupad.
“Ang mga katutubo ay dapat kilalanin bilang mahahalagang katuwang sa pagtataguyod ng isang napapanatiling kinabukasan. Ang kanilang mga sistema ng kaalaman, katatagan, at pangangalaga sa kalikasan ay nagpapalakas sa ating seguridad sa pagkain at nagpapayaman sa ating pagkakakilanlang pangkultura. Sa pamamagitan ng pagsasabatas ng 4K Program, kinikilala natin ang kanilang mahalagang papel sa pagsusulong ng inklusibong pag-unlad, pinahahalagahan ang kanilang ambag sa pambansang kaunlaran, at tinitiyak na ang tunay na sukatan ng progreso ay ang dignidad at pagbibigay-kapangyarihan sa ating mga pinaka-naisantabing komunidad,” ani Legarda.
Sa pagtatapos, sinabi ni Legarda na ang panukalang 4K Act ay sumasalamin sa parehong adhikaing matagal na niyang isinusulong sa halos tatlong dekada ng kanyang paglilingkod sa bayan—ang pagsusulong ng kultura, pangangalaga sa pamana, at pagtatanggol sa mga karapatan ng mga katutubo. Aniya, ang panukala ay isang pangmatagalang pamumuhunan sa mga komunidad na matagal nang napabayaan—isang pamumuhunan na magtitiyak sa kanilang kinabukasan, magpapalakas sa seguridad sa pagkain, at magtatayo ng isang mas inklusibo at matatag na bansa. (30)
