Inclusive growth beyond labels: Legarda seeks real impact of upper middle-income status
July 10, 2026Senator Loren Legarda has filed Resolution No. 505 directing the Senate to conduct an inquiry in aid of legislation on the Philippines’ recent reclassification as an Upper Middle-Income Country (UMIC) by the World Bank. The resolution calls for a deeper examination of how this long-delayed economic milestone can be transformed into genuine social progress, ensuring that prosperity on paper is matched by dignity, opportunity, and security in the daily lives of Filipinos.
Effective July 1, 2026, the World Bank elevated the Philippines to UMIC status after the country posted a Gross National Income (GNI) per capita of $4,850 in 2025, surpassing the threshold of $4,636.
The resolution notes that the Philippines had remained a lower-middle-income country since 1987, taking nearly 39 years to advance to the next tier. By contrast, Vietnam entered the lower-middle-income bracket only in 2009 and surged to UMIC in 2026—a leap of just 17 years driven by robust export-led manufacturing and strong foreign direct investment. The Philippines’ growth, meanwhile, remains heavily reliant on overseas remittances, which accounted for 8.7 percent of GDP in 2024, the highest in ASEAN compared to Thailand at 1.8 percent, Indonesia at 1.15 percent, and Malaysia at 0.38 percent.
The resolution further points to systemic challenges that continue to hinder inclusive growth. The Philippines scored only 32 out of 100 in the 2025 Corruption Perceptions Index, trailing regional counterparts and deterring foreign investment. Poverty incidence was approximately 15.5 percent as of 2023, while a 2026 study by the Philippine Institute for Development Studies (PIDS) found that 30 percent of households remain highly vulnerable to slipping back into poverty due to economic shocks. Underemployment was at 11.9 percent in 2025, reflecting the prevalence of precarious, low-paying jobs. Wealth inequality persisted, with the richest 20 percent commanding nearly half of national income while the poorest 20 percent survived on just 5 to 6 percent. The country also ranked sixth lowest in East and Southeast Asia in the 2026 Good Life Index, exposing deficiencies in healthcare, safety, and social support.
Legarda emphasized that the achievement must be received with humility and responsibility, recognizing the decades of sacrifice by Filipino workers, overseas Filipinos, farmers, fisherfolk, entrepreneurs, taxpayers, and public servants.
“Hindi ito tagumpay ng isang administrasyon lamang. Ito ay bunga ng pawis, sakripisyo, at tibay ng loob ng mga manggagawa, magsasaka, mangingisda, propesyunal, at mga Pilipinong nagtaguyod ng bansa sa loob ng maraming dekada. Ang tunay na sukatan ng kaunlaran ay kung mararamdaman ng bawat pamilya ang ginhawa sa kanilang araw-araw na pamumuhay, hindi lamang sa mga numero ng ekonomiya,” Legarda said.
The resolution underscores that UMIC status must not be treated as proof that ordinary Filipinos already live middle-class lives.
“Hindi sapat ang bagong tatak na Upper Middle-Income Country kung ang karaniwang Pilipino ay patuloy na nahihirapan sa mababang sahod, kulang na serbisyong panlipunan, at hindi pantay na oportunidad. Ang hamon sa pamahalaan ay gawing inklusibo ang paglago, na ang bawat Pilipino, lalo na ang nasa laylayan, ay may marangal na trabaho, maayos na kalusugan, at patas na bahagi sa kaunlaran. Ang bagong katayuan ng bansa ay dapat maging simula ng mas malalim na reporma, hindi pagtatapos ng laban,” Legarda said.
Resolution No. 505 directs the Department of Economy, Planning, and Development (DEPDev), in coordination with the Department of Finance (DOF) and other agencies, to submit a comprehensive report on the implications of UMIC status. This includes policy measures to sustain the classification, strategies to ensure benefits are felt across all sectors, expected impact on concessional financing, official development assistance, grants, and loan terms, effects on sovereign borrowing, credit perception, fiscal space, and public investment planning, risks and trade-offs from reduced eligibility for concessional financing, laws and programs that may require review or recalibration, and a medium- and long-term game plan to convert the milestone into inclusive growth, poverty reduction, decent employment, stronger domestic productivity, and improved public services. (30)
—————————————————————————
Legarda: Upper middle-income status dapat maramdaman ng sambayanang Pilipino bilang tunay na ginhawa
Naghain si Senator Loren Legarda ng Resolution No. 505 na nag-uutos sa Senado na magsagawa ng pagdinig in aid of legislation kaugnay sa bagong reclassification ng Pilipinas bilang Upper Middle-Income Country (UMIC) ng World Bank. Layunin ng resolusyon na masusing suriin kung paano maisasalin ang antas ng ekonomiya tungo sa tunay na pag-unlad ng Lipunan upang matiyak na ang kaunlarang nakikita sa datos ay kaakibat ng dignidad, oportunidad, at seguridad sa araw-araw na buhay ng mga Pilipino.
Noong Hulyo 1, 2026, itinaas ng World Bank ang Pilipinas sa UMIC status matapos maitala ang Gross National Income (GNI) per capita na $4,850 noong 2025, lagpas sa threshold na $4,636. Nananatili ang bansa sa lower-middle-income bracket mula pa noong 1987, at umabot ng halos 39 taon bago makalipat sa susunod na antas. Sa kabilang banda, ang Vietnam ay pumasok lamang sa lower-middle-income noong 2009 at nakarating sa UMIC noong 2026—isang mabilis na 17 taon na bunga ng malakas na export-led manufacturing at foreign direct investment.
Ang paglago ng Pilipinas ay nananatiling nakasandal sa overseas remittances na umabot sa 8.7 porsyento ng GDP noong 2024, pinakamataas sa ASEAN kumpara sa Thailand (1.8%), Indonesia (1.15%), at Malaysia (0.38%).
Binanggit din ng resolusyon ang mga sistemikong hamon na patuloy na pumipigil sa inklusibong pag-unlad. Nakakuha lamang ng 32 sa 100 ang Pilipinas sa 2025 Corruption Perceptions Index, na nagiging hadlang sa pamumuhunan. Ang poverty incidence ay nasa 15.5 porsyento noong 2023, habang natuklasan ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS) noong 2026 na 30 porsyento ng mga kabahayan ay nananatiling bulnerable sa pagbabalik sa kahirapan dahil sa economic shocks. Ang underemployment ay nasa 11.9 porsyento noong 2025, tanda ng laganap na mababang sahod at hindi matatag na trabaho. Patuloy ang malalim na agwat ng yaman, kung saan ang pinakamayamang 20 porsyento ay kumokontrol ng halos kalahati ng pambansang kita, habang ang pinakamahirap na 20 porsyento ay nabubuhay lamang sa 5 hanggang 6 porsyento. Sa 2026 Good Life Index, pang-anim mula sa pinakailalim ang bansa sa East at Southeast Asia, na nagpapakita ng kakulangan sa kalusugan, seguridad, at social support.
Binigyang-diin ni Legarda na ang tagumpay ay dapat tanggapin nang may kababaang-loob at pananagutan, bilang pagkilala sa dekada ng sakripisyo ng mga manggagawa, overseas Filipinos, magsasaka, mangingisda, negosyante, nagbabayad ng buwis, at mga lingkod-bayan.
“Hindi ito tagumpay ng isang administrasyon lamang. Ito ay bunga ng pawis, sakripisyo, at tibay ng loob ng mga manggagawa, magsasaka, mangingisda, propesyunal, at mga Pilipinong nagtaguyod ng bansa sa loob ng maraming dekada. Ang tunay na sukatan ng kaunlaran ay kung mararamdaman ng bawat pamilya ang ginhawa sa kanilang araw-araw na pamumuhay, hindi lamang sa mga numero ng ekonomiya,” ani Legarda.
Binanggit pa ng resolusyon na ang UMIC status ay hindi dapat ituring na patunay na ang karaniwang Pilipino ay namumuhay na bilang middle class.
“Hindi sapat ang bagong tatak na Upper Middle-Income Country kung ang karaniwang Pilipino ay patuloy na nahihirapan sa mababang sahod, kulang na serbisyong panlipunan, at hindi pantay na oportunidad. Ang hamon sa pamahalaan ay gawing inklusibo ang paglago, na ang bawat Pilipino, lalo na ang nasa laylayan, ay may marangal na trabaho, maayos na kalusugan, at patas na bahagi sa kaunlaran. Ang bagong katayuan ng bansa ay dapat maging simula ng mas malalim na reporma, hindi pagtatapos ng laban,” ani Legarda.
Inaatasan ng Resolution No. 505 ang Department of Economy, Planning, and Development (DEPDev), sa pakikipag-ugnayan sa Department of Finance (DOF) at iba pang ahensya, na magsumite ng komprehensibong ulat hinggil sa implikasyon ng UMIC status. Kabilang dito ang mga polisiya upang mapanatili ang klasipikasyon, mga estratehiya para maramdaman ang benepisyo sa lahat ng sektor, inaasahang epekto sa concessional financing, official development assistance, grants, at loan terms, epekto sa sovereign borrowing, credit perception, fiscal space, at public investment planning, mga panganib at trade-offs mula sa pagbawas ng eligibility sa concessional financing, mga batas at programang maaaring kailanganing repasuhin, at medium- at long-term na plano upang gawing inklusibo ang paglago, bawasan ang kahirapan, lumikha ng disenteng trabaho, palakasin ang produktibidad, at pagbutihin ang serbisyong panlipunan. (30)
