Legarda hails enactment of law declaring April as Philippine Veterans’ Month
June 2, 2026Senate President Pro Tempore Loren Legarda, principal author and principal sponsor of Republic Act No. 12320 or the Philippine Veterans’ Month Act, hailed its enactment, which officially declares April of every year as Philippine Veterans’ Month.
Signed into law by the President on 26 May 2026, the measure institutionalizes a month-long national observance dedicated to honoring the heroism, sacrifices, and enduring contributions of Filipino veterans in safeguarding the nation’s freedom, sovereignty, and democratic ideals.
“Ang batas na ito ay alay ng bayan sa ating mga beterano. Ang kanilang tapang at sakripisyo ang nagbigay sa atin ng kalayaan, at tungkulin nating panatilihing buhay ang kanilang alaala,” Legarda said.
Republic Act No. 12320 mandates government agencies, local government units, state universities and colleges, and other stakeholders to organize commemorative and service-oriented activities throughout April. These include educational programs, volunteer and youth engagement initiatives, recognition and awards, improved delivery of veterans’ benefits and services, health and wellness activities for veterans and their families, and public awareness campaigns to educate the youth on the role of veterans in nation-building.
The Philippine Veterans Affairs Office (PVAO), in coordination with the Department of National Defense and other partner agencies, is designated as one of the lead institutions responsible for implementing and promoting programs in support of Philippine Veterans’ Month.
“Ibinigay nila ang lahat para sa bayan. Ang pagsasabatas ng Philippine Veterans’ Month Act, ay bahagi lamang ng ating pagkilala sa kanilang sakripisyo. Patuloy silang magiging inspirasyon sa kasalukuyan at sa mga kabataan na patuloy na magmamahal at maglilingkod sa ating bansa,” Legarda said, underscoring the importance of honoring veterans.
Through this landmark legislation, the government aims to strengthen public appreciation of veterans’ sacrifices and foster patriotism, civic consciousness, and historical awareness among Filipinos. (30)
Legarda, ipinagdiwang ang pagpasa ng batas na nagdedeklara sa Abril bilang Philippine Veterans’ Month
Nagpahayag ng kagalakan sa pagpasa ng batas na nagtatakda sa Abril ng bawat taon bilang Philippine Veterans’ Month si Senate President Pro Tempore Loren Legarda, pangunahing may-akda at pangunahing sponsor ng Republic Act No. 12320 o Philippine Veterans’ Month Act.
Nilagdaan ng Pangulo noong 26 Mayo 2026, ang batas ay nagtatag ng pambansang pagdiriwang tuwing Abril upang kilalanin ang kabayanihan, sakripisyo, at mahalagang ambag ng mga Pilipinong beterano sa pagtatanggol ng kalayaan, soberanya, at mga demokratikong prinsipyo ng bansa.
“Ang batas na ito ay alay ng bayan sa ating mga beterano. Ang kanilang tapang at sakripisyo ang nagbigay sa atin ng kalayaan, at tungkulin nating panatilihing buhay ang kanilang alaala,” ani Legarda.
Inaatasan ng Republic Act No. 12320 ang mga ahensya ng pamahalaan, lokal na pamahalaan, mga state universities and colleges, at iba pang sektor na magsagawa ng mga gawain tuwing Abril. Kabilang dito ang mga programang pang-edukasyon, boluntaryo at kabataan, pagkilala at parangal, pagpapabuti ng serbisyo at benepisyo para sa mga beterano, mga aktibidad pangkalusugan at pangkabuhayan para sa kanila at kanilang pamilya, at mga kampanyang pangkamalayan upang turuan ang kabataan tungkol sa papel ng mga beterano sa pagbuo ng bansa.
Itinalaga ang Philippine Veterans Affairs Office (PVAO), katuwang ang Department of National Defense at iba pang ahensya, bilang pangunahing institusyon na mangunguna sa pagpapatupad at pagsusulong ng mga programa para sa Philippine Veterans’ Month.
“Ibinigay nila ang lahat para sa bayan. Ang pagsasabatas ng Philippine Veterans’ Month Act ay bahagi ng ating pagkilala sa kanilang sakripisyo. Patuloy silang magiging inspirasyon sa kasalukuyan at sa mga kabataan na magmamahal at maglilingkod sa ating bansa,” ani Legarda.
Sa pamamagitan ng makasaysayang batas na ito, layunin ng pamahalaan na palakasin ang pagpapahalaga ng publiko sa mga sakripisyo ng mga beterano at isulong ang patriotismo, kamalayang sibiko, at kasaysayang pambansa sa mga Pilipino. (30)
