Legarda: There are Bills Filed to Suspend VAT—Will the Palace Support Them?
April 15, 2026Senator Loren Legarda on Wednesday urged Malacañang to take a clear stand on the suspension of value-added tax (VAT) on fuel, following statements that such a move requires an act of Congress.
“Hindi pwedeng sabihin ng Malacañang na walang batas. Nag-file na ako noon at nag-refile pa ako ulit ngayon, para wala nang dahilan. Ang tanong ngayon: susuportahan nyo ba? I-cecertify nyo ba na urgent? Kung hindi, malinaw na hindi ito prayoridad at ang gusto ng gobyerno ay tuloy-tuloy na buwisan ang krisis.”
Senator Loren Legarda on Wednesday, April 15, 2026, filed Senate Bill No. 2043, a temporary measure authorizing the suspension or reduction of VAT on fuel. She noted that she had earlier filed Senate Bill No. 1942, which proposed the suspension or reduction of both excise tax and VAT on fuel, but that measure was already taken into consideration in the passage of Republic Act No. 12316, which ultimately covered only excise tax.
Legarda said Malacañang cannot now shift responsibility to Congress after shaping the earlier legislative direction.
“Huwag ninyo ipasa sa Kongreso ang problema. Noong deliberasyon, malinaw na may mga panukala na sa VAT, pero ang itinulak ninyo ay excise dahil una, mas madali daw ito iimplement at pangalawa, agad din daw itong ipapatupad. Nirespeto namin ang hiling ng Ehekutibo dahil sila ang nakakakita ng datos. Eh hanggang ngayon puro pa din usap, kumbaga sa libro, death-by-meeting, tapos ngayon sasabihin ninyo na walang batas? This administration has an “urgency” and crisis communication problem.”
She further noted that during the second PROTECT Senate hearing, oil
industry players themselves confirmed that a VAT suspension is both feasible and implementable.
Legarda warned that retaining VAT on fuel during a price surge effectively allows the government to earn more as prices rise. The Senator emphasized that relief should be delivered immediately through lower prices, not delayed through subsidy programs.
“Kung ibababa mo ang buwis, diretso ang epekto sa presyo. Kung ayuda, dadaan pa sa buong proseso, verification, distribution, matagal. Hindi dapat pinapadaan sa mabagal na sistema ang agarang tulong na puwedeng direkta sa presyo ng petrolyo.”
Legarda also questioned the policy of retaining VAT on fuel in order to generate additional revenues for subsidy programs, arguing that these so-called windfall collections come directly from the higher costs already being borne by the public. She stressed that this approach forces people to absorb the burden of elevated fuel prices first, only for government to return a portion of that burden later through aid, often after delays and leakages in the delivery process.
“Hindi ito usapin kung may pondo o wala. May windfall gains na nga, at sinabi na rin ng pamahalaan na may humigit-kumulang ₱230 bilyong fiscal space. Kung kinakailangan, maaari ring magdeklara ng savings ang mga ahensya mula sa mga proyektong hindi na maipapatupad ngayong taon o yung hindi naman emergency, gaya ng travel, capacity-building activities, events, at iba pang gastusing puwedeng ipagpaliban sa pamamagitan ng mas matalinong paggastos. May kakayahan ang gobyerno na rumesponde sa krisis. Ang tunay na tanong: gagamitin ba ito para agad mabawasan ang pasanin ng mamamayan, o patuloy bang bubuwisan ang krisis bago ibalik bilang ayuda? Para sa akin, hindi dapat binubuwisan ang hirap ng tao.”
Legarda stressed that the issue is no longer about fiscal capacity, but a clear policy choice on whether to reduce costs immediately at the source or continue collecting from the same crisis at the expense of the Filipino people. (30)
—————————————————————————-
Legarda: May mga Panukalang Batas para Suspendihin ang VAT—Suportado ba ito ng Palasyo?
Hinimok ni Senadora Loren Legarda ngayong Miyerkules ang Malacañang na maglabas ng malinaw na tindig hinggil sa suspensyon ng value-added tax (VAT) sa produktong petrolyo, matapos ang pahayag na kinakailangan umano ng batas mula sa Kongreso para maisakatuparan ito.
“Hindi puwedeng sabihin ng Malacañang na walang batas. Nag-file na ako noon at nag-refile pa ako ulit ngayon, para wala nang dahilan. Ang tanong ngayon: susuportahan nyo ba? I-cecertify nyo ba na urgent? Kung hindi, malinaw na hindi ito prayoridad at ang gusto ng gobyerno ay tuloy-tuloy na buwisan ang krisis,” ani Legarda.
Noong Abril 15, 2026, muling naghain si Legarda ng Senate Bill No. 2043, isang pansamantalang panukala na nagbibigay kapangyarihan na suspendihin o bawasan ang VAT sa petrolyo.
Binigyang-diin niya na dati na niyang inihain ang Senate Bill No. 1942, na naglalayong suspendihin o bawasan ang parehong excise tax at VAT sa petrolyo. Gayunman, isinama na ito sa pagpasa ng Republic Act No. 12316 na tumuon lamang sa excise tax. Giit ni Legarda, hindi na maaaring ipasa ng Malacañang sa Kongreso ang responsibilidad matapos nitong hubugin ang direksyong lehislatibo noon.
“Huwag ninyo ipasa sa Kongreso ang problema. Noong deliberasyon, malinaw na may mga panukala na sa VAT, pero ang itinulak ninyo ay excise dahil una, mas madali daw ito iimplement at pangalawa, agad din daw itong ipapatupad. Nirespeto namin ang hiling ng Ehekutibo dahil sila ang nakakakita ng datos. Eh hanggang ngayon puro pa din usap, kumbaga sa libro, death-by-meeting, tapos ngayon sasabihin ninyo na walang batas? This administration has an ‘urgency’ and crisis-communication problem,” dagdag ng senadora.
Sa ikalawang pagdinig ng PROTECT sa Senado, mismong mga kinatawan ng industriya ng langis ang nagsabing posible at maisasakatuparan ang suspensyon ng VAT. Binalaan ni Legarda na ang pagpapanatili ng VAT sa gitna ng pagtaas ng presyo ay nagreresulta sa mas malaking kita ng gobyerno habang lalong nahihirapan ang mamamayan.
“Kung ibababa mo ang buwis, diretso ang epekto sa presyo. Kung ayuda, dadaan pa sa buong proseso, verification, distribution, matagal. Hindi dapat pinapadaan sa mabagal na sistema ang agarang tulong na puwedeng direkta sa presyo ng petrolyo,” aniya.
Kinuwestiyon din ni Legarda ang polisiya ng pagpapanatili ng VAT upang makalikom ng dagdag na pondo para sa subsidy programs. Giit niya, ang tinatawag na windfall collections ay galing mismo sa dagdag na gastos na pasan na ng publiko.
“Hindi ito usapin kung may pondo o wala. May windfall gains na nga, at sinabi na rin ng pamahalaan na may humigit-kumulang ₱230 bilyong fiscal space. Kung kinakailangan, maaari ring magdeklara ng savings ang mga ahensya mula sa mga proyektong hindi na maipapatupad ngayong taon o yung hindi naman emergency, gaya ng travel, capacity-building activities, events, at iba pang gastusing puwedeng ipagpaliban sa pamamagitan ng mas matalinong paggastos. May kakayahan ang gobyerno na rumesponde sa krisis. Ang tunay na tanong: gagamitin ba ito para agad mabawasan ang pasanin ng mamamayan, o patuloy bang bubuwisan ang krisis bago ibalik bilang ayuda? Para sa akin, hindi dapat binubuwisan ang hirap ng tao,” diin ni Legarda.
Ipinunto ng senadora na hindi na ito usapin ng fiscal capacity kundi malinaw na polisiya kung agad bang babawasan ang gastos sa pinagmumulan o patuloy na kokolektahin mula sa krisis na pinapasan ng sambayanan. (30)
