Legarda reaffirms true meaning of heroism in tribute to Filipino heroes, Capas commemoration
April 10, 2026Senator Loren Legarda called on Filipinos to embrace heroism through discipline, sacrifice, and selflessness while honoring Filipino heroes whose courage secured the nation’s freedom and peace during the Capas Commemoration.
At the Capas National Shrine in Tarlac, site of the Bataan Death March and Camp O’Donnell where thousands of Filipino and American soldiers perished, Legarda joined veterans, families, and local officials on April 10, 2026 for the Tribute to All Filipino Heroes and “Paggunita sa Capas,” with the shrine preserved through 31,000 trees and a 70 meter obelisk that stands today as a living memorial of resilience and remembrance. The rites formed part of the nationwide commemoration of Day of Valor (Araw ng Kagitingan) every April 9.
Legarda reminded the public that heroism in times of war demanded extraordinary discipline and sacrifice.
“Sa digmaan, walang bayaning walang disiplina, tanging ang may matinding kontrol sa isipan at katawan ang kayang tumindig sa gitna ng takot at kaguluhan. Sa digmaan, walang bayaning inuuna ang sarili, handa siyang magmartsa sa harap ng kamatayan, kapalit ang buhay at ang payapang kapiling ang pamilya,” Legarda stressed.
The four-term senator emphasized that the peace and freedom enjoyed today are the direct result of veterans’ sacrifices.
“Ang payapang paglalaro ng mga bata sa lansangan. Ang kalayaang umawit ng Lupang Hinirang sa harap ng ating watawat. At ang kalayaang magmahal, mangarap, at mabuhay. Ito ang kanilang alay sa bayan,” Legarda said.
Legarda also underscored that remembrance must be lived as a duty, not just observed as a ritual.
“Kaya ating isinulong ang Philippine Veterans’ Month Act upang ang pag-alala ay hindi lamang maging seremonya, kundi maging tungkulin. Pinalakas ng batas na ito ang mga aksyon ng pamahalaan at ng pribadong sektor sa pagbibigay-serbisyo sa mga beterano. Ating inaasahan na mapipirmahan na ito ng Pangulo sa lalong madaling panahon,” Legarda said.
She recalled the immense suffering endured in Capas, where countless soldiers succumbed to hunger, disease, and brutality.
“Dito, nasukat ang tunay na kahulugan ng kabayanihan, hindi sa salita, kundi sa dugo at sakripisyo,” Legarda said.
Legarda drew from the words of Andres Bonifacio to emphasize that no love is greater than the pure and noble devotion to one’s homeland. She reminded that the sacrifices of veterans embody this highest form of love for country, a legacy that continues to guide the nation’s pursuit of freedom and peace.
The Philippine Veterans’ Month Act, approved on third and final reading in both Houses, institutionalizes April as a month of remembrance and strengthens government and private sector initiatives to provide welfare services and preserve the legacy of veterans. (30)
Legarda muling ipinapaalala ang tunay na diwa ng kabayanihan sa paggunita sa mga bayani sa Capas
Hinimok ni Senadora Loren Legarda ang mga Pilipino na isabuhay ang kabayanihan sa pamamagitan ng disiplina, sakripisyo, at pagtalikod sa pansariling interes habang ginugunita ang mga bayani na nag-alay ng tapang upang makamit ang kalayaan at kapayapaan ng bansa sa Capas Commemoration.
Sa Capas National Shrine sa Tarlac—ang lugar ng Bataan Death March at Camp O’Donnell kung saan libo-libong sundalong Pilipino at Amerikano ang nasawi—nakibahagi si Legarda kasama ang mga beterano, pamilya, at lokal na opisyal noong Abril 10, 2026 sa Tribute to All Filipino Heroes at “Paggunita sa Capas.” Ang dambana ay pinangalagaan sa pamamagitan ng 31,000 punong itinanim at isang obelisk na may taas na 70 metro na nagsisilbing buhay na alaala ng katatagan at pag-alala. Ang seremonya ay bahagi ng pambansang pagdiriwang ng Araw ng Kagitingan tuwing Abril 9.
Ipinaalala ni Legarda na ang kabayanihan sa panahon ng digmaan ay nangangailangan ng pambihirang disiplina at sakripisyo.
“Sa digmaan, walang bayaning walang disiplina, tanging ang may matinding kontrol sa isipan at katawan ang kayang tumindig sa gitna ng takot at kaguluhan. Sa digmaan, walang bayaning inuuna ang sarili, handa siyang magmartsa sa harap ng kamatayan, kapalit ang buhay at ang payapang kapiling ang pamilya,” ani Legarda.
Binigyang-diin ng apat na terminong senadora na ang kapayapaan at kalayaang tinatamasa ngayon ay tuwirang bunga ng sakripisyo ng mga beterano.
“Ang payapang paglalaro ng mga bata sa lansangan. Ang kalayaang umawit ng Lupang Hinirang sa harap ng ating watawat. At ang kalayaang magmahal, mangarap, at mabuhay. Ito ang kanilang alay sa bayan,” ani Legarda.
Dagdag pa niya, ang pag-alala ay dapat isabuhay bilang tungkulin at hindi lamang bilang ritwal.
“Kaya ating isinulong ang Philippine Veterans’ Month Act upang ang pag-alala ay hindi lamang maging seremonya, kundi maging tungkulin. Pinalakas ng batas na ito ang mga aksyon ng pamahalaan at ng pribadong sektor sa pagbibigay-serbisyo sa mga beterano. Ating inaasahan na mapipirmahan na ito ng Pangulo sa lalong madaling panahon,” ani Legarda.
Inalala rin niya ang matinding hirap na dinanas sa Capas, kung saan maraming sundalo ang nasawi dahil sa gutom, sakit, at kalupitan.
“Dito, nasukat ang tunay na kahulugan ng kabayanihan, hindi sa salita, kundi sa dugo at sakripisyo,” ani Legarda.
Binanggit ni Legarda ang mga salita ni Andres Bonifacio upang ipaalala na walang pag-ibig na hihigit pa sa dalisay at marangal na pagmamahal sa bayan. Ang mga sakripisyo ng mga beterano, aniya, ay sumasalamin sa pinakamataas na anyo ng pag-ibig sa bansa—isang pamana na patuloy na gumagabay sa landas ng kalayaan at kapayapaan.
Ang Philippine Veterans’ Month Act, na inaprubahan sa ikatlo at pinal na pagbasa sa parehong Kapulungan, ay nagtatakda sa Abril bilang buwan ng paggunita at nagpapalakas sa mga inisyatiba ng pamahalaan at pribadong sektor upang magbigay ng serbisyong pangkalinga at mapanatili ang pamana ng mga beterano. (30)
