Legarda files Bayanihan 3: Power to the People Act for real relief
April 6, 2026Senator Loren Legarda has filed the Senate Bill No. 2020 or the “Bayanihan 3: Power to the People Act,” a comprehensive emergency measure to shield Filipino families from the 2026 global oil crisis while laying the groundwork for a more secure and resilient economy.
The proposed legislation recognizes a state of national emergency and gives the government targeted, time-bound powers to bring down fuel and electricity costs, protect food supply, and provide direct relief to the most vulnerable sectors. The measure also provides the government with calibrated authority to intervene in the energy sector when necessary to prevent supply disruptions and stabilize prices, subject to safeguards and oversight.
“Ang Bayanihan 3 ay naglalayong tugunan ang hirap na dinaranas ngayon ng mga Pilipino—lalo na ang mga jeepney driver, magsasaka, mangingisda, manggagawa, at mga pamilyang umaasa sa araw araw na kita,” Legarda said.
A salient feature of the measure is its two-tiered approach. The bill clearly separates immediately executable emergency directives under Section 5 from measures under Section 6 that first require rapid assessment before implementation. This design allows the government to act at once where it already has the authority and systems in place, while at the same time seriously studying and preparing more complex reforms that still need legal, fiscal, or operational groundwork.
Bayanihan 3 introduces stricter transparency measures by requiring oil companies to disclose detailed information on their pricing, costs, inventory, and supply transactions. This allows the government to monitor whether price movements are justified and ensures that any tax relief or policy intervention is fully felt by consumers. By mandating fair and accurate reporting from private sector participants, the bill protects the public from profiteering and strengthens accountability across the energy supply chain.
Under the bill, the government may temporarily suspend or reduce excise taxes and even apply a zero rate on VAT for petroleum products, with the clear requirement that these tax breaks be fully and immediately passed on to consumers at the pump. It also mandates a thorough clean-up of electricity bills and allows the Energy Regulatory Commission (ERC) to stagger or defer payments without interest and penalties, while prohibiting disconnection for amounts validly deferred. It explores fair burden-sharing measures, including potential windfall taxes on excess profits and a solidarity-based wealth contribution from ultra-high-net-worth individuals, ensuring that those with greater capacity contribute more equitably to national recovery during the crisis.
“Simple lang ang gusto natin, kung may bawas sa buwis, dapat ramdam agad sa presyo sa gasolinahan; kung may tulong sa kuryente, dapat mabawasan ang bigat ng binabayaran kada buwan,” Legarda stressed. “Hindi dapat pahirapan ang mga tao sa panahong gipit na nga. Kailangang maramdaman ng bawat Pilipino ang ginhawa sa mismong bulsa.”
Bayanihan 3 also provides direct fuel subsidies of 5,000 to 10,000 pesos per month for qualified public utility vehicle drivers, small farmers and fisherfolk, and small agricultural transporters, harmonized with existing social protection programs of the Department of Social Welfare and Development (DSWD). The bill allows financial relief to transport cooperatives and other affected operators to help stabilize routes and fares.
“Sa mga tsuper na nag-aalangan kung lalabas pa ba dahil baka lugi lang sa krudo, sa mga magsasaka at mangingisdang nag-iisip kung sulit pa bang mag-araro o pumalaot, may nakalaan na tulong para sa inyo,” Legarda said. “Hindi puwedeng sila ang unang bumigay sa krisis na ito, dahil kapag bumigay sila, kawawa ang buong bayan, walang masasakyan, walang pagkain sa hapag.”
The bill also mandates ‘handholding’ and fast-track registration of unregistered drivers, farmers, farmworkers and fisherfolk for them to be able to access the subsidies.
To secure the nation’s food supply, the measure mandates priority food cargo lanes, toll exemptions for vehicles hauling essential food and agricultural goods, and expanded fuel and financial support for food producers. It authorizes the use of public lands as community gardens and urban farms, and encourages LGUs to suspend or reduce market fees and rentals to ease the burden on vendors and consumers.
Beyond immediate relief, the bill accelerates the shift to a more resilient energy system. It authorizes emergency procurement of fuel and rapidly deployable renewable and off-grid energy systems for public hospitals, schools, and other critical facilities, alongside mandatory energy conservation in government, alternative work arrangements, and the digitalization of frontline government services to cut transport fuel demand.
“This crisis is a warning and an opportunity,” Legarda noted. “We cannot remain hostage to imported fossil fuel forever. Bayanihan 3 not only protects our people today. It pushes us towards a cleaner, more secure, and more independent energy future.”
Legarda also highlighted that the second tier of measures under Section 6 is subject to a strict 30-day timetable for government review. She introduced a provision requiring the Executive to conduct a rapid assessment of these proposals and submit its findings within 30 days. Within that period, the Executive must state which measures can already be implemented because they are legally, fiscally, and operationally feasible, which measures cannot yet be rolled out, and what concrete steps or alternatives are needed so that these reforms can move forward.
“May mga hakbang sa Bayanihan 3 na puwedeng ipatupad agad, at mayroon namang kailangang pag-aralan para masigurong kayang tustusan, maayos sa batas, at praktikal sa pagpapatupad,” Legarda explained. “Kaya may malinaw na tatlumpung araw na palugit para sa ehekutibo na sabihin kung alin ang kaya na ngayon, alin ang hindi pa, at ano ang kailangang gawin para maging posible ang mga ito para sa taumbayan.”
Legarda underscored that all emergency powers granted under the bill are strictly limited in scope and duration and subject to full transparency, auditing, and congressional oversight. While these authorities are limited to the duration of the national emergency, the measure also provides for the careful review and possible continuation of key reforms particularly those that strengthen energy security, transparency, and long-term resilience. (30)
————————————————————————
Legarda naghain ng Bayanihan 3: Power to the People Act para sa tunay na ginhawa
Naghain si Senadora Loren Legarda ng Senate Bill No. 2020 o ang Bayanihan 3: Power to the People Act, isang komprehensibong emergency measure upang protektahan ang mga pamilyang Pilipino mula sa pandaigdigang krisis sa langis ngayong 2026 at maglatag ng matibay na pundasyon para sa mas ligtas at matatag na ekonomiya.
Kinilala ng panukala ang estado ng pambansang emergency at nagbibigay sa pamahalaan ng tiyak at may takdang kapangyarihan upang pababain ang presyo ng langis at kuryente, tiyakin ang suplay ng pagkain, at magbigay ng direktang tulong sa pinakamahihinang sektor. Binibigyan din nito ng maingat na awtoridad ang pamahalaan na makialam sa sektor ng enerhiya kung kinakailangan upang maiwasan ang pagkaantala ng suplay at mapatatag ang presyo, na may kasamang mga pananggalang at pagsusuri.
“Ang Bayanihan 3 ay naglalayong tugunan ang hirap na dinaranas ngayon ng mga Pilipino—lalo na ang mga jeepney driver, magsasaka, mangingisda, manggagawa, at mga pamilyang umaasa sa araw-araw na kita,” ani Legarda.
Isang mahalagang salient feature ng panukala ang dalawang antas ng pagpapatupad. Malinaw na inihihiwalay ng batas ang mga agarang kautusang pang-emergency sa Section 5 mula sa mga hakbang sa Section 6 na nangangailangan muna ng mabilis na pagsusuri bago ipatupad. Sa ganitong disenyo, agad makakakilos ang pamahalaan kung saan may umiiral na awtoridad at sistema, habang masusing pinag-aaralan at inihahanda ang mas komplikadong reporma na nangangailangan pa ng legal, piskal, o operasyonal na batayan.
Nagpapataw ang Bayanihan 3 ng mas mahigpit na panuntunan sa pagiging bukas at malinaw sa pamamagitan ng pag-aatas sa mga kompanya ng langis na ilahad ang detalyadong impormasyon sa kanilang presyo, gastos, imbentaryo, at transaksyon sa suplay. Sa ganitong paraan, masusubaybayan ng pamahalaan kung makatwiran ang galaw ng presyo at matitiyak na ang anumang kaluwagan sa buwis o interbensiyon sa polisiya ay direktang mararamdaman ng mga mamimili.
Sa ilalim ng panukala, maaaring pansamantalang suspindihin o bawasan ng pamahalaan ang excise tax at magpatupad ng zero VAT rate sa mga produktong petrolyo, na may malinaw na kundisyon na ang mga kaluwagang ito ay agad at lubos na maipapasa sa presyo sa gasolinahan. Inaatasan din nito ang paglilinis ng mga bayarin sa kuryente at binibigyan ng kapangyarihan ang Energy Regulatory Commission (ERC) na ipagpaliban ang pagbabayad nang walang interes at multa, habang ipinagbabawal ang disconnection para sa mga halagang may bisa ang deferment. Pinag-aaralan din nito ang patas na pagbabahagi ng pasanin, kabilang ang posibleng windfall tax sa sobrang kita at kontribusyon mula sa pinakamayayamang indibidwal, upang matiyak na ang may mas malaking kakayahan ay mas makatarungang nakikibahagi sa pambansang pagbangon sa panahon ng krisis.
“Simple lang ang gusto natin, kung may bawas sa buwis, dapat ramdam agad sa presyo sa gasolinahan; kung may tulong sa kuryente, dapat mabawasan ang bigat ng binabayaran kada buwan,” diin ni Legarda. “Hindi dapat pahirapan ang mga tao sa panahong gipit na nga. Kailangang maramdaman ng bawat Pilipino ang ginhawa sa mismong bulsa.”
Naglalaan din ang Bayanihan 3 ng direktang subsidiya sa krudo na mula ₱5,000 hanggang ₱10,000 bawat buwan para sa kwalipikadong tsuper ng pampublikong sasakyan, maliliit na magsasaka at mangingisda, at maliliit na tagapaghatid ng produktong agrikultural, na nakaayon sa umiiral na mga programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Nagbibigay rin ito ng tulong pinansyal sa mga transport cooperative at iba pang apektadong operator upang mapatatag ang ruta at pamasahe.
“Sa mga tsuper na nag-aalangan kung lalabas pa ba dahil baka lugi lang sa krudo, sa mga magsasaka at mangingisdang nag-iisip kung sulit pa bang mag-araro o pumalaot, may nakalaan na tulong para sa inyo,” ani Legarda. “Hindi puwedeng sila ang unang bumigay sa krisis na ito, dahil kapag bumigay sila, kawawa ang buong bayan, walang masasakyan, walang pagkain sa hapag.”
Kasama rin sa panukala ang mabilis na pagpaparehistro ng mga hindi pa nakatalang tsuper, magsasaka, manggagawang bukid, at mangingisda upang makakuha sila ng subsidiya.
Upang matiyak ang suplay ng pagkain, inaatasan ng panukala ang pagbubukas ng mga prayoridad na daanan para sa kargamento ng pagkain, pagbibigay ng exemption sa toll para sa mga sasakyang nagdadala ng mahahalagang produktong pagkain at agrikultural, at pinalawak na tulong sa krudo at pinansyal para sa mga prodyuser ng pagkain. Pinahihintulutan din ang paggamit ng pampublikong lupa bilang mga community garden at urban farm, at hinihikayat ang mga LGU na bawasan o suspindihin ang bayarin sa palengke at renta upang maibsan ang pasanin ng mga nagtitinda at mamimili.
Higit pa sa agarang ginhawa, pinapabilis ng panukala ang paglipat sa mas matatag na sistema ng enerhiya. Pinahihintulutan nito ang emergency procurement ng krudo at mabilis na pag-deploy ng renewable at off-grid energy systems para sa mga pampublikong ospital, paaralan, at iba pang mahahalagang pasilidad, kasama ang mandatory energy conservation sa pamahalaan, alternatibong work arrangements, at digitalisasyon ng frontline services upang mabawasan ang konsumo ng krudo sa transportasyon.
“Ang krisis na ito ay babala at pagkakataon,” ani Legarda. “Hindi tayo puwedeng manatiling bihag ng imported fossil fuel. Ang Bayanihan 3 ay hindi lang proteksiyon para sa ating mamamayan ngayon. Itinutulak nito ang mas malinis, mas ligtas, at mas independiyenteng kinabukasan sa enerhiya.”
Binibigyang-diin din ni Legarda na ang ikalawang antas ng mga hakbang sa Section 6 ay may mahigpit na 30-araw na palugit para sa pagsusuri ng pamahalaan. Inaatasan ang Ehekutibo na magsagawa ng mabilis na assessment at magsumite ng ulat sa loob ng 30 araw kung alin sa mga hakbang ang maaari nang ipatupad, alin ang hindi pa, at ano ang kailangang gawin upang maisulong ang mga ito.
“May mga hakbang sa Bayanihan 3 na puwedeng ipatupad agad, at mayroon namang kailangang pag-aralan para masigurong kayang tustusan, maayos sa batas, at praktikal sa pagpapatupad,” paliwanag ni Legarda. “Kaya may malinaw na tatlumpung araw na palugit para sa ehekutibo na sabihin kung alin ang kaya na ngayon, alin ang hindi pa, at ano ang kailangang gawin para maging posible ang mga ito para sa taumbayan.”
Binigyang-diin ni Legarda na ang lahat ng kapangyarihang pang-emergency sa ilalim ng panukala ay may malinaw na limitasyon sa saklaw at tagal, at saklaw ng buong transparency, auditing, at congressional oversight. Habang limitado ang mga kapangyarihang ito sa panahon ng pambansang emergency, nagbibigay din ang panukala ng maingat na pagsusuri at posibleng pagpapatuloy ng mahahalagang reporma, partikular yaong nagpapalakas sa seguridad sa enerhiya, transparency, at pangmatagalang katatagan. (30)
