Legarda links Oplan: Talk Read to national drive for stronger early-grade learning
February 2, 2026Senator Loren Legarda drew a clear connection between grassroots literacy efforts and her national push for stronger early-grade learning during the Oplan: Talk Read – Pagpupugay sa Tagumpay ng Pagbasa graduation ceremony in Caloocan on February 28.
She delivered her inspirational message praising the perseverance of learners, tutors, and educators while underscoring the urgency of addressing reading gaps revealed by Second Congressional Commission on Education (EDCOM II).
“Kapag marunong kang magbasa, parang binubuksan mo ang pinto sa napakaraming mundo. Mas marami kang maiintindihan at matututunan, mas kaya mong magtanong, at mas kaya mong mangarap dahil kaya mo nang basahin at unawain ang mundo sa paligid mo,” Legarda told the completers, urging them to continue practicing daily.
Legarda, Co Chair of EDCOM II stressed that weak reading skills in Kinder to Grade 3 magnify difficulties across all subjects.
“Ipinakita ng EDCOM II na napakaraming bata sa ating bansa ang hirap pa ring bumasa sa antas na naaayon sa kanilang grado. Ibig sabihin, hindi lamang ito problema ng isang lungsod o isang paaralan, problema ito ng buong bansa,” she said.
The four-term senator highlighted her legislative initiatives designed to reinforce early learning nationwide, including the Early Childhood Care and Development System Act, the Kabalikat sa Pagtuturo Act, and the proposed K to 3 Foundational Learning and Nurturing Care Act.
“Kung mahina ang pundasyon, guguho ang gusali. Ganoon din sa edukasyon. Kapag malakas ang pundasyon sa pagbasa at pagkatuto sa Kinder hanggang Grade 3, mas matibay ang magiging hinaharap ng bawat bata,” she emphasized.
The Oplan: Talk Read program is a literacy intervention designed to assist early-grade learners who experience difficulty in reading. Implemented through guided sessions facilitated by trained tutors in coordination with public schools, the program strengthens foundational literacy skills and promotes inclusive access to quality education at the community level. The initiative has been sustained through partnerships with DepEd, the Schools Division Office of Caloocan, and DOLE.
Legarda commended City of Caloocan 2nd District Representative Edgar “Egay” Erice, for championing the program as part of his flagship advocacy in Caloocan. She noted that Erice’s collaboration with local government, educators, and volunteers reflects a shared commitment to advancing education and addressing literacy gaps.
“Kaya nais kong bigyang pugay si Congressman Edgar Erice at ang Pamahalaang Lungsod ng Caloocan na nagbukas ng pinto para sa programang ito. Hindi basta basta ang maglunsad ng ganitong proyekto, kailangan ng malinaw na direksyon, pondo, partners, at matibay na paniniwala na kayang umangat ang bawat bata,” she said.
The ceremony recognized completers from 17 partner schools across Caloocan, alongside tutors trained under the TALK READ Training of Tutors 2025. Retired teachers, SK volunteers, and MillennialZ members collaborated to guide learners, underscoring the program’s community based approach.
Closing her message, Legarda called for continued grassroots literacy interventions.
“Ipagpatuloy po natin ang mga programa gaya ng Oplan: Talk Read, yung agad tumutugon, nakatuon sa mga batang pinaka nangangailangan, at nakabatay sa datos at sa tunay na kalagayan ng ating mga paaralan,” she said. (30)
————————————————————-
Legarda, iniugnay ang Oplan: Talk Read sa pambansang adbokasiya para sa mas matibay na early-grade learning
Ipinakita ni Senadora Loren Legarda ang malinaw na ugnayan ng mga programang pangkomunidad sa pagbasa at ng kanyang pambansang adbokasiya para sa mas matibay na early-grade learning sa Oplan: Talk Read – Pagpupugay sa Tagumpay ng Pagbasa graduation ceremony sa Caloocan noong Pebrero 28.
Nagbigay siya ng inspirasyonal na mensahe na pumupuri sa tiyaga ng mga mag-aaral, tutors, at guro, habang binibigyang-diin ang pangangailangang tugunan ang mga puwang sa pagbasa na inilantad ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM II).
“Kapag marunong kang magbasa, parang binubuksan mo ang pinto sa napakaraming mundo. Mas marami kang maiintindihan at matututunan, mas kaya mong magtanong, at mas kaya mong mangarap dahil kaya mo nang basahin at unawain ang mundo sa paligid mo,” ani Legarda sa mga completers, sabay hikayat na ipagpatuloy ang araw-araw na pagsasanay.
Bilang Co-Chair ng EDCOM II, binigyang-diin ni Legarda na ang mahinang kasanayan sa pagbasa mula Kinder hanggang Grade 3 ay nagpapalala ng kahirapan sa lahat ng asignatura.
“Ipinakita ng EDCOM II na napakaraming bata sa ating bansa ang hirap pa ring bumasa sa antas na naaayon sa kanilang grado. Ibig sabihin, hindi lamang ito problema ng isang lungsod o isang paaralan, problema ito ng buong bansa,” aniya.
Itinampok ng apat na terminong senadora ang kanyang mga inisyatibang pambatas na naglalayong palakasin ang early learning sa buong bansa, kabilang ang Early Childhood Care and Development System Act, ang Kabalikat sa Pagtuturo Act, at ang panukalang K to 3 Foundational Learning and Nurturing Care Act.
“Kung mahina ang pundasyon, guguho ang gusali. Ganoon din sa edukasyon. Kapag malakas ang pundasyon sa pagbasa at pagkatuto sa Kinder hanggang Grade 3, mas matibay ang magiging hinaharap ng bawat bata,” saad ni Legarda.
Ang Oplan: Talk Read program ay isang literacy intervention na idinisenyo upang tulungan ang mga batang nasa early grade na nahihirapan sa pagbasa. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng mga gabay na sesyon na pinangungunahan ng mga sinanay na tutors sa pakikipagtulungan sa mga pampublikong paaralan. Pinalalakas ng programa ang pundasyon sa pagbasa at nagtataguyod ng inklusibong akses sa dekalidad na edukasyon sa antas komunidad. Ang inisyatiba ay naipagpapatuloy sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa DepEd, Schools Division Office ng Caloocan, at DOLE.
Pinuri ni Legarda ang Kinatawan ng Ikalawang Distrito ng Caloocan, Edgar “Egay” Erice, sa kanyang pangunguna sa programa bilang pangunahing adbokasiya sa lungsod. Binanggit niya na ang pakikipagtulungan ni Erice sa lokal na pamahalaan, mga guro, at volunteers ay nagpapakita ng sama-samang pangako sa pagsusulong ng edukasyon at pagtugon sa mga puwang sa pagbasa.
“Kaya nais kong bigyang pugay si Congressman Edgar Erice at ang Pamahalaang Lungsod ng Caloocan na nagbukas ng pinto para sa programang ito. Hindi basta basta ang maglunsad ng ganitong proyekto, kailangan ng malinaw na direksyon, pondo, partners, at matibay na paniniwala na kayang umangat ang bawat bata,” aniya.
Sa seremonya, kinilala ang mga completers mula sa 17 partner schools sa Caloocan, kasama ang mga tutors na sinanay sa ilalim ng TALK READ Training of Tutors 2025. Nakipagtulungan ang mga retired teachers, SK volunteers, at MillennialZ members sa paggabay sa mga mag-aaral, na nagpapakita ng community-based approach ng programa.
Sa pagtatapos ng kanyang mensahe, nanawagan si Legarda para sa patuloy na grassroots literacy interventions.
“Ipagpatuloy po natin ang mga programa gaya ng Oplan: Talk Read, yung agad tumutugon, nakatuon sa mga batang pinaka nangangailangan, at nakabatay sa datos at sa tunay na kalagayan ng ating mga paaralan,” aniya. (30)
