Legarda honors Apolinario Mabini’s legacy at the opening of Museo ni Apolinario Mabini–PUP
December 10, 2025Senator Loren Legarda today joined the National Historical Commission of the Philippines (NHCP) and the Polytechnic University of the Philippines (PUP) in the opening of the Museo ni Apolinario Mabini – Polytechnic University of the Philippines (MAM-PUP), a shrine and learning space dedicated to the life and ideals of one of the nation’s greatest heroes.
The museum’s opening is part of efforts to preserve the legacy of Apolinario Mabini, known as the “Utak ng Rebolusyon,” whose moral strength and intellect helped define the Filipino struggle for independence.
In her message, Legarda emphasized that the opening was not just the opening of a museum, it is the opening of a door toward a deeper understanding of our history and the principles that shaped our nation.
“Ang pagdiriwang na ito ay hindi lamang pagbubukas ng isang museo—ito ay pagbubukas ng pinto tungo sa mas malalim na pag-unawa sa ating kasaysayan at sa mga prinsipyong humubog sa ating Inang Bayan,” Legarda said.
She paid tribute to Mabini’s intellect and integrity during the formative years of the Philippine Republic, calling him a genius who, despite physical limitations, gave boundless wisdom that helped establish the direction of our government and laid the foundations of our independence.
“Bagama’t limitado ang kanyang katawan, walang hanggan ang lawak ng kanyang isipan, isang henyo na nagtaguyod ng ating pamahalaan at nagbalangkas ng direksyon para sa ating kasarinlan,” Legarda said.
Legarda highlighted Mabini’s central role in drafting the Constitution of the First Philippine Republic, also known as the Malolos Constitution, a document that enshrined the idea that government must emanate from the will and consent of the people, not from the dictates of foreign powers.
As Chairperson of the Senate Committees on Culture and the Arts and on Higher, Technical, and Vocational Education, Legarda reminded scholars and learners that historical awareness is vital to nation-building.
She stressed that it is important that “ang mga iskolar ng bayan ay hindi lamang mahusay sa inyong napiling kurso, kundi malalim din ang pagkakaugat sa pagkakakilanlan at kasaysayan bilang Pilipino,” and reminded them that “ang pinakamahalagang kuwento ay iyong isinusulat niyo araw-araw sa pamamagitan ng inyong mga desisyon, pakikitungo, at paglilingkod sa kapwa at sa bayan.”
She also called on PUP students to view the museum not just as a tourist spot, but a classroom, a space for reflection, and a reminder that every Filipino has the capacity to be an agent of change.
Legarda concluded her message with a call to live by Mabini’s teachings.
“Sa pagbubukas ng Museo ni Apolinario Mabini, nawa’y patuloy nating ipagdiwang at isabuhay ang kanyang mga aral – katotohanan, katarungan, at wagas na pagmamahal sa bayan,” Legarda concluded. (30)
Legarda, pinarangalan ang legasiya ng Apolinario Mabini sa pagbubukas ng Museo ni Apolinario Mabini–PUP
Pinangunahan ni Senador Loren Legarda, kasama ang National Historical Commission of the Philippines (NHCP) at Polytechnic University of the Philippines (PUP), ang pagbubukas ng Museo ni Apolinario Mabini – Polytechnic University of the Philippines (MAM-PUP), isang dambana at espasyong pang-edukasyon na nakatuon sa buhay at mga prinsipyo ng isa sa pinakadakilang bayani ng bansa.
Ang pagbubukas ng museo ay bahagi ng mga hakbang upang pangalagaan ang pamana ni Apolinario Mabini. Kilala bilang “Utak ng Rebolusyon,” ginamit niya ang talino at tibay ng kalooban upang hubugin ang pakikibaka ng mga Pilipino tungo sa kalayaan.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Legarda na higit pa sa isang museo ang binubuksan, na isang pinto tungo sa mas malalim na pag-unawa sa ating kasaysayan at sa mga prinsipyong humubog sa bansa.
“Ang pagdiriwang na ito ay hindi lamang pagbubukas ng isang museo—ito ay pagbubukas ng pinto tungo sa mas malalim na pag-unawa sa ating kasaysayan at sa mga prinsipyong humubog sa ating Inang Bayan,” sabi ni Legarda.
Pinarangalan din niya ang talino at katapatan ni Mabini noong hinuhubog pa ang Unang Republika ng Pilipinas.
Tinawag niya itong isang henyo na, kahit may pisikal na limitasyon, ay walang sawang nagbigay ng karunungang naglatag ng direksyon ng pamahalaan at pundasyon ng kalayaan.
“Bagama’t limitado ang kanyang katawan, walang hanggan ang lawak ng kanyang isipan, isang henyo na nagtaguyod ng ating pamahalaan at nagbalangkas ng direksyon para sa ating kasarinlan,” ani Legarda.
Ipinunto rin ni Legarda ang mahalagang papel ni Mabini sa pagbabalangkas ng Konstitusyon ng Unang Republika ng Pilipinas, o ang Malolos Constitution, na nagtakda na ang pamahalaan ay dapat nagmumula sa kagustuhan at pahintulot ng mamamayan, hindi sa dikta ng dayuhan.
Bilang Chairperson ng Senate Committees on Culture and the Arts at on Higher, Technical, and Vocational Education, pinaalalahanan ni Legarda ang mga iskolar at mag-aaral na mahalaga ang kaalaman sa kasaysayan sa pagtatag ng bansa.
Binanggit niya na mahalaga na “ang mga iskolar ng bayan ay hindi lamang mahusay sa inyong napiling kurso, kundi malalim din ang pagkakaugat sa pagkakakilanlan at kasaysayan bilang Pilipino,” at “ang pinakamahalagang kuwento ay iyong isinusulat niyo araw-araw sa pamamagitan ng inyong mga desisyon, pakikitungo, at paglilingkod sa kapwa at sa bayan.”
Hinimok din niya ang mga estudyante ng PUP na tingnan ang museo hindi bilang pasyalan lamang, kundi bilang silid-aralan, espasyo para magnilay, at paalala na bawat Pilipino ay may kakayahang maghatid ng pagbabago.
Tinapos ni Legarda ang kanyang mensahe sa isang panawagan na isabuhay ang mga turo ni Mabini.
“Sa pagbubukas ng Museo ni Apolinario Mabini, nawa’y patuloy nating ipagdiwang at isabuhay ang kanyang mga aral – katotohanan, katarungan, at wagas na pagmamahal sa bayan,” pagwawakas ni Legarda. (30)
