Legarda lauds Career Progression Law as milestone for teacher empowerment
September 23, 2025Senator Loren Legarda hailed the signing of Republic Act No. 12288, or the Career Progression System for Public School Teachers and School Leaders Act, a measure she authored and co-sponsored, calling it a landmark step in recognizing the competence, dedication, and vital role of Filipino educators.
“In today’s rapidly changing world, the demands of the 21st-century learner require an education system that is forward-thinking and responsive. As we raise the bar for educational standards, it is not only our students whose future we must advance, but also our teachers who nurture and guide them every step of the way,” Legarda said.
RA 12288 establishes a structured framework for professional growth and career advancement that will attract, develop, and retain the country’s best educators. The law creates two distinct career tracks for teachers and expands the teaching ladder with new higher-level positions such as Master Teacher IV, V, VI, and VII. Further, promotion will now be based not on the availability of vacancies but on merit, competence, and fitness.
“As we strive to elevate the quality of education for our learners, we must also uplift the status of our educators. By giving them clear and fair pathways for advancement, we affirm that the Filipino teacher lights the way forward,” Legarda added. (30)
Legarda, pinapurihan ang Career Progression Law bilang mahalagang hakbang para sa empowerment ng mga guro
Pinuri ni Senadora Loren Legarda ang pagsasabatas ng Republic Act No. 12288, o ang Career Progression System for Public School Teachers and School Leaders Act, isang panukalang batas na siya ang may-akda at co-sponsor, bilang isang mahalagang hakbang sa pagkilala sa kakayahan, dedikasyon, at mahalagang papel ng mga gurong Pilipino.
“Sa mabilis na pagbabagong nagaganap sa ating panahon, ang pangangailangan ng 21st-century learners ay ang edukasyong makabago at tumutugon sa hamon ng panahon. Habang itinataas natin ang antas ng pamantayan sa edukasyon, hindi lamang ang kinabukasan ng ating mga mag-aaral ang dapat nating isulong, kundi pati na rin ang ating mga guro na siyang gumagabay at nag-aalaga sa kanila sa bawat hakbang,” ani Legarda.
Sa ilalim ng RA 12288, bubuo ng isang malinaw na balangkas para sa propesyonal na pag-unlad at pagsulong sa karera na layong makaakit, makapagpaunlad, at makapanatili ng pinakamahusay na mga guro sa bansa. Dalawang tiyak na career tracks para sa mga guro at pinalawak ang teaching ladder ang lilikhain ang batas sa pamamagitan ng mga bagong matataas na posisyon gaya ng Master Teacher IV, V, VI, at VII. Higit pa rito, ang promosyon ay ibabatay hindi lamang sa pagkakaroon ng bakanteng posisyon kundi sa merito, kakayahan, at pagiging karapat-dapat.
“Habang itinataas natin ang kalidad ng edukasyon para sa ating mga mag-aaral, kailangan ding iangat ang katayuan ng ating mga guro. Sa pagbibigay sa kanila ng malinaw at makatarungang landas para sa pagsulong, pinagtitibay natin na ang gurong Pilipino ang patuloy na nagliliwanag ng ating kinabukasan,” dagdag ni Legarda. (30)