Legarda calls on Filipinos to turn environmental laws into community action

September 2, 2025

Senator Loren Legarda today urged the public to translate environmental policies into tangible community action as the country observes National Clean-up Month this September, under Proclamation No. 244 s. 1993, complemented by Presidential Proclamation No. 470 s. 2003, which designates every third Saturday of September as International Coastal Clean-up (ICC) Day in the Philippines.

“As the principal author and principal sponsor of the Climate Change Act of 2009 (RA 9729), and author and principal sponsor of the Ecological Solid Waste Management Act of 2000 (RA 9003), I have seen that laws only bring real change when people embrace them,” Legarda said.

“This September, let us rise to the challenge. Protecting our environment demands more than compliance; it requires unity, urgency, and daily commitment. Let us turn this moment into a movement toward a cleaner and more resilient Philippines,” she added.

Legarda cited data from the Department of Environment and Natural Resources (DENR), showing that the Philippines generates around 61,000 metric tons of solid waste daily, with 12 to 24 percent made up of plastic. On average, each Filipino consumes 20 kilograms of plastic per year, with 15.4 kilograms ending up as waste. This makes the country the world’s top contributor to ocean plastic pollution, accounting for roughly 36 percent of global marine waste. She highlighted that last year’s ICC removed 352,479 kilograms of trash from 250 sites nationwide in just one day.

“These numbers are visible scars,” Legarda warned. “Flooding and mass displacement are no longer isolated events; these are symptoms of clogged waterways, deforested uplands, and years of poor waste management. The effects of pollution and climate change are not distant threats; they are happening in the present and are costing Filipino lives.”

To address these challenges, Legarda reaffirmed her call for stronger environmental enforcement and innovative planning. In the 20th Congress, the four-term senator filed Senate Bill No. 1250, which seeks the establishment of an Environmental Protection and Enforcement Bureau (EPEB) under the DENR to improve the government’s capacity to monitor violations, especially those involving hazardous hospital waste and industrial pollution.

She also filed SBN 1251, or the Philippine Environmental Assessment System Act, which seeks to modernize the country’s environmental governance. The bill introduces three key mechanisms: Strategic Environmental Assessment for policies and programs, Environmental Impact Assessment for projects, and Health Impact Assessment aligned with the Universal Health Care Act. Together, these reforms aim to create a more proactive, science-based, and health-conscious approach to environmental decision-making.

“Legislation alone won’t solve our environmental challenges,” Legarda emphasized. “We need public participation, local innovation, and sustained community action. As we mark National Clean-up Month and ICC Day or any environmental awareness initiative, I urge my fellow Filipinos to treat these events not as one-time activities but as catalysts for lasting change.”

“Environmental laws are not just words on paper; they are tools for transformation. Let us deepen our commitment to bridge policy and practice, not just this September, but every day. The real change begins when we take ownership of the laws meant to protect us.” Legarda concluded. (30)

Legarda nanawagan sa mga Pilipino na gawing kilos pang-komunidad ang mga batas pangkalikasan

Nanawagan si Senadora Loren Legarda sa publiko na isalin ang mga patakarang pangkalikasan sa konkretong kilos pang-komunidad habang ipinagdiriwang ng bansa ang National Clean-up Month ngayong Setyembre sa bisa ng Proklamasyon Blg. 244 s. 1993, na sinamahan ng Proklamasyon Blg. 470 s. 2003 na itinalaga ang bawat ikatlong Sabado ng Setyembre bilang International Coastal Clean-Up (ICC) Day sa Pilipinas.

“Bilang principal author at principal sponsor ng Climate Change Act of 2009 (RA 9729), at bilang may-akda at pangunahing tagapagtaguyod ng Ecological Solid Waste Management Act of 2000 (RA 9003), nakita ko na nagbubunga lamang ng tunay na pagbabago ang mga batas kapag tinanggap at isinabuhay ito ng mamamayan,” ani Legarda.

“Tumindig tayo sa hamon ngayong Setyembre. Ang pangangalaga sa ating kalikasan ay higit pa sa pagsunod; nangangailangan ito ng pagkakaisa, agarang pagkilos, at araw-araw na dedikasyon. Gawing simula ang sandaling ito para sa isang mas malinis at matatag na Pilipinas,” dagdag pa niya.

Binigyang-diin ni Legarda ang datos mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), na nagpapakita na ang Pilipinas ay nakakapagdulot ng humigit-kumulang 61,000 metrikong tonelada ng solid waste araw-araw, kung saan 12 hanggang 24 porsyento nito ay plastik. Sa karaniwan, bawat Pilipino ay kumokonsumo ng 20 kilo ng plastik kada taon, at 15.4 kilo dito ang nagiging basura. Dahil dito, nangunguna ang bansa sa mundo sa kontribusyon sa plastik sa karagatan, na umaabot sa halos 36 na porsyento ng pandaigdigang marine waste. Itinampok din niya na noong nakaraang taon, nakapaglinis ang ICC ng 352,479 kilo ng basura mula sa 250 lugar sa buong bansa sa loob lamang ng isang araw.

“Ito’y malinaw na bakas ng sugat,” babala ni Legarda. “Ang pagbaha at sapilitang paglikas ay hindi na isolated na pangyayari; sintomas ito ng baradong daluyan ng tubig, nasadsad na kagubatan, at mahabang taon ng maling pamamahala ng basura. Ang epekto ng polusyon at pagbabago ng klima ay hindi malayong bantang panghinaharap; nangyayari na ito ngayon at kumitil na ng buhay ng mga Pilipino.”

Upang tugunan ang mga hamong ito, muling inilahad ni Legarda ang panawagan para sa mas mahigpit na pagpapatupad ng batas pangkalikasan at malikhaing pagpaplano. Sa ika-20 Kongreso, naghain ang four-term senator ng Senate Bill No. 1250 para sa pagtatatag ng Environmental Protection and Enforcement Bureau (EPEB) sa ilalim ng DENR upang mapabuti ang kakayahan ng pamahalaan sa pagsubaybay sa paglabag ng mga batas, lalo na sa mga mapanganib na basura ng ospital at polusyong pang-industriya.

Naghain din siya ng SBN 1251, o ang Philippine Environmental Assessment System Act, na naglalayong i-modernisa ang pamamahala ng kalikasan sa bansa. Pinakikilala ng panukala ang tatlong mekanismo: Strategic Environmental Assessment para sa mga polisiya at programa, Environmental Impact Assessment para sa mga proyekto, at Health Impact Assessment na nakaayon sa Universal Health Care Act. Sama-samang naglalayong magkaroon ng mas maagap, siyensiyado, at pangkalusugang pananaw sa paggawa ng desisyon pangkalikasan ang mga repormang ito.

“Hindi sapat ang batas upang lutasin ang ating mga hamon sa kalikasan,” diin ni Legarda.

“Kailangan natin ng partisipasyon ng publiko, lokal na inobasyon, at tuloy-tuloy na pagkilos ng komunidad. Sa paggunita natin ng National Clean-up Month, ICC Day, o anumang inisyatibo para sa kamalayan sa kalikasan, hinihikayat ko ang aking mga kababayan na huwag ituring itong isang beses lamang na aktibidad kundi bilang mitsa para sa pangmatagalang pagbabago.”

“Ang mga batas pangkalikasan ay hindi lamang salita sa papel; ito’y kasangkapan para sa pagbabago. Palalimin natin ang ating paninindigan upang iugnay ang patakaran at gawain, hindi lamang ngayong Setyembre kundi araw-araw. Nagsisimula ang tunay na pagbabago kapag tinanggap natin bilang sarili ang mga batas na nilikha para sa ating proteksyon,” pagtatapos ni Legarda. (30)