Legarda files bill to address aging agri-workforce through youth-led reform
July 21, 2025As the Philippine agricultural sector faces a looming labor crisis, Senator Loren Legarda filed Senate Bill No. 518, seeking to establish the Young Farmers and Fisherfolk Challenge Council to revitalize the industry with a new generation of agri-entrepreneurs.
“The average age of our farmers is now 53 years old. If this trend continues, we could face a critical shortage of food producers within the next decade, which will threaten our food security,” Legarda said.
The four-term Senator highlighted that nearly three out of 10 farmers and fisherfolk still live below the poverty line, making agriculture a less desirable career for the youth.
“We must act now to make agriculture viable, attractive, and dignified for the youth. SB 518 introduces the Young Farmers and Fisherfolk Challenge Program, a comprehensive initiative for aspiring food producers aged 15 to 40 years old,” Legarda emphasized.
The proposed measure offers concrete interventions, including start-up capital and financial support, access to voluntary health, retirement, and calamity insurance, as well as pathways to land access, technical training, and inclusive education geared toward sustainable and modern farming careers. It also guarantees youth participation in policymaking and encourages the adoption of climate-smart and digitally driven agricultural practices.
Equitable and inclusive participation in the program will also be sought, with a minimum of 30% of participants comprising young women, Indigenous youth, residents in coastal barangays, and those from conflict-affected areas.
“We must help in transitioning our industry to the younger members of our workforce, so that new ideas may blossom in a rapidly aging industry,” she said.
“We have to break the stigma that agriculture is a last resort. Let us transform agriculture into a sustainable livelihood built on innovation, equity, and resilience as we steer the country toward food security and self-sufficiency.” Legarda concluded. (30)
Legarda isinusulong ang panukala para palakasin ang bagong henerasyon ng mga magsasaka
Sa harap ng krisis ng tumatandang hanay ng mga manggagawang agrikultural, naghain si Senador Loren Legarda ng Senate Bill No. 518 na naglalayong itatag ang Young Farmers and Fisherfolk Challenge Council upang paigtingin ang kakayahan ng mga bagong henerasyon ng agri-entrepreneur.
“Aabot na sa 53 taong gulang ang karaniwang edad ng ating mga magsasaka. Kapag nagpatuloy ito, maaari tayong humarap sa matinding kakulangan ng mga tagapag-prodyus ng pagkain sa susunod na dekada na magiging banta sa ating food security,” pahayag ni Legarda.
Binigyang-diin ng apat na terminong Senador na halos tatlo sa bawat sampung magsasaka at mangingisda ay nananatiling nasa ilalim ng poverty line, dahilan kung bakit hindi ito nakikita ng mga kabataan na may potensyal na propesyon.
“Kailangan nating kumilos upang masiguro na ang industriya ng agrikultura ay maging kapaki-pakinabang at kaaya-aya sa persepsyon ng mga kabataan. Sa ilalim ng SB 518, bubuuin ang Young Farmers and Fisherfolk Challenge Program, isang komprehensibong inisyatiba para sa mga nagnanais maging agri-entrepreneurs at food producers na may edad 15 hanggang 40,” diin ni Legarda.
Layunin ng panukalang batas na magkaloob ng start-up capital at pinansiyal na suporta; access sa boluntaryong health, retirement, at calamity insurance; gayundin ang mga hakbang tungo sa pagmamay-ari ng lupa, teknikal na pagsasanay, at mas inklusibong edukasyon para sa pangmatagalan at makabagong propesyon sa agrikultura. Tinitiyak din nito ang partisipasyon ng kabataan sa paggawa ng polisiya at hinihikayat ang paggamit ng climate-smart at digital na pamamaraan sa pagsasaka.
Ipinaglalaban din ng panukalang ito ang pantay at inklusibong partisipasyon, kung saan hindi bababa sa 30% ng mga lalahok ay kabataang kababaihan, katutubo, residente ng mga baybaying barangay, at mula sa conflict-affected areas.
“Kailangan nating maisalin ang industriya sa mga nakababatang manggagawa at sumibol ang mga bagong ideya sa tumatandang sektor,” aniya.
“Dapat nating wakasan ang stigma na ang agrikultura ay huling opsyon lamang. Isulong natin ang industriya ng agrikultura bilang isang makabuluhan at pangmatagalang kabuhayan na batay sa inobasyon, katarungan, at katatagan upang masiguro na ang bansa ay may sapat na pagkain at may matibay na agricultural workforce,” pagtatapos ni Legarda. (30)