Legarda calls for building a stronger nation by empowering every Filipina

March 3, 2025

As the country celebrates National Women’s Month, Senator Loren Legarda calls on all sectors of society, both public and private, to turn commitments into lasting change and take decisive action to ensure that every Filipina can thrive in a society free from violence, discrimination, and systemic barriers.

“This year is an opportunity to accelerate progress,” Legarda said.

“2025 marks the 30th anniversary of the Beijing Declaration and Platform for Action, the most progressive blueprint for women’s empowerment. This framework has expanded access to essential services, strengthened legal protections, and reshaped the conversation around gender equality. Here in the Philippines, we must not only sustain our efforts but push harder for real, measurable outcomes that uplift women in every part of the nation.”

Legarda emphasized that while policies play a crucial role, progress is driven by action, investment, enforcement, and accountability. She stressed the urgent need to enhance the implementation of existing laws, particularly those addressing gender-based violence, workplace discrimination, and economic inequality.

A champion for women’s rights, the four-term senator firmly believes that empowering women lifts the entire nation.

“When we support women, when we protect their rights, invest in their education, and create equal economic opportunities, we build a stronger and more resilient Philippines,” Legarda said.

“This is not just a matter of fairness. This is about shaping a society where every woman and girl has the chance to succeed, lead, and make a meaningful impact. And we all know the immense contributions that women bring to our communities and our country.”

Legarda, the first woman to top two senatorial elections, in 1998 and 2007, has been at the forefront of legislation advancing women’s rights. Among the key laws she has authored and sponsored are the Magna Carta of Women, Anti-Violence Against Women and Children Act, Anti-Trafficking in Persons Act and its expanded version, Kalusugan at Nutrisyon ng Mag Nanay Act, and 105-Day Expanded Maternity Leave Law.

“This is a time for courage,” she declared.

“We possess the tools, the knowledge, and the frameworks necessary to transform aspirations into tangible outcomes. What we need now is to unify our collective strength and move with purpose. Let us make this Women’s Month a turning point through action, building a nation where every Filipina is empowered, protected, and given the opportunity to contribute and lead.” (30)


Legarda: pagpapalakas sa kababaihan, susi sa mas matatag na bayan

Sa pagdiriwang ng National Women’s Month, nanawagan si Senadora Loren Legarda sa lahat ng sektor—pampubliko man o pribado—na isakatuparan na ang mga pangakong pagbabago para isulong ang pantay na oportunidad at karapatan ng kababaihan sa lahat ng larangan.

Hinimok ng four-term senator ang bawat sektor na kumilos para matiyak na ang bawat Filipina ay malaya sa karahasan at diskriminasyon, at binigyang-diin ang pag-alis ng mga hadlang sa kanilang pag-unlad.

“Ngayong taon, dapat nating pabilisin ang progreso,” ani Legarda.

“Ngayong 2025, ginugunita natin ang ika-30 anibersaryo ng Beijing Declaration and Platform for Action—ang pinaka-progresibong plano para sa pagpapalakas ng karapatan ng bawat kababaihan. Malaki ang naitulong ng platform na ito para sa pagpapalawak ng access sa mahahalagang serbisyo, pagpapalakas ng legal protections, at pagpapabago ng pagtingin sa pagkakapantay-pantay ng kasarian. Dito sa Pilipinas, hindi lang natin dapat ipagpatuloy ang mga pagsisikap na ito—kailangan nating mas lalo pang paigtingin ang ating mga hakbang upang makamit ang konkretong pagbabago na tunay na nagpapalakas sa kababaihan.”

Binigyang-diin ni Legarda na bagamat mahalaga ang mga polisiya, ang tunay na pagbabago ay nakasalalay sa aksyon, sapat na pondo, mahigpit na pagpapatupad ng batas, at pagkakaroon ng pananagutan ng bawat sektor. Kailangan umano ng mas mahigpit na pagpapatupad ng mga batas laban sa karahasan, diskriminasyon sa trabaho, at hindi pantay na oportunidad para sa kababaihan.

Bilang matagal nang tagapagtanggol ng karapatan ng kababaihan, naniniwala si Legarda na ang pagpapalakas sa kababaihan ay pagpapalakas din sa buong bansa.

“Kapag sinuportahan natin ang kababaihan—kapag pinangalagaan natin ang kanilang mga karapatan, pinuhunanan ang kanilang edukasyon, at binigyan sila ng pantay na pagkakataon sa ekonomiya—mas nagiging matatag at maunlad ang ating bayan,” ani Legarda.

“Hindi lang ito usapin ng katarungan. Ito ay tungkol sa paglikha ng isang lipunang nagbibigay ng pantay na pagkakataon para sa bawat babae at batang babae upang magtagumpay, mamuno, at makapag-ambag nang makabuluhan. Hindi natin maikakaila ang malaking papel ng kababaihan sa paghubog ng ating mga komunidad at bansa.”

Si Legarda, ang kauna-unahang babaeng nanguna sa dalawang halalan sa pagka-senador noong 1998 at 2007, ay nangunguna sa pagsusulong ng mga batas para sa kababaihan. Ilan sa mahahalagang batas na kanyang isinulat at itinaguyod ay ang Magna Carta of Women, Anti Violence Against Women and Children Act, Anti-Trafficking in Persons Act at ang expanded version nito, Kalusugan at Nutrisyon ng Mag Nanay Act, at 105-Day Expanded Maternity Leave Law.

“Panahon na para ipakita ang ating tapang,” pahayag ni Legarda.

“Mayroon na tayong mga batas, kaalaman, at balangkas upang gawing realidad ang ating mga pangarap para sa kababaihan. Ang kailangan natin ngayon ay ang pagsasama-sama ng ating lakas at kilos na may direksyon. Gawin nating makabuluhan ang National Women’s Month sa pamamagitan ng tunay na aksyon—isang hakbang patungo sa isang bansang nagbibigay-lakas, nagpoprotekta, at nagpapahalaga sa bawat Filipina.” (30)