Legarda lauds Magna Carta for Barangay Health Workers approval on 3rd reading
February 4, 2025Senator Loren Legarda lauded the Senate’s approval of Senate Bill No. 2838, or the Magna Carta of Barangay Health Workers, on its third and final reading, marking a historic milestone in recognizing the dedication and sacrifices of Barangay Health Workers (BHWs).
“For decades, our Barangay Health Workers have been the silent guardians of our communities, ensuring no one is left behind in healthcare. They have served without complaint, without fanfare, and for far too long, without the recognition and support they deserve. Finally, we give the Barangay Health Workers the rights, protection, and recognition long denied to them,” said Legarda.
As the bill’s principal author and co-sponsor, Legarda emphasized its significance in uplifting the welfare of BHWs, acknowledging their sacrifices, and securing their rightful benefits as essential pillars of the country’s healthcare system.
“As early as 1998, during my first term as a senator, I have pushed for this bill, believing that those who care for our people must also be cared for,” Legarda said.
The four-term Senator underscored the insufficient support mechanisms and inadequate funding, which hinder the effectiveness of BHWs and weaken the overall healthcare system.
“The ability of our barangay health workers to serve effectively depends on how much priority each LGU gives to health services and facilities. Without sufficient resources, we are failing both our health workers and the communities that rely on them,” she added.
The Magna Carta of Barangay Health Workers seeks to address these gaps by professionalizing BHWs, ensuring they receive fair compensation, training, and inclusion in the government plantilla —a move that Legarda said is a necessary correction of a long-standing injustice.
The measure also grants BHWs incentives and benefits, including monthly honoraria, transportation and subsistence allowances, hazard pay, insurance coverage, health emergency allowances, a December cash gift, and a dedicated service recognition incentive.
“By providing these long-overdue benefits, we are finally giving them the reward they have long deserved,” she added.
Legarda also shared the story of Melinda Brosas, a BHW whose dedication was highlighted by the World Health Organization (WHO). Brosas oversees 103 households in her ‘purok,’ braving steep hills and crossing rivers with strong currents to provide healthcare services to those in need.
“Like many other BHWs, she does this without complaint. But they should never have had to do it without the support they rightfully deserve,” Legarda said.
She also commended Senator JV Ejercito, the sponsor of the bill, for rallying support and ensuring its passage.
Legarda concluded by affirming the indispensable role of BHWs in achieving universal healthcare in the country. (30)
Pag-apruba sa Magna Carta para sa barangay health workers, sinuportahan ni Legarda
Suportado ni Senadora Loren Legarda ang pagpasa ng Senate Bill No. 2838, o ang Magna Carta para sa Barangay Health Workers, sa ikatlo at pinal na pagbasa sa Senado—isang makasaysayang hakbang sa pagkilala sa dedikasyon at sakripisyo ng Barangay Health Workers (BHWs).
“Sa loob ng maraming dekada, ang ating Barangay Health Workers ay tahimik na mga tagapagtaguyod ng ating mga komunidad, tinitiyak na walang maiiwan pagdating sa pangangalagang pangkalusugan. Nagsilbi sila nang walang reklamo, at sa loob ng mahabang panahon, nang walang sapat na pagkilala at suporta. Ngayon, sa wakas, maibibigay na natin sa kanila ang mga karapatan, proteksyon, at pagkilalang matagal nang ipinagkait sa kanila,” ani Legarda.
Bilang pangunahing may-akda at co-sponsor ng panukalang batas, binigyang-diin ni Legarda ang kahalagahan nito sa pagpapataas ng estado ng BHWs, paggalang sa kanilang sakripisyo, at pagbibigay ng kanilang nararapat na benepisyo bilang pangunahing haligi ng sistemang pangkalusugan ng bansa.
“Mula pa noong 1998, sa aking unang termino bilang senador, itinulak ko na ang panukalang batas na ito, dahil naniniwala ako na ang mga nangangalaga sa ating mamamayan ay dapat ding alagaan,” ani Legarda.
Iginiit ng batikang senadora ang kakulangan ng sapat na suporta at pondo mula sa local government units (LGUs), na nagiging hadlang sa pagiging epektibo ng BHWs at nagpapahina sa buong sistemang pangkalusugan ng bansa.
“Ang kakayahan ng ating Barangay Health Workers na makapaglingkod nang maayos ay nakasalalay sa pagpapahalagang ibinibigay ng bawat LGU sa serbisyong pangkalusugan at mga pasilidad. Kung walang sapat na pondo, hindi lang natin binibigo ang ating mga health workers—binibigo rin natin ang mga komunidad na umaasa sa kanila,” sabi ni Legarda.
Layunin ng Magna Carta ng Barangay Health Workers na tugunan ang mga kakulangang ito sa pamamagitan ng propesyonalisasyon ng BHWs, pagbibigay ng karampatang sahod, pagsasanay, at pagtiyak ng kanilang plantilla posisyon sa gobyerno—isang hakbang na ayon kay Legarda ay isang makatarungang pagkilala sa kanilang mahalagang papel sa sistemang pangkalusugan.
Nagbibigay rin ang panukalang batas ng mga insentibo at benepisyo sa BHWs, kabilang ang buwanang honoraria, transportasyon at subsistence allowance, hazard pay, insurance coverage, health emergency allowance, cash gift tuwing Disyembre, at isang service recognition incentive.
“Sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga matagal nang nararapat na benepisyo, sa wakas ay naipagkaloob natin sa kanila ang matagal ng nararapat nilang matanggap,” ani Legarda.
Ibinahagi rin ni Legarda ang kuwento ni Melinda Brosas, isang BHW na kinilala ng World Health Organization (WHO) dahil sa kanyang dedikasyon. Si Brosas ay nangangasiwa ng 103 kabahayan sa kanyang purok, tumatawid sa mga ilog na may malalakas na agos at umaakyat sa mga bundok upang makapaghatid ng serbisyong pangkalusugan sa mga nangangailangan.
“Tulad ng maraming iba pang BHWs, ginagawa niya ito nang walang inaasahang papuri o reklamo. Ngunit hindi sila kailanman dapat maglingkod nang walang suportang nararapat sa kanila,” ani Legarda.
Pinuri rin ng Senadora si Senador JV Ejercito, ang sponsor ng panukalang batas, sa kanyang pagsisikap na itulak ito hanggang sa maaprubahan.
Sa pagtatapos, muling binigyang-diin ni Legarda ang hindi matatawarang papel ng BHWs sa pagkamit ng unibersal na pangangalagang pangkalusugan sa bansa.(30)