Legarda advocates anew for PH local fabrics

January 13, 2025

Legarda advocates anew for PH local fabrics

Highlighting her unyielding commitment to promote the rich heritage and culture of the Philippines, Senator Loren Legarda reiterated the need to create more programs that will urge the Filipino people to patronage local and indigenous fabrics as the nation celebrates the Philippine Tropical Fabrics Month.

The four-term senator, as the principal author of Republic Act (R.A.) No. 9242 or the Philippine Tropical Fabrics Law, has consistedly promoted various ways to strengthen the endless contributions of the local fabric industry to the nation’s economy in the past two (2) decades. Legarda upheld the industry’s full potential to becoming a key player, not just for the Philippine market, but also in the global stage.

“I have been advocating for our local fabrics for many years now. And believe me, there is no stopping me. These fabrics are a representation of our kakabayan’s skillful craftmanship. These are a reflection of our identity as a country with a colorful and vibrant culture, a heritage which signifies what it feels like to be a true Filipino,” she said.

“My advocacy when it comes to these treasures is more than just the colors, the textiles, or the intricate details put into the fabrics. Each of these represent a nation that carries a cultural significance and traditions that transcend a generation of empowered Filipino weavers,” the senator added.

With the country’s rich resources and raw materials such as pineapple, banana, and abaca fibers, Legarda underscored the need to continue sustaining research and development efforts to give Filipino weavers and garment manufacturers a chance to showcase the distinctiveness of their designs and craftmanship.

Amidst the advent of technology nowadays, the senator stressed that the preservation of the country’s local fabrics empowers every community across regions. She believed that by doing so, it could generate more jobs, foster innovation, and impove the agricultural sector as well. With the right plans and programs, Legarda asserted that such fabrics will meet consumer demands while supporting sustainability.

“I have always believed that our local fabrics are a symbol of our talents and craftmanship. We can consider them not just as a backbone of our economy but also a vital link to our future. I urge our kababayans to not forget the value of our local fabrics as modernization continues to take over our society,” Legarda said.

“It is now the right time that we exercise our collective efforts to ensure that our fabrics continue to flourish and preserved in a way that supports Filipinos, the country’s economy and the future,” she continued. (30)


Pagtangkilik sa lokal na tela isinulong ni Legarda

Bilang tanda ng kanyang pagsuporta sa mayamang kultura ng ating bansa, pinagtibay ni Senadora Loren Legarda ang kanyang mungkahi na paigtingin ang mga programa na hihikayat sa mga Pilipino upang tangkilikin ang mga lokal at katutubong tela ngayong pagdaraos ng Philippine Tropical Fabrics Month.

Bilang pangunahing may akda ng Republic Act (R.A.) No. 9242 o Philippine Tropical Fabrics Law, patuloy ang pagsisiguro ng senadora na magkaroon ng ilang pamamaraan na palakasin ang industriya sa nakalipas na dalawang dekada. Sinabi niya na malaki ang potensyal ng industriyang ito, hindi lang sa ating merkado, kundi maging sa ibang mga bansa.

“Ilang taon ko na ring sinusuportahan ang industriya ng ating lokal na tela. At wala pong makapipigil sa atin. Ang mga telang ito ay representasyon ng kagalingan ng ating mga kababayan pagdating sa paghahabi. Repleksyon din ito ng ating pagkakakilanlan bilang mga Pilipino na may makulay at mayabong na kultura,” saad ni Legarda.

“Ang aking adbokasiya pagdating sa mga ito ay higit pa sa kulay o sa mga disenyong inukit sa bawat hibla ng tela. Bawat isa sa mga ito ay dinadala ang ating nasyon pagdating sa importansya ng kultura. Maging ng mga tradisyon na magpapasalin-salin pa sa mga susunod na henerasyon,” giit pa niya.

Dagdag pa ni Legarda, kailangang ipagpatuloy pa ang mga pananaliksik at pagsisikap na paunlarin ang industriya lalo’t mayaman ang ating bansa sa mga materyales gaya ng pinya, saging at abaca fibers. Sa pamamagitan kasi nito, mabibigyan ng pagkakataon ang mga Pilipinong tagahabi na ipagmalaki ang kanilang kagalingan.

Sa kabila ng makabagong teknolohiya, binigyang diin ni Legarda na ang pagpepreserba sa industriya ng lokal na tela ay siyang pagpapatibay ng mga komunidad sa bawat rehiyon ng Pilipinas. Paniniwala pa niya na ito ay makapagbibigay ng dagdag trabaho, magdudulot ng inobasyon, at makapagpapaganda ng sektor ng agrikultura. Paniniwala pa niya na ito ay makatutugon sa pangangailangan ng mga mamimili habang sinusuportahan ang sustainability nito.

“Lagi kong pinaniniwalaan na ang ating mga lokal na tela ay isang simbolo ng ating mga talento at kahusayan sa paggawa. Maari natin silang ituring hindi lamang bilang suporta ng ating ekonomiya. Bagkus pati na rin ng isang mahalagang ugnayan sa ating hinaharap. Hinihikayat ko ang ating mga kababayan na huwag kalimutan ang halaga ng ating mga lokal na tela habang patuloy na umaabot ang modernisasyon sa ating lipunan,” saad ng senadora.

“Ngayon na ang tamang panahon upang isagawa ang kolektibong pagsisikap nating mga Pilipino upang tiyakin na ang mga ito ay patuloy na uunlad at mapapangalagaan sa paraang susuporta sa mga Pilipino, sa ekonomiya ng bansa, at sa ating hinaharap bilang nagkakaisang bansa,” dagdag ni Legarda. (30)