Legarda highlights the importance of preserving heritage structures

December 8, 2024

Senator Loren Legarda emphasized the vital role of preserving and rehabilitating heritage structures in the Philippines, as these landmarks offer a window into the life and lessons of the past.

“Sa unang tingin, ito’y maaaring isang lumang istruktura lamang, gawa sa kahoy at bato, ngunit kung bubuksan natin ang ating mga mata at puso, makikita natin na ito’y puno ng mga kwento—mga alaala ng nakalipas, mga pangarap ng pamayanan, saksi sa bawat tagumpay at pagsubok ng isang bayan,” Legarda said in her speech during the program for the event Pagtatalaga sa Gusali ng Pamahalaang Bayan ng Taal Bilang Pambansang Palatandaang Pangkasaysayan on December 8.

“Hindi lamang natin kinikilala ang kagandahang handog ng nakaraan, kundi ipinapakita rin natin ang ating dedikasyon na protektahan ang pamanang simbolo ng tibay at kasaysayan para sa mga susunod na henerasyon,” she added.

The National Historical Commission of the Philippines (NHCP) officially declared the Taal Municipal Hall, also known as Taal Casa Real or Taal Casa Tribunal, a National Historical Landmark through NHCP Resolution No. 48, series of 2024.

Constructed in the 1840s, the hall is notable for its size of 18 by 26.80 meters, its two-story design, and its Spanish tile roof, as well as for surviving various natural calamities, including the 1911 Taal Volcano eruption. This declaration is integrated into Resolution No. 2, series of 1987, of the National Historical Institute, which originally declared a portion of Taal Town, Batangas, as a National Historical Landmark.

“Ang gusaling ito ay bahagi ng mas malawak na kasaysayan ng Taal—isang bayan kung saan ramdam pa rin ang buhay ng nakaraan sa bawat sulok, mula sa mga ancestral houses hanggang sa tradisyon ng pagbuburda na hanggang ngayon ay patuloy na nagbibigay kabuhayan at bumubuhay sa kultura ng munisipalidad,” remarked the four-term senator.

“Kaya tanungin natin muli ang ating sarili: Ano ang halaga ng gusaling ito? Ito ang puso, alaala, at pagkatao ng bawat Taaleño.”

Legarda is the author and co-sponsor of Republic Act No. 10066, or the National Cultural Heritage Act of 2009, and the author and principal sponsor of Republic Act No. 11961, or the Cultural Mapping Act. (30)

—-

Binigyang-diin ni Senador Loren Legarda ang mahalagang papel ng pangangalaga at rehabilitasyon ng mga pamanang istruktura sa Pilipinas, bilang isang pag-alaala ng kasaysayan at mga aral ng nakaraan.

“Sa unang tingin, ito’y maaaring isang lumang istruktura lamang, gawa sa kahoy at bato, ngunit kung bubuksan natin ang ating mga mata at puso, makikita natin na ito’y puno ng mga kwento—mga alaala ng nakalipas, mga pangarap ng pamayanan, saksi sa bawat tagumpay at pagsubok ng isang bayan,” sabi ni Legarda sa kanyang talumpati sa programang Pagtatalaga sa Gusali ng Pamahalaang Bayan ng Taal Bilang Pambansang Palatandaang Pangkasaysayan noong Disyembre 8.

“Hindi lamang natin kinikilala ang kagandahang handog ng nakaraan, kundi ipinapakita rin natin ang ating dedikasyon na protektahan ang pamanang simbolo ng tibay at kasaysayan para sa mga susunod na henerasyon,” dagdag pa niya.

Opisyal na idineklara ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) ang Taal Municipal Hall, na kilala rin bilang Taal Casa Real o Taal Casa Tribunal, bilang isang Pambansang Palatandaang Pangkasaysayan sa bisa ng NHCP Resolution No. 48, s. 2024.

Itinayo noong 1840s, ang gusali ay kilala sa sukat nitong 18 x 26.80 metro, ang dalawang-palapag na disenyo, at Spanish tile na bubong. Bukod dito, napagdaanan nito ang iba’t ibang hamon ng panahon, kabilang ang pagsabog ng Bulkang Taal noong 1911. Ang deklarasyong ito ay isinama sa Resolution No. 2, s. 1987, ng National Historical Institute, ang naunang ahensya ng NHCP, na nagdeklara sa bahagi ng Bayan ng Taal, Batangas, bilang isang Pambansang Palatandaang Pangkasaysayan.

“Ang gusaling ito ay bahagi ng mas malawak na kasaysayan ng Taal—isang bayan kung saan ramdam pa rin ang buhay ng nakaraan sa bawat sulok, mula sa mga ancestral houses hanggang sa tradisyon ng pagbuburda na hanggang ngayon ay patuloy na nagbibigay kabuhayan at bumubuhay sa kultura ng munisipalidad,” sabi ni Legarda.

“Kaya tanungin natin muli ang ating sarili: Ano ang halaga ng gusaling ito? Ito ang puso, alaala, at pagkatao ng bawat Taaleño.”

Si Legarda ang may-akda at co-sponsor ng Republic Act No. 10066 o ang National Cultural Heritage Act of 2009, at may-akda at pangunahing sponsor ng Republic Act No. 11961 o ang Cultural Mapping Act. (30)