Statement on the Tragic Attack During Lapulapu Day Celebrations in Vancouver
April 28, 2025We are deeply saddened and concerned by the tragic event that occurred during Lapulapu Day in Vancouver. A day meant to honor Filipino heritage, culture, and the spirit of resistance against oppression was marred by a senseless act of violence that took the lives of at least 11 individuals and injured many others.
We strongly condemn this heinous attack. Our hearts and prayers go out to the victims, their families, and the entire Filipino community in British Columbia and beyond who are mourning this unimaginable loss.
Lapulapu Day is a symbol of courage, unity, and resilience — values that must inspire us to stand together against hatred and violence. We call on the authorities to ensure a thorough investigation and to bring justice to all those affected.
In this time of sorrow, we stand with the Filipino community and the people of Vancouver. We honor those we have lost by renewing our commitment to peace, unity, and respect for all.
Pahayag ukol sa Malagim na Insidente sa Pagdiriwang ng Lapulapu Day sa Vancouver
Lubos naming ikinalulungkot at ikinababahala ang malagim na pangyayaring naganap sa pagdiriwang ng Araw ni Lapulapu sa Vancouver. Ang araw na inilaan upang parangalan ang pamana, kultura, at diwa ng paglaban ng mga Pilipino laban sa pananakop ay nasira ng isang walang saysay at marahas na pag-atake na kumitil sa buhay ng hindi bababa sa labing-isang katao at nag-iwan ng maraming sugatan.
Mariin naming kinukondena ang karumal-dumal na pag-atakeng ito. Ang aming mga puso at panalangin ay aming inilalaan sa mga biktima, sa kanilang mga pamilya, at sa buong pamayanang Pilipino sa British Columbia at sa iba pang bahagi ng mundo na ngayo’y nagluluksa sa hindi masukat na pagkawala.
Ang Lapulapu Day ay isang sagisag ng katapangan, pagkakaisa, at katatagan — mga pagpapahalaga na dapat magbigay-inspirasyon sa atin upang sama-samang manindigan laban sa poot at karahasan. Nanawagan kami sa mga kinauukulan na magsagawa ng masusing imbestigasyon at tiyakin ang paghatid ng katarungan sa lahat ng naapektuhan.
Sa panahon ng dalamhati, kami ay nakikiisa sa pamayanang Pilipino at sa mga mamamayan ng Vancouver. (30)