Valedictory Speech of Deputy Speaker Loren Legarda: Sine Die Adjournment of the 18th Congress
June 15, 2022Valedictory Speech of Deputy Speaker Loren Legarda
Sine Die Adjournment of the 18th Congress
1 June 2022 | House of Representatives of the Philippines
Mayad nga araw ka ninyo nga tanan! Sa Tagalog, isang magandang araw sa inyong lahat!
Sa pagtatapos ng ika-labing-walong Kongreso, nais kong pasalamatan ang lahat ng mga nakasama natin bilang Representate ng Natatanging Distrito ng Antique. Sa loob ng tatlong taon, ang Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas ang nagsilbing pangalawang tahanan para sa inyong lingkod, at ang mga kinatawan, mga kaibigan, “classmate,” at katuwang sa trabaho. Bagaman napigilan ng pandemya ang ating kinagawiang pagsasagawa ng public hearings at Plenary Session, hindi ito naging hadlang upang patuloy nating mapaglingkuran ang ating sariling mga distrito at constituents, salamat sa pamumuno ni former Speaker Alan Peter Cayetano at ng ating kasalukuyang Speaker, Lord Allan Velasco.
Maraming salamat din sa officials, employees and staff ng House Secretariat para sa inyong dedikasyon at kasipagan, kasama na ang inyong flexibility at resourcefulness, dahil hindi naging madali ang pag-adapt sa mga makabagong paraan ng pagsasagawa ng ating mga hearings and consultations, at plenary debates sa gitna ng hamon ng pandemya.
Mabigat man ang mga kinaharap na pagsubok nitong mga nakalipas na taon, at hinamon man ng pandemya ang ating mga kakayahan bilang mga Representate, ipinamalas ng bawat isang miyembro ng Kapulungan ito ang kani-kanilang husay at galing at pagmamahal sa taumbayan.
Sa aking pagbabalik sa Senado, samu’t-saring aral at alaala ang aking dadalhin mula sa inyo. Makakatiyak po kayo na hindi ito ang huli nating pagkikita sapagkat marami pa tayong pagsasamahan at isasabatas para sa taumbayan.
Gaya ng naipangako ko noong nakaraang kampanya, gagawin nating priority ang matugunan at mabigyan ng solusyon ang twin crises ng COVID-19 at climate change sa pamamagitan ng pagpapalakas ng ating ekonomiya, pagbibigay ng trabaho, at dagdag-suporta para sa ating hinahangad na human capital development. Kaya sa susunod na Kongreso, sa 19th Congress, ay pagtulung-tulungan po nating maisabatas ang mga panukalang ito.
Duro-duro gid nga salamat. Palangga ko kamo!