Message: Peace and Order Summit 2019
September 13, 2019Message of Deputy Speaker and Antique Congresswoman Loren Legarda
Peace and Order Summit 2019
13 September 2019 | San Jose de Buenavista, Antique
Mayad nga aga ka ninyo nga tanan!
Binabati ko ang Peace and Order Public Safety (POPS) Office, ang mga opisyal mula sa Antique Provincial Police Office, PDEA, National Intelligence Coordinating Agency, 61st Infantry Battalion, DILG, at lokal na pamahalaan ng Antique, at ang mga bahagi ng ng ika-apat na Peace and Order Summit sa Antique.
Bilang inyong Congresswoman, prioridad ko ang pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa Antique. Nagsusumikap ang inyong lingkod upang masiguro ang seguridad sa ating probinsya.
Bilang dating Chair ng Senate Committee on Finance, binigyan natin ng suporta ang Antique Provincial Police Office sa kanilang mga pangangailangan sa equipment tulad ng multi-media CCTV at motorbanca para makatulong sa pagpapatrolya ng ating kapaligiran. Dinagdagan din natin ang pondo para sa mga operational expenses ng mga police station, tulad ng gasoline expenses, office supplies at iba pa.
Bukod dito, nagbigay din tayo ng pondo para sa pagbili ng mga barangay responder sa ilalim ng Local Government Support Fund, upang makatulong din sa pagpapatrolya ng ating mga barangay officials, lalo na sa oras ng pangangailangan.
Upang magkaron ng dagdag na units ang Citizen Armed Force Geographical Unit o CAFGU, at makatulong sa pagsasaayos ng seguridad ng ating buong probinsya, naglaan ako ng pondo para sa pag-recruit ng mga CAFGU members at makapagtayo ng 2 additional detachments dito sa ating probinsya, kasabay ng pagtatayo ng ilang detachments pa sa ating karatig-lalawigan ng Iloilo at Aklan. Naglaan din tayo ng pondo para sa kanilang communication equipment at service vehicle.
Siniguro din natin ang pagsasaayos ng barracks at administrative building upang maging ligtas at maayos ang tirahan ng ating militar.
Ilan lamang ito sa aking mga programa para makatulong sa peace and security ng Antique. Hinihingi ko ang inyong kooperasyon upang mapadali ang pagpapaigting ng kapayapaan at kaayusan sa ating probinsya.
Ipagpaumanhin ninyo ang aking pagliban sa araw nito, dahil kasalukuyang dinidinig ang budget ng ating bayan para sa susunod na taon. Hiling ko ang matagumpay na pagsasagawa ng summit na ito at nawa ay pagtibayin nito ang inyong commitment sa inyong panunungkulan.
Duro gid nga salamat!