Message of Hon. Loren Legarda at the 124th Independence Day Celebration in Bacoor, Cavite
June 15, 2022MESSAGE OF HON. LOREN LEGARDA
124th Independence Day Celebration
12 June 2022
Bacoor, Cavite
Ang aking mainit na pagbati sa mga Bacooreño at sa Lungsod ng Bacoor, ang Marching Band Capital ng ating bansa. Una sa lahat, nais ko kayong pasalamatan para sa pagkakataong pagsilbihan kayo muli bilang isang fourth-term Senator. Maraming salamat. Masaya akong nakikiisa sa inyo ngayon sa pagdiriwang ng ika-sampung anibersaryo ng cityhood ng Bacoor at ang ika-isangdaan at dalawampu’t apat na anibersaryo ng ating kalayaan. Kaisa ninyo ako sa tema ng pagdiriwang natin ngayong taon na: “Pagsulong sa Hamon ng Panibagong Bukas.”
Ngayon araw, ipinagdiriwang natin ang ating kalayaan at inaasahan ang isang panibagong bukas. Ngunit ang kalayaan ay hindi lamang nasusukat sa kawalan ng isang mapang-api o mananakop. Bagaman malaya na tayo mula sa mga kamay ng mga mananakop, marami pa tayong laban na haharapin, kabilang ang kahirapan.
Magkaisa tayo para masiguro na magiging abot-kamay sa ating bansa ang isang inclusive, resilient, at regenerative growth nang sa gayon ay maging malaya mula sa kahirapan ang bawat Pilipino. Kailangan nating isulong ang paglago na ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng mas marami pang job opportunities at stable employment, access sa kalidad na edukasyon, health services, kabuhayan para sa kababaihan, suporta sa mga micro, small, at medium enterprise, at safe at disaster-resilient na mga komunidad para sa mga Pilipino.
Nais kong makita ang ating pamahalaang nagbibigay-pansin sa ating mga kanayunan. Nais kong makita ang pagpapalakas ng suporta sa paglaki ng mga MSME. Nakita ko kung paano natutulungan ng mga ito ang ating pamahalaan na gumawa ng mas maraming oportunidad para sa milyun-milyong Pilipino. Ipagpatuloy natin ang ating mga livelihood training program at technical and financial support sa mga magsasaka at mangingisda. Kailangan natin magtulungan at siguruhin na yaong mga nagpapakain sa atin, ang ating mga magsasaka at mangingisda, ay may kakayahang buhayin ang kanilang mga sarili at kanilang mga pamilya.
Ganun din, dapat maging bahagi ng ating mga programa ang pangangalaga sa kalikasan. Ang unti-unting pagkakasira ng ating mga ecosystem ay isa lamang sa mga dahilan ng lumalalang panganib na dala ng mga sakuna at kahirapan. Proteksyunan natin ang ating mga ecosystem, pangalagaan at isulong ang ating mga protected area, muling buhayin ang ating mga kagubatan, at linisin ang ating mga ilog at ang hangin. Gawin natin ito ngayon.
Hinihiling ko na sa pagpapatuloy ng ating tourism development, tumingin tayo sa isang wistema na nangangalaga, prinoproteksyunan, at muling binubuhay ang ating kalikasan. Dahil para maligtas ang ating mga sarili, kailangan nating iligtas ang kalikasan. Ang pangangalaga nito ang ating una, pinakamaganda, at pinaka-cost-effective na depensa laban sa mga hamon na dala ng kinabukasan. Bilang inyong fourth-term Senator, magiging bahagi ng aking legislative agenda ang pag-unlad na kasama ang mga serbisyo para sa ecosystem na dala ng ating kalikasan. Dahil sa huli, dahil mahigit kalahati ng ekonomiya ng mundo ay nakadepende sa kalikasan at mga serbisyo nito, tayo ang naglalagay ng ating mga sarili sa kapahamakan. Sa pagsasama natin ng conservation policy sa pundasyon ng anumang klase ng pag-unlad, makakalikha tayo ng isang mas mayaman at resilient na daan para sa ating bansa.
Ang ating pamahalaan ay matagal nang gumagawa ng mga reporma para isulong ang inclusive growth na ito. Hinihikayat ko ang lahat na ipagpapatuloy ang pagpapalakas nito at suportahan ang aking mga nabanggit na programa at inisyatibo. Tulad ng ating mga ninuno, na minsan nangarap para sa ating kalayaan, makakalaya lamang tayo mula sa kahirapan kung tayo ay magkakaisa para gamitin ang mga oportunidad na kasama ng isang regenerative economy sa mabuting paraan. Muli, maraming salamat sa inyong paanyaya. Sama-sama tayo magsulong sa hamon ng panibagong bukas. Isang luntiang Pilipinas sa ating lahat!