Message of Deputy Speaker Loren Legarda: Earth Day 2021 Celebration
April 22, 2021Message of Deputy Speaker Legarda
Earth Day 2021 Celebration
April 22, 2021
Today is Earth Day, and we are celebrating it at a precarious time when we are witnessing a massive decline in the health of our ecosystems, biodiversity, and natural resources.
The climate crisis, the state of our plastic pollution, the magnitude of environmental degradation, the crippling pandemic—we need to acknowledge this hard truth: we humans are causing all of this.
We are digging up fossil fuels buried deep in the ground when there are vast, limitless sources of renewable energy above ground. We are choking the life in our oceans as we continue to mismanage our plastic waste. We are denuding our forests, converting our mountains and lands, and forcing animals away from their habitats.
But we can change this. There is still time for you and I—for all of us—to turn the tide and bring back the life and vigor of our planet Earth.
As a lawmaker for over two decades, I have passed many laws that champion environmental protection and climate action, as well as the protection of the welfare of every Filipino. But I know that these laws are mere ink on paper if not implemented right.
The pending legislation that would ban single-use plastics and address the massive problem of marine litter will certainly have my full support here in the House of Representatives. I hope our colleagues in the Senate will follow suit.
As I have also said many times before: climate adaptation, or to build our defenses and strengthen our resilience against extreme weather and slow-onset climate impacts, will be our best chance for survival.
Adaptation must therefore serve our vulnerable populations, especially those living on our island and coastal communities. Appropriate adaptation interventions, using the best available science and realized through climate finance, must cater to their specific needs and aspirations.
There are a number of easy-to-do local adaptation initiatives that communities could pursue, such as:
- harvesting rainwater for household and community use;
- making food gardens, rooftop gardens, and edible landscapes for food sufficiency and sustainability;
- making roadside ditches with green cover to reduce flooding;
- planting bamboo to protect slopes, to prevent landslides, and to provide resilient rural livelihood;
- planting mangroves and sea grasses to protect coastal ecosystems and communities;
- harnessing solar and other renewable energy sources to electrify homes, schools, barangay halls, public places and farm irrigation systems; and
- promoting climate field schools, seedling banks, and resilient livelihoods for farming communities that promote indigenous knowledge and women leadership roles.
I will continue championing climate justice, in all the regional and global climate talks and negotiations, including the upcoming Conference of the Parties this November.
All these and more, I pledge for a better Earth.
An Earth where we don’t sacrifice our environment to pursue “development.” An Earth where we embrace sustainability, mindful consumption, and planetary health as core principles in growing our economy. An Earth that we and future generations can truly call home.
This Earth Day and beyond, we can and we must save our planet Earth.
Filipino
Mensahe ni Deputy Speaker Loren Legarda
Earth Day
April 22, 2021
Ating pinagdiriwang sa araw na ito ang Earth Day sa gitna ng hamon sa kalagayan ng ating ecosystem, biodiversity, at likas na yaman.
Ang krisis sa klima, ang polusyon sa plastic, ang malawakang pagkasira ng ating kalikasan at ang kasalukuyang pandemya, lahat ng ito ay maiuugnay natin sa walang pakundangan na pang-aabuso sa kalikasan at ating kapaligiran.
Patuloy nating hinuhukay ang mga fossil fuels sa kailaliman ng lupa, habang mayroon naman tayong mapagkukuhanan ng renewable energy na mas makakapagpabuti sa kalagayan ng ating kapaligiran.
Nilalason natin ang buhay sa karagatan sa patuloy nating pag-gamit ng mga single-use plastics at sa hindi maayos na pagtatapon ng mga nagamit na plastic at basura.
Inaabuso natin ang ating mga kagubatan, hinuhukay ang mga bundok at patag upang makapagpatayo ng mga gusali na nagiging dahilan para mapilitan ang ating mga hayop na lisanin ang kanilang likas na tirahan.
Tayo ang may gawa ng unti-unting pagkasira ng ating mundo. Ngunit, nasa kamay din natin ang muling paghihilom nito. May panahon pa para muli nating ibalik ang sigla ng ating kalikasan at kapaligiran.
Bilang isang mambabatas sa loob ng mahigit na dalawang dekada, nagsulong ako ng mga makabuluhang batas na naglalayon na pangalagaan ang kapaligiran, climate action at pangangalaga ng kapakanan ng bawat Pilipino. Ngunit, masasayang lamang ang mga batas na ito kung hindi masisiguro ang epektibong implementasyon nito.
Isinusulong ko din ang panukalang batas na magbabawal sa paggamit ng single-use plastics na maaaring maging sagot sa ating problema sa basura na nagiging sanhi ng polusyon sa karagatan. Umaasa akong ang Senado ay magbibigay din ng suporta upang mapabilis ang pagpapatibay ng batas na ito.
Tulad ng aking laging sinasabi, ang climate adaptation at ang pagpapatibay ng ating kakayahan na maharap at malamapasan ang ating pabago-bagong klima at mga mapanirang sakuna ay makakapagligtas sa atin at sa mga susunod pang henerasyon.
Siguraduhin natin na ang ating mga hakbang para sa isang epektibong climate adaptation ay nagbibigay ng halaga sa ating mga vulnerable communities lalo na sa mga komunidad na nakatira sa isla at tabing dagat.
Ang mga local adapation efforts na ito ay maaari nating gawin at simulan sa ating mga tahanan at komunidad:
- Pag-iipon ng tubig ulan;
- Pagtatanim sa bakuran at sa mga bakanteng espasyo ng komunidad;
- Pagpapanatili ng malinis na kanal para sa maayos na daloy ng tubig at maiwasan ang pagbaha;
- Pagtatanim ng mga kawayan para maprotektahan ang mga dalisdisan at maiwasan ang landslides;
- Pagtatanim ng mga bakawan at mga damong dagat upang mapangalagaan ang ecosystem ng mga baybayin at pamayanan;
- Pagtataguyod ng paggamit ng mga solar at renewable energy upang mailawan at mabigyan ng kuryente ang mga tahanan, paaralan, bulwagan ng barangay, mga pampublikong lugar at mga sistema ng irigasyon sa bukid; at
- Pagtataguyod ng mga climate field schools, seedling banks, at pagsasaka at pagtatanim sa komunidad na nagsusulong ng mga katutubong kaalaman at kakayahan ng kababaihan
Ipagpapatuloy ko ang aking laban upang makamit natin ang climate justice sa lahat ng komperensya at mga negosysasyon tungkol sa kalagayan ng ating klima at kapaligiran, kabilang na dito ang Conference of the Parties sa darating na Nobyembre.
Patuloy akong kikilos para sa kapakanan ng ating mundo at ng bawat Pilipinong umaasa sa isang masagana, maayos at malusog na pamumuhay.
Isang mundo na patuloy na uusad sa pag-unlad nang hindi naisasawalang bahala ang kalagayan ng kapaligiran. Isang mundo kung saan isinusulong ang sustainability, maingat na pagkonsumo, at planetary health bilang parte ng pag-unlad ng ekonomiya. Isang mundo na maaari nating tawagin at ng mga susunod na henerasyon na “tahanan”.
Sa araw na ito at sa mga susunod pang araw, sama-sama nating pahalagahan at hilumin ang ating mundo.
Kinaray-a
Message of Deputy Speaker Legarda
Earth Day 2021 Celebration
April 22, 2021
Ginasaulog natun kadya nga adlaw ang Earth Day bisan pa ang atun dunang-manggad dyan sa tunga ka duro nga mga panghangkat. Imawi ninyo ako sa pagselebrar ka dyang okasyon para atun pasanyugun ang himpit nga pag-amlig ka atung dunang-manggad.
Buylog kita tanan para protektaran kag amligan ang atun iristaran kag atun kalibutan. Iririmaw kita sa pag-atipan ka dya para sa ikamayad ka atun kalibutan kag ka mga Antiqueño nga nagahandum kang mayad kag bugana nga pangabuhi.