Message: The Farmers Forum for Irrigation Projects
September 3, 2019Message of Deputy Speaker and Antique Congresswoman Loren Legarda
The Farmers Forum for Irrigation Projects
03 September 2019 | San Jose de Buenavista, Antique
Mayad nga aga ka ninyo nga tanan!
Binabati ko ang mga pangulo ng mga irrigators’ association, mga punong barangay, at mga municipal engineer na dumalo sa ating pagpupulong.
Bagaman ay bigo na makadalo ang inyong lingkod, ako ay nagpapasalamat dahil kayo ay naglaan ng oras upang makilala ang National Irrigation Administration (NIA) – Antique Irrigation Management Office (IMO) at mga proyekto na hatid nito sa Antique.
Napakahalaga ng inyong papel sa ating bayan. Kayo ang nagsisilbing tulay upang magkaroon ng pagkain ang bawat tahanan at instrumento sa pagpapaunlad ng ating bayan. Kaya naman ay nais ko kayong himukin.
Bilang mga pinuno at gabay ng ating mga magsasaka at mangingisda, nawa ay maging tapat kayong lingkod-bayan na walang ibang hangad kung hindi ang pag-unlad ng ating probinsya.
Bilang kasalukuyang Deputy Speaker at Antique Congresswoman, malugod kong sinusuportahan ang mga programa ng gobyerno na naglalayong ibigay ang mga pangangailangan ng mga magsasaka at mangingisda. Patuloy ang ating pagpapatupad ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvanted Workers o TUPAD Program sa ilalim ng Department of Labor and Employment para sa mga panahon na hinihintay ang pagtubo ng mga pananim.
Noong tayo ay Chair ng Senate Committee on Finance, siniguro natin ang paglalaan ng pondo para sa pagpapatupad ng Free Irrigation Service Act at mga irrigation facility ng NIA.
Nawa ay makatulong ang Farmers Forum na ito sa paghatid ng mga proyekto ng NIA sa ating mga magsasaka at constituent. Hiling ko po ang produktibong pagtatapos ng araw na ito.
Duro gid nga salamat! Palangga ko kamo!