Back to Home | Back to Speech

Message: Groundbreaking Ceremony of Feed Mill Project

December 22, 2018

Message of Senator Loren Legarda*
Groundbreaking Ceremony of Feed Mill Project
22 December 2018 | Patnongon, Antique

*Delivered by Mr. Wilson Alian of DTI

Mayad nga aga kaninyo nga tanan!

Binabati ko ang lahat ng miyembro ng Patnongon Multi-Purpose Cooperative. Congratulations sa groundbreaking ng ating proyekto.

Ang Feed Mill Project na ito ay ipinagkaloob natin para mapaunlad ang livestock industry ng probinsiya. Nagbigay na rin tayo ng mga free-range chicken para sa ating mga poultry farmers at breeding stock para sa mga dairy farmers. Ilan lamang yan sa marami pang mga proyekto para masuportahan ang iba’t ibang industriya sa lahat ng munisipalidad ng Antique.

Ibinibigay natin ang lahat ng pangangailangan ng mga industriya para matugunan ang pangangailangan ng ating mga kasimanwa. Kapag napaunlad natin ang mga industriyang ito, hindi lamang ang ating probinsiya ang mabibigyan ng supply dahil maaari na rin tayong mag-supply sa ibang lalawigan.

Ang gusto ko po ay umangat ang buhay ng lahat ng Antiqueño at maging progresibo ang Antique. Asahan po ninyo na ang inyong lingkod, si Inday Loren, ay nagsusumikap na maibigay ang mga pangangailangan ninyo at ng buong probinsiya. Asahan po ninyo ang marami pang programa para sa ikabubuti ng bawat Antiqueño.

Sama-sama nating iaangat at pauunlarin ang ating mahal na probinsya.

Duro gid nga salamat kaninyo nga tanan! Kruhay!