Message: Dialogue with NAST Scientists (DOST)
September 24, 2019Message of Deputy Speaker and Antique Congresswoman Loren Legarda
Dialogue with NAST Scientists (DOST)
24 September 2019 | UA Main Campus, Sibalom
Mayad nga aga ka ninyo nga tanan!
Binabati ko ang mga mag-aaral ng University of Antique, National Scientists at Academicians, at lahat ng dumalo sa dialogue na ito na pinangunahan ng National Academy of Science and Technology Philippines at Department of Science and Technology Region VI.
Ang mga dialogue tulad nito ay patunay na hindi natitigil sa apat na sulok ng silid-paaralan ang ating pagtataguyod sa edukasyon. Matatagpuan ang kaalaman kahit sa labas nito, salamat sa mga eksperto at bihasa na handang tumulong at magbahagi ng kanilang mga karanasan.
Ang mga dialogue din tulad nito ang nagbibigay-daan upang umusbong sa ating mga mag-aaral ang interes na mag-aral ng siyensiya, naghihikayat na tahakin ang larangan na ito at maging siyentipiko at akademiko.
Malaki ang ambag ng mga pag-uusap tulad nito sa pag-unlad ng ating bayan, dahil sa mga siyentikipiko at akademiko nagmumula ang mga bagong ideya na nagiging imbensiyon na nagsusulong sa ating teknolohiya at kaalaman. Mahalaga na maramdaman nila na sila ay bahagi ng ating lipunan at ang bunga ng kanilang mga paghihirap ay mayroong makabuluhang kontribusyon.
Bilang dating Senator, minarapat ng inyong lingkod ang maghain ng amendments sa Magna Carta for Scientists, Engineers, Researchers and other S&T Personnel na ngayon ay ida ng bagong batas. Sa ilalim ng Republic Act No. 11312, mas maraming benepisyo ang matatanggap ng ating mga siyentipiko, engineer, researcher, at ibang personnel. Bilang principal author ng batas, layunon kong na hindi lamang mapangalagaan ang kapakanan at hinaharap ng mga ekspertong ito, pati na rin, higit sa lahat, ang mahikayat na manitili sila dito sa ating bayan upang patuloy na paglingkuran ang ating lipunan at ang mga komunidad.
Hiling ko ang matagumpay na pagsasagawa ng dialogue na ito, at makakaasa kayong patuloy ninyo akong magiging kaagapay sa paglilingkod sa ating bayan.
Duro gid nga salamat! Palangga ko kamo!