Message: 2019 Division Brigada Eskwela Awarding Ceremony
September 20, 2019Message of Deputy Speaker and Antique Congresswoman Loren Legarda
2019 Division Brigada Eskwela Awarding Ceremony
20 September 2019 | San Jose de Buenavista, Antique
Mayad nga adlaw ka ninyo nga tanan!
Binabati ko ang mga school head, guro, PTA official, local government unit representative, at mga pribadong kumpanya, non-government organization, at iba pang katuwang ng Kagawaran ng Edukasyon o DepEd.
Ipinagdiriwang natin ngayong araw ang tagumpay ng ating kolektibong pagkilos upang mapabuti ang lagay ng mga mag-aaral sa probinsya. Sa ating sama-samang paglilinis at pag-aayos ng mga silid-aralan, maginhawang sinalubong ng mga kabataang Antiqueño ang bagong pang-akademikong taon.
Taos-puso ang aking pasasalamat sa mga paaralang nakiisa sa Brigada Eskwela ng DepEd. Sa mga punong guro, guro, at iba pang opisyal, ang inyong walang sawang pagsubaybay at pagbigay ng suporta sa mga mag-aaral ng ating probinsya ay tunay na kahanga-hanga at hindi matatawaran.
Taos-puso rin ang aking pasasalamat sa mga miyembro ng pribadong sektor, non-government organization, at iba pang katuwang ng DepEd na nagbigay ng oras upang makilahok sa malawakang Brigada Eskwela ngayong taon.
Nakakatuwang isipin kung paano pinag-isa ng Brigada Eskwela ang ating probinsya. Patunay ito na anumang adhikain ay kayang abutin basta sama-sama at nagtutulungan.
Sa ating Paglaum Awardees, nawa ay magsilbi kayong modelo para sa mga paaralan sa Antique at Pilipinas. Ipagpatuloy ninyo ang pagiging mabuting halimbawa ng paaralan na nagtataguyod sa karapatan sa kalidad na edukasyon ng kabataan.
Duro gid nga salamat! Palangga ko kamo!