Mensahe: Philippine Philharmonic Orchestra Workshop
December 1, 2018Mensahe ni Senador Loren Legarda*
Philippine Philharmonic Orchestra Workshop
Ika-1 ng Disyembre 2018 | Antique National School, San Jose
*Delivered by Dr. Herminigildo Ranera
Mayad nga aga kaninyo nga tanan!
Binabati ko ang lahat ng mga nakilahok sa workshop ng Philippine Philharmonic Orchestra ngayon. Isang pambihirang pagkakataon ang maturuan ng mga batikan sa larangan ng musika at masuwerte kayo na maging bahagi nito.
Ang musika ay bahagi ng ating kultura at ang ating bansa ay mayaman hindi lamang sa mga Filipino na magaling umawit ngunit mga magagaling na musikero gamit ang iba ibang instrumento.
Ang workshop ng PPO ay naglalayon na magabayan ang mga batang musikero katulad ninyo sa maayos at higit na magaling na pagtugtog. Bigyang halaga ninyo ang pagkakataong ito at isapuso ang inyong mga matututunan.
Mahalaga ang musika hindi lamang bilang bahagi ng ating sining at kultura ngunit maging sa ating buhay dahil ito ay nagpapasaya, nagbibigay inspirasyon, nagpapagaan ng damdamin at nagbibigay kulay sa ating buhay. Mapalad kayo na nabiyayaan ng talento sa musika, kaya ito ay inyong ingatan at pagyamanin.
Nagpapasalamat din ako sa PPO sa pagsasagawa ng ganitong mga aktibidad na naglilinang sa talento ng ating kabataan. Saludo ako sa inyong dedikasyon sa inyong kasanayan at sa pagbahagi ng inyong pagkadalubhasa sa mas marami pang Filipino.
Duro gid nga salamat kaninyo nga tanan!
Mabuhay ang musikang Filipino! Kruuuhay!