Mensahe: Hangkat Kinaray-a
December 1, 2018Mensahe ni Senador Loren Legarda*
Hangkat Kinaray-a
Ika-1 ng Disyembre 2018 | Robinsons Mall, Antique
*Delivered by Prof. Celestino Dalumpines, DepEd Antique MTB-MLE Coordinator
Mayad nga aga kaninyo nga tanan!
Una sa lahat, binabati ko ang Department of Education ng Antique sa pag-organisa ng aktibidad na ito upang maipakita ng ating mga mag-aaral ang kanilang kagalingan sa wikang Kinaray-a.
Binabati ko rin ang lahat ng mag-aaral na kasali sa contest na ito, pati na rin sa mga magulang at guro.
Isa sa mga adbokasiya ko ay pangalagaan ang ating kultura dahil ito ay mahalagang bahagi ng ating pagkatao. Ayon sa United Nations, ang ating wika ay napakahalaga sa pangangalaga ng ating pamanang pangkultura.
Kaya naman lubos ang aking pagsuporta sa programa ng DepEd na Mother-Tongue Based Multilingual Education (MTB-MLE) upang matuto at masanay ang kabataan sa kanilang sariling wika bago matuto ng ibang wika.
Tayong mga Antiqueño ay mapalad dahil mayaman ang ating kultura at malaking bahagi nito ay ang ating wikang Kinaray-a.
Kaya naman tayo nagtayo ng Bantayog Wika o Language Marker para sa Kinaray-a, na kauna-unahang naitayo sa bansa, upang maging patuloy na paala-ala sa atin na pangalagaan ang ating wika.
Ang Kinaray-a ay maituturing na kayamanan at tatak ng bawat Antiqueño kaya dapat natin itong panatilihin, pangalagaan, at mahalin.
Muli, binabati ko ang lahat ng mga kalahok sa Hangkat Kinaray-a.
Duro gid nga salamat kaninyo nga tanan! Kruuuhay!