Congratulations to the Winners of May 2010 Elections
May 11, 2010I sincerely congratulate my winning colleagues in the race, Noynoy Aquino and Jejomar Binay. I wish them all the best in the difficult road ahead for our country. May their leadership usher in a new era of less poverty, stable economic growth, peace and environmental security. Now is the time to put strained relationships and political disunities spawned during the electoral campaign behind us. Let us work together in cooperation and in constructive engagement to build a better nation.
I’d like to thank all who supported my campaign in various ways, as well as those who believed in the soundness of the alternative program and leadership that Manny Villar, myself, and our whole team offered. But the people have shown their preference in the polls, which I respect and abide with. This is the meaning of democracy. And in a great sense, we are all victorious in having conducted a successful electoral exercise with results that we can trust.
Maraming salamat po.
Congratulations to the Winners of May 2010 Elections (Tagalog)
Buong puso ko pong binabati ang mga nagwagi sa halalang ito, sina Noynoy Aquino at Jejomar Binay. Hangad ko po ang lahat ng kabutihan para sa kanila laluna’t sila’y haharap sa napakahirap na pagsubok bilang mga pinuno ng ating bansa.
Inaasahan ko na sa kanilang pamumuno magsisimula ang isang panahon kung saan naiibsan ang kahirapan, tuluy-tuloy ang pag-unlad, namamayani ang kapayapaan at seryosong hinaharap ang bantang dala ng pabagu-bagong panahon.
Ako po ay nananawagan sa lahat na isantabi na ang bangayang nilikha ng kampanya at paghilumin ang sugat na nagawa nito. Panahon na para magtulungan tayo, isang pagtutulungang nababatay sa iisang layunin, at ito ay ang kabutihan ng taumbayan.
Ako po ay nagpapasalamat sa lahat ng mga sumuporta sa aking kampanya, sa kanilang iba’t iba pero napaka-importanteng paraan.
Tumakbo po ako sa halalang ito batay sa aking paniniwala sa alternatibong programa at bagong pamamaraan ng pamumuno na isinulong namin ni Manny Villar at ng aming mga kasama. Pero nagsalita na po ang nakararami. Ipinahayag na ng taumbayan ang kanilang kagustuhan sa panahong ito.
Ito po ay aking ginagalang, at susundin. Ito po ang ibig sabihin ng demokrasya.
Sa ngayon, tagumpay na nating maituturing bilang isang lipi ang kauna-unahang halalan na may resultang tunay nating mapagkakatiwalaan.
Samantala, tuluy-tuloy po ang serbisyo sa inyo ni Senador Loren. Ako po’y naniniwala na ang pagiging lingkod bayan ay hindi tungkol lang sa halalan. Ito po ay pang-habambuhay na panata ng paglilingkod sa mga mamamayan.
Maraming salamat po.