Ceremonial Lighting of the Tree of Hope
December 4, 2009Una sa lahat, nais ko kayong batiing lahat ng Magandang Gabi.
Isang malaking karangalan ang maimbita sa okasyong ito.
Masaya ako at napili ninyo akong maging kasama sa gabing ito para buksan ang Tree of Hope ng Lungsod ng Valenzuela.
Alam ko na ito ay naging tradisyon niyo tuwing sasapit ang pasko.
Noong 2004 ay inilawan ninyo ang Tree of Hope para sa mga taga ng Kasarival at Harv na naakpektuhan ng Northrail project.
Binuksan ulit ninyo ang Tree of Hope noong 2005 para sa mga specially-abled children ng Valenzuela. Noong 2006, para sa ating mga senior citizens at noong 2007, para sa mga estudyante ng Alternative Learning Systems.
Last year, ito ay nilaan ninyo para sa mga street sweepers, paleros at sa mga ating kamineros. Ngayon 2009, ako ay nagagalak at napupuno ang puso na inyong napili na ilaan ang Tree of Hope para sa mga biktima at bayani ng typhoon Ondoy.
Dahil dito, ako ay nagpapasalamat higit sa lahat sa Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela. Mayor Gatchalian, maraming salamat.
Alam naman ninyo na malapit sa puso ko ang climate change na epekto ng kapabayaan sa kalikasan.
Ang mga kalamidad na ating naranasan sa ating bansa ay nangangailangan ng mga lider na magwawasto ng mga maling sistema.
Nakita natin kung ano ang nangyari kapag ang baha ay dumating. Ang mga komunidad na dati ay hindi pinaglalagusan ng baha ay nalubog sa tubig.
Kailangan natin na magkaroon ng isang pro-active na paraan upang mabawasan ang panganib nating hinaharap.
Ako ay nanawagan para sa isang makabagong pag-iisip, ng isang mas holistic na pilosopiya sa pagunlad. Marahil mas nauunawaan ninyo ito kaysa karamihan ng ating mga kababayan.
Itong uri ng pag-unlad ay para maging pantay ang socio-ekonomiyang pag-unlad.
Ito rin ay pangangalaga sa ecosystems at mabuting pamamahala, na kung saan ang lahat dapat na pinagtibay ng mga lider ng buong mundo ay matugunan ang lumalaking panganib ng kapinsalaan.
Ang inyong lingkod ay ang may akda ng Climate Change Act of 2009 na naglalayon na labanan ang mga baha at landslides.
Subalit ang pagbabago sa klima ay patuloy na maglalagay ng karagdagang pagkabalisa sa ating tigib na watersheds, na kung saan naman ay makakaapekto sa mababang lugar at mga baybaying-dagat na lugar.
Kailangan po natin na ipagpatuloy ang paglaban sa climate change.
Asahan ninyo na ako ay mananatiling makakalikasan dahil ang pangmatagalang pag-unlad ng ating bansa ay nakasalalay sa pagpahahalaga natin sa ating kapaligiran at sa tagalang pag-unlad ng ating bansa ay nakasalalay sa pagpahahalaga natin sa ating kapaligiran at sa pangangalaga natin sa ating mga likas na kayamanan.
Nanawagan po ako sa inyo na samahan ninyo ako sa laban na ito para sa kapakanan ng lahat ng Pilipino at ng bayan natin. Samahan ninyo ako Lunsod ng Valenzuela sa laban na ito. Mabuhay kayo! Maraming salamat at maligayang pasko sa inyong lahat!