Press Conference on RCEP 

February 24, 2023

MESSAGE OF SENATE PRESIDENT PRO TEMPORE LOREN LEGARDA

Press Conference on RCEP 

23 February 2023

Sponsoring the ratification of the Regional Comprehensive Economic Partnership Agreement is a zigzagged and potholed road because the most vulnerable of our sectors, our farmers and fisherfolk were against it.

We have had a trade deficit for six decades, buong buhay ko na po ito at kamakailan ay lalong tumataas pa. The sectors opposed to this treaty have had their hopes dashed, their expectations unfulfilled, their pleas unheard. On the other hand, business, industry, and management groups and others have urged us not once but three times in the last year to ratify this agreement. Electronics, machinery and food finished products are seen to benefit. We have to show the people how.

The RCEP is the biggest trade agreement the world has ever seen to date. It will govern about 29% of all trade around the world, 29% of the global population and 29% of the world’s total gross domestic product. This means about one-third of all the goods produced globally will be covered by this deal.

The agreement is 510 pages of technical language on international trade. It is frankly difficult to read while imagining the impact it will have on our palengke or on the fisherfolk bringing home their catch or on the farmer.

It is true that agriculture in the Philippines has suffered for decades not only from neglect but also, frankly, from corruption and mismanagement. Government set up safety nets and budgets to make us competitive but the trade deficits have remained and the agriculture sector remained stagnant. The ones who produce our food cannot help but feel betrayed.

It is this sentiment that they carry in their objection to the RCEP. And it is this sentiment that I commit to respect and work on as we proceed.

The Department of Agriculture and the Department of Trade and Industry have repeatedly reassured farmers that only 33 agricultural tariff lines covering 15 products are contained under the RCEP for importation and while some of them will have immediate zero tariff, the others will only be zero after 15 to 20 years. Our most sensitive products will not be affected. As a matter of fact, many of our produce are already covered by earlier free trade agreements. This is only equivalent to 1.9% of the total agricultural tariff lines or 0.8% of the total imports.

Nais ko pong sabihin sa inyo na kaya ako pumayag na isalang ito sa Senado ay dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay may paniniwala akong maaari nating pagtagumpayan ang mga suliranin ng agrikultura sa mga darating na taon, at nakikita ko ito ang pagkakataon na maiwasto ang mga pagkukulang at pagkakamali sa kalakaran sa pamamahala ng sektor.

Narinig po namin kayo. May buod na kami ng lahat ng inyong hinaing at isinasaalang-alang lahat ng ito hindi lamang sa pagratipika ng kasunduang ito kundi sa magiging gawain ng Subcommittee na bubuuin para lamang sa pagsusubaybay ng mga naipangako sa proseso ng pagraratipika. Malinaw ang inyong sinabi na hindi naman talaga RCEP ang nagdulot o magdudulot ng mga suliraning ito kundi ang kasaysayan ng pamamahala sa sektor ng agrikultura sa bansa at ang kakulangan ng ating ginawa para magbago ang sitwasyon.

Nais ko pong ipaabot sa inyo na pinag-aaralan ko nang masusi ang inyong mga sinabi. Inaanyayahan ko po kayong tingnan ang ating resolusyon at hanapin doon ang mga nabanggit na ninyo.

Bukod pa po sa mga nasabi niyo na ay mayroon pa rin akong pansarili kong mga panuntunan na dapat pangatawanan ng ating mga ahensya. Ang posibleng epekto ng pagdagsa ng walang taripang produkto sa ating bansa ay maaring magdulot ng mas malalang krisis sa basura lalo na kung hindi matibay ang mga aangkatin. Isa sa pinaka-importanteng bahagi ng RCEP ay ang pagkakaroon ng pananagutan sa pamamagitan ng pinag-isang sistema ng mga patakaran ng pagnenegosyo at pangangalakal.

Hindi lang po pamahalaan ang inaasahan nating kumilos upang ang sektor ng magsasaka at mangingisda ay matulungan. May mga sektor na tiyak nating makikinabang kung kaya’t hindi lamang isang beses kundi tatlo sa nakaraang taon hinikayat tayo ng industriya at mga propesyonal na ratipikahan na ito. Kaya nananawagan ako sa kanila. Sabay sabay nating iangat ang sektor na nagpapakain sa atin. Isasama ko sila sa pagbuo ng mekanismo para matiyak ang mga hakbang na kailangan para hindi na ulit maramdaman ng magsasaka na naisahan na naman sila.

Noon pong 2017 ay ako rin ang nagsalang ng ganito ring kasunduan, ang EFTA sa mga bansang Iceland, Liechtenstein, Norway and Switzerland at sa maikling panahon mula noon ay naitaguyod natin ang ating kakayahan hanggang nabura na po ang ating trade deficit sa mga bansang ito. Trade surplus na po. Total trade between the Philippines and EFTA likewise increased by 2.40% from USD 802.150 million in 2018 to USD 821.407 million in 2019. This surplus further grew to USD 101.49 million in 2020 and USD 89 million in 2021 despite the COVID-19 pandemic.

2012 pa po sinimulan ang negosasyon (administrasyon ni dating Pangulo Noynoy Aquino) ng RCEP at ito po ay naging epektibo noong bagong taon ng 2022.

Tayo na lang po sa buong ASEAN ang hindi pa nagraratipika nitong RCEP. Simula nang nagratipika ang ibang bansa ng ASEAN ay tumaas na ang kanilang exports. Hindi napariwara ang kanilang mamamayan. Kinikilala ko na ito ay dahil na rin sa sarili nilang pamahalaan. Ganyan din ang inaasahan kong mangyari sa atin. Hindi na lang ang sangay ng Ehekutiba ang magtitiyak ng mga benepisyo nito kundi ang Senado na rin bilang panindigan namin sa inyong mga sinambit dito.