Message of Senate President Pro Tempore Loren Legarda: Panunumpa ni Victorino Mapa Manalo bilang Ika-14 na Tagapangulo ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining
January 4, 2023Message of Senate President Pro Tempore Loren Legarda
Panunumpa ni Victorino Mapa Manalo
Ika-14 na Tagapangulo ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining
Ballroom ng Tanghalang Metropolitan, Ermita, Lungsod ng Maynila
December 29, 2022 | 10:00 AM
Warmest greetings to the ladies and gentlemen of the National Commission for Culture and the Arts, especially to its outgoing Chairperson Rene Escalante and incoming Chairperson Ino Manalo. It is an honor to be with you today as a guest of this prestigious Commission, which continues to make important and long-lasting contributions to the preservation, development, and promotion of Philippine culture and the arts.
I have expressed my support for the nomination of National Archives Director Victorino Manalo as the Commissioner of the National Commission on Culture and the Arts (NCCA) for the term 2023 to 2025. I have unwavering faith that, under the leadership of Chairperson Victorino Manalo, the NCCA will continue to foster the Filipino people’s identity and develop a sense of national pride through the development of original artistic expression and the preservation, promotion, and protection of our cultural heritage.
As a legislator and lifelong learner of the culture and the arts, the challenge is to translate these learnings into a strategic and effective policy framework that understands and protects the nation’s ideals and institutions.
Sa nakalipas na mga taon bilang isang mambabatas, ating isinusulong ang pagpapalaganap at pagtatanggol ng mga kultural na komunidad at kanilang mga gawi. Nagsagawa ang inyong lingkod ng mga kultural na pagtatanghal na nagpakita ng mga pambihirang kakayahan at world-class na produkto ng mga katutubo, at sumuporta sa pag-unlad ng cultural villages ng mga Ata-Talaingod, Mandaya, B’laan, Bagobo Tagabawa at ng iba pang mga katutubo sa iba’t ibang aktibidad ng kanilang Schools of Living Traditions.
Sinuportahan natin ang pagtatatag ng kauna-unahang permanenteng gallery ng tela sa bansa na tinatawag na Hibla ng Lahing Filipino: The Artistry of Philippine Textiles sa Pambansang Museo upang ipagdiwang ang katutubong sining at muling pasiglahin ang ating mga tradisyon sa paghabi. Ang mga pagsisikap na tulad nito ay dapat na kaakibat ng suportang institusyonal at lakas ng ating mga batas.
Mahigit isang dekada na ang nakalipas mula nang maipasa natin ang RA 10066 o ang “National Cultural Heritage Act of 2009.” Panahon na upang muling bisitahin ang batas na ito na may integrasyon ng cultural mapping sa lahat ng antas ng ating pamahalaan. Dahil dito, inihain natin ang Senate Bill No. 622 na nag-aamyenda sa nasabing batas.
Ngayon, hinahangad nating matugunan ang nagbabagong pangangailangan ng panahon sa pamamagitan ng pagtugon sa isyu ng pangangalaga sa kultura sa harap ng modernisasyon at patuloy na lumalagong pagkalingat sa lipunan.
Kinikilala din natin ang kahalagahan ng pagpapanatili ng tradisyon sa pagluluto bilang isang mahalagang bahagi ng ating cultural heritage, kaya naman naghain tayo ng Senate Bill No. 244 o ang Philippine Culinary Heritage Act of 2022.
Inihain din natin ang Senate Bill No. 624 na nagtatatag ng Linangan ng Likhang-Bayan (Institute para sa Pamumuhay na Tradisyon) upang magsilbing mahalagang sentro at laboratoryo para sa proteksyon, pagtataguyod, at pagpapaunlad ng mga tradisyong pangkomunidad ng Pilipinas.
Iilan lamang ito sa mga panukalang batas na aking inihain, at hinihiling ko ang suporta ng Komisyon at ang inyong kadalubhasaan upang maisabatas ang mga ito.
Ang ating pagtutulungan ay marami nang nasasagawa sa pagpapalaganap ng kultura at sining. Ang mga programang tulad ng Dayaw — isang serye na tungkol sa mga katutubo at kultura ng Pilipinas, at Buhay na Buhay — isang serye na batay sa pag-aaral ni dating NCCA Chairman Felipe De Leon, Jr. sa walong living cultures ng Pilipinas, ay halimbawa ng malikhaing sining na tinangkilik at sinubaybayan dahil sa mga hatid na aral at kaalaman.
Nariyan ang dokumentaryo na nagtatampok ng pambansang bayani ng Pilipinas na si Dr. Jose Rizal na pinamagatang Finding Rizal in a Time of Barriers, at ang mga pagtatanghal ng komedya sa Antique. Sinuportahan din natin ang pagsasaayos ng cultural heritage sites at pagpapatayo ng mga natural dye centers sa mga kanayunan.
Lahat ng ito ay para sa kultura at sining habang naiaangat natin ang kabuhayan ng ating kapwa, ang kinabukasan ng ating bayan at pagpapayaman ng ating pagkakakilanlan.
Thank you and rest assured that, as a Dangal ng Haraya Awardee in 2016, I remain your steadfast partner in strengthening the Filipino spirit, developing national identity and creativity, and protecting and sharing our rich cultural heritage.
I would like to congratulate, once again, Chairperson Escalante for your support and commitment to NCCA as you were instrumental to many of its successes, and to our new Chairperson Manalo, I look forward to continuing the partnership between my office and the NCCA under your leadership.
Mabuhay ang NCCA! Isang luntiang araw sa ating lahat!