Mensahe ni Sen. Loren Legarda | BANTAY KULTURA: National Retooling of Cultural Education Scholars and Faculty | 9 May 2026 | Metropolitan Theater, Manila
May 9, 2026Makabuluhang hapon sa ating lahat! Maligayang Buwan ng Pambansang Pamana!
Isang karangalan ang makasama ang aking mga kapwa tagapagtaguyod ng kultura at pambansang pamana sa BANTAY KULTURA: National Retooling of Cultural Education Scholars and Faculty.
Nais kong magsimula sa bahagi ng tula ni Pambansang Alagad ng Sining Rio Almario, Kung Salamin ang Kasaysayan.
“Ay, ang panahon! O, ang panahon!
Walâng bait at katwiran kahit ang pagdaloy.
Kung nalilikha ng salamin ang mga kahulugan
Ng kasalukuyan,
Maaari ding baluktutin ang kabuluhan ng nakalípas,
O […]
