Back to Home | Back to Galleries

AICS disbursement in Calatagan Batangas

Mahigit 200 marginalized beneficiaries mula sa Brgy Paraiso, Brgy Biga at iba pang barangay mula sa Calatagan, Batangas ang natulungan kamakailan lang sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation o #AICS ng DSWD.
Bawat beneficiary ay nakatanggap ng 5,000 na kanilang inilaan para sa medical at educational nilang pangangailangan.
“Natutuwa ako dahil maliban sa Antique ay nakakaabot ang ating munting tulong maging sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Nawa’y patuloy tayong magtulungan upang maibsan ang pinagdadaanan ng ating mga kababayan lalo na ngayong panahon ng pandemya.”