Back to Home | Back to Speech

Message: Rondalla: Strings of Unity Outreach Performance

December 15, 2018

Message of Senator Loren Legarda*
Rondalla: Strings of Unity Outreach Performance
December 15, 2018 | Brgy. Malandog, Hamtic, Antique

*Delivered by Ms. Riya Lopez of NCCA

Magandang hapon sa aking mga kasimanwa.

Ilang araw na lang ay Pasko na at nais kong magbigay muli ng espesyal na regalo sa inyo. Isang regalo na maganda hindi lamang sa pandinig, ngunit lalo na sa pakiramdam at sa puso.

Matapos ang pagtatanghal ng Philippine Harmonic Orchestra dalawang linggo na ang nakaraan, ngayon naman ay pakinggan natin ang natatanging pagtatanghal ng Kabataang Silay Rondalla Ensemble, mahuhusay sa pagtugtog ng plucked string instruments at galing sila sa ating karatig-lalawigan ng Negros Occidental.

Ang musika ay napakahalagang bahagi ng ating buhay. Ito ay nakakaapekto sa ating kalooban at kalagayan. Maaari itong magbigay ng inspirasyon at makapukaw ng damdamin. Kaya naman ang layunin ko sa Rondalla outreach concert na ito ay mapasaya kayo, ang aking mga kasimanwa, at maibahagi ang isang parte ng ating musical heritage.

Tunay na mayaman ang ating kultura at ito ang gusto kong ibahagi sa inyo. Marahil sa pamamagitan nito ay maraming kabataang Antiqueño, o maging matatanda, ang mahihikayat na tuklasin ang kanilang talento sa musika.

Tinitiyak ko na masisiyahan kayo sa pagtatanghal na ito. Para po ito sa inyong lahat mula sa inyong lingkod, si Inday Loren.

Duro duro gid nga salamat kaninyo nga tanan!