Back to Home | Back to Speech

Message: Oath Taking Ceremony of the New Officers of Antique Public Health Nurses Association

December 19, 2018

Message of Senator Loren Legarda

Oath Taking Ceremony of the New Officers of Antique Public Health Nurses Association

19 December 2018 | Eagle’s Hotel, San Jose, Antique

*Delivered by Gov. Rhodora Cadiao

Mayad nga aga kaninyo nga tanan!

Binabati ko ang mga bagong opisyal ng Public Health Nurses Association ng Antique.

Una sa lahat, nais kong magpasalamat sa inyo at sa lahat ng mga nurses sa Antique at sa buong bansa dahil napakahalaga ng inyong propesyon. Mahirap ang inyong trabaho at kung minsan ay hindi pa nabibigyan ng sapat na pagkilala. Kaya naman hayaan ninyo akong bigyang-pugay kayo sa inyong dedikasyon, sakripisyo at pagmamahal sa inyong propesyon. Saludo ako sa inyong lahat at sana ay pagbutihin pa lalo ninyo ang inyong trabaho. Kayo ay isa sa mga katuwang ng ating bayan sa pag-unlad dahil mahalaga na maayos ang kalusugan ng bawat Antiqueño.

Isa sa mga prayoridad ko ang kalusugan ng ating mga kasimanwa kaya naglaan ako ng pondo para sa medical assistance sa lahat ng government hospitals sa Antique at sa mga kalapit na probinsiya. Pinapaayos at pinapaganda din natin ang mga pasilidad ng ating mga ospital at rural health units. Naglaan din tayo ng mga ambulansiya sa bawat munisipyo.

Ilan lamang yan sa ating mga programa at alam ko na magiging katuwang ko kayo lalo na sa pagpapalaganap ng mga kaalaman sa kalusugan. Sabi nga, “prevention is better than cure.” Kaya sikapin nating lahat na mahikayat ang ating mga kasimanwa na maging malusog at malakas ang pangangatawan para lahat tayo ay bahagi ng pag-unlad ng Antique.

Asahan ninyo ang marami pang programa para sa ikabubuti ng bawat Antiqueño. Sama-sama nating iaangat at pauunlarin ang ating mahal na probinsya.

Duro gid nga salamat kaninyo nga tanan! Kruhay!